Alamin ang masamang epekto ng mahabang screen time sa mga bata

Richel Lacaba and family.jpg

Payo ni Richel Lacaba sa ibang mga magulang huwag bigyan ng access sa electronic devices ang mga anak habang sila ay maliliit dahil nakakasama ito sa kalusugan. Credit: Richel Lacaba

Lumabas sa isang pag-aaral umaabot sa average 2.5 oras ang screen time o paggamit ng TV, tablet at mobile phones ng mga batang may edad 8 taong gulang pababa sa Australia sa isang araw, higit doble ito sa rekomendasyon ng World Health Organisation.


Key Points
  • Sinubukan ng inang si Richel Lacaba ang lahat ng pamamaraan para i-kontrol ang screen time ng mga anak at nakatulong ang paglaan ng oras para makipagbonding sa mga bata.
  • Naniniwala si Richel Lacaba na may advantage ang paggamit ng techonology ng mga bata, sa edukasyon at impormasyon subalit kailangan may limitasyon.
  • Ang mga bata sa Australia na may edad 8 taong gulang pababa ay may average na 2.5 oras na screen time araw-araw.
Ayon kay Simon Kelly isang Optometrist isa sa masamang epekto ng mahabang screen time o ang paggamit ng sobra sa TV, tablet at mobile phones sa mga bata ay ang pagkasira ng mata tulad na Myopia o short-sightedness.

Kaya payo nito sa mga magulang kung gumagamit ng electronic devices ng mas maaga ang mga bata, dapat ipasuri sa mga Optometrists ang kalagayan ng mga mata ng bata.

Ano ang 'Text neck'?

Ayon sa isang pag-aaral sa Australia na inilabas sa Health and Wellness website na myDR.com.au sa ginawang higit 218 X-rays ng mga tao na may edad 18 hanggang 30, lumabas na 41 porsyento sa kanila ang may horn-like lump o bukol sa pinaka-base ng kanilang bungo.

Ang mala-butong bukol na ito ay may sukat sa pagitan ng 10-30 mm ang haba.

Ang teorya ng mga mananaliksik ang bukol ay dahil sa maling postura. At ang maling postura ay dahil sa sobrang paggamit ng handheld device tulad ng smart phone at ipad, kilala itong “text neck”.

Dagdag ng mga eksperto hindi ito mapanganib. Ang nakakabahala ay ang hindi magandang postura at ang mga nauugnay na panganib sa kalusugan tulad ng:

  • Sakit sa ulo
  • Sakit sa leeg at likod
  • Pananakit ng paa
  • Madaling mapagod
Upang limitahan ang panganib na ito, bawasan ang dami ng oras na ginugugol sa pagamit ng mga handheld devices tulad ng smart phones, tablet o ipad.

Panatilihing patayo ang iyong ulo at dibdib kapag nanunuod ng telebisyon o screen. Gawin ang upper chest at neck exercises. Gumamit ng espesyal na contoured na unan upang suportahan ang iyong likod habang nakaupo o ang iyong leeg kapag nakahiga.


Share