'Ako ba'y tunay na Pilipino o Australyano?': Pag-unawa sa sariling kultura

Filipino language

Sarah Agustin recently finished her 5-week Level 1 Filipino lessons. Source: Supplied by S. Agustin

Mas malalim na pakiramdam ng pagiging isang Pilipino ang nagtulak sa estudyanteng si Sarah Agustin na mas maging masigasig na matuto ng wikang Filipino.


May pagkakataon sa buhay ng dalaga mula Sydney na tinanong sa sarili kung siya ba'y tunay na Pilipino o isang Australyano lamang?

"Growing up I personally was questioning about my identity. Am I really Filipino? Or am I just Australian?," kuwento ng 2nd year Double Degree in Business and IT student.


 

Mga highlight

  • May epekto para sa sinuman ang hindi pagiging lantad sa pinagmulang kultura.
  • Para sa ilang kabataan, tulad ni Sarah Agustin na ang mga magulang ay migrante sa Australia, mahalaga na maunawaan ang kultura ng kanilang mga magulang.
  • Makakatulong ito na higit na mapagtanto ang sariling pagkakakilanlan nito. 

Sa kanyang pagkabata, mulat naman ang dalaga sa kultura ng kanyang mga magulang at may ilang beses ding umuuwi ng Pilipinas upang bumisita sa mga kamag-anak.

Ngunit may kaunting pagkalito lamang at sa kanyang murang edad noo'y nagtataka kung bakit hindi siya tinuruan ng mga magulang na magsalita ng kanilang wika. 

Para sa dalaga, ang matutunan ang wika ng mga magulang ay isa sa mga paraan upang higit na makilala ang pinagmulang kultura.

"Growing up it would have been really nice to know Tagalog or understand it first because whenever I go back to the Philippines they’ll ask why don’t you know Tagalog. Why don’t you learn?", pagbabahagi ng solong anak.
Filipino family
When Sarah was growing up, her parents would only speak to her in English. Source: Supplied by S. Agustin
Hindi nakagisnan si Sarah Agustin na siya'y kinakausap ng mga magulang sa wikang Pilipino. Sa totoo nga'y Ingles lamang ang gamit ng kanyang magulang sa pakikipag-usap sa kanya kaya hindi siya natuto ng wika ng mga ito.

Ngunit ngayon sa kanyang sariling pagpapasya, nais niyang matutunan ito.

"I just didn’t have that exposure growing up. I really want to learn how to speak it, understand it more, so why not take the lessons since the opportunity is right there," anang dalaga.
Filipino international students
Being actively involved in the Filipino Student Society in her university, Sarah Agustin is starting to meet more and more fellow Pinoys. Source: Supplied by S. Agustin
Kasama siya sa ilang estudyante na bahagi ng Filipino Student Society sa kanyang unibersidad na sumama sa pag-aaral ng wikang Pilipino online sa tulong ng guro mula sa Tagalong Learning Incorporated na si May Red Zafra.

Bukod sa lingguhang online class na kanyang pinasukan, masaya din si Sarah Agustin na sa tulong ng mga nakilalang kapwa estudyanteng Pinoy, unit-unti niyang nalalaman ang mga kahulugan at natutunan ang pagsasalita ng wikang Filipino.

BASAHIN DIN AT PAKINGGAN



Share