Ang kahalagahan ng maalam na desisyon sa nalalapit na Referendum

371322759_329895296268215_2954170426129392234_n.jpg

'The referendum is an opportunity for us to make our voice heard, it is our responsibility to make an informed decision.' Moses Florendo, community lawyer Credit: Moses Florendo

Sa darating na ika 14 ng Oktubre mahalagang makibahagi at maiparating ang saloobin sa nalalapit na Indigenous Voice to Parliament Referendum.


Key Points
  • Sapilitan ang pagboto para sa lahat ng mga rehistradong botante
  • Ito ay pagpili sa sagot na YES o No para sa Indigenous Voice to Parliament.
  • Hindi ito halalan kung di isang referendum.
Para sa community lawyer sa Australya at Pilipinas sinabi ni Moses Florendo na bilang mga migrante mahalagang makibahagi sa nalalapit na referendum at higit na mahalaga aniya ang maalam na desisyon.

Binigyan tayo ng opportunity na maiparating ang ating saloobin, mahalaga na maihatid natin ang maalam na desisyon
Moses Florendo, Community Lawyer, member Australians for Philippines HUman Rights Network
'This is an exercise in representation, tayo bilang minority marami tayong mga issues na gusto natin maiparinig. Maari natin iparating ang ating mga saloobin sa ating elected representative. Natatangi yung sitwasyon nila kaya natin binibigyan halaga. Sila ang First Nations people, maliban sa historical context tignan natin yung aspeto ng ekonomiya at politikal. Sila ang pinaka na disadvantged.' dagdag ni Florendo.

Karagdagang paliwanag ng community lawyer, 'may hawig ang Voice to Parliament sa sistema ng Party List sa Pilipinas sa kontexto na nagbibigay ito ng representasyon sa mga marginalized ngunit ang Voice to Parliament ay advisory lamang hindi ito maghahain ng panukalang batas o bubuo ng batas.'

Bisitahin ang para sa karagdagang impormasyon.

LISTEN TO
voice preprolling rnf image

Voice campaigners out in force

SBS Filipino

04/10/202305:54
LISTEN TO
Filipinos Voice Forum image

Filipino Australian group hosts virtual forum to answer questions surrounding the Voice Referendum

SBS Filipino

19/09/202308:57

Share