Key Points
- Ang potensyal na pinsala na dulot ng pagsusugal ay umaabot mula sa pinansyal hanggang sa problema sa mental health
- Ang pamilya at kaibigan ay naaapektuhan ng pagsusugal ng isang tao, ngunit tandaan may inaalok na suporta
- Ang sensitibong kultura ay maaaring hadlang para humingi ng tulong at mga pamily at kaibigan ng gamblers ay kailangan din ng suporta
Sa pinagsamang datos sa taong 2021 ng Australian Institute of Health and Welfare, lumabas na tinatayang isa sa tatlong Australians ay gumagastos ng pera dahil sa sugal, at 7.2 porsyento ng mga mas nakakatandang Australians ang nakakaranas na ng tinatawag na garmbling harm.
Ito ay ang masamang epekto ng sugal apektado nito ang buong pagkatao, pinansyal na aspeto, legal at emosyon ng isang indibidwal.
Sinisira nito hindi lang ang sariling buhay ng isang gambler o nagsusugal kung hindi pati ang pamilya, kalusugan at buong komunidad.
Paliwanag ni Sally Gainsbury na isang propesor ng Psychology sa University of Sydney, hindi madaling solusyonan ang pagkalulong sa sugal o addiction.
“Ang pagsusugal ay tinatawag din na tagong adiksyon o pagkalulong. Level up na din ang online gambling pwedeng sa bahay gawin dahil maaari itong gawin sa mobile devices, uso din ang online wagering, halimbawa yong poker machines.
Iba man ang paraan ng pagsusugal, parehas lang ang masamang epekto at nagwawaldas pa din ng pera.
Para sa suporta tumawag sa: