KEY POINTS
- Sa loob ng 11 taon, binuo ng mag-asawa ang tatlong negosyo: One click event, One prints, at One playzone.
- Napwersa ang mag-asawa na baguhin at ibahin ang direksyon ng negosyo dahil sa COVID-19 pandemic.
- Tumutulong din sa komunidad ang mag-asawa sa pamamagitan ng pagbibigay ng trabaho sa mga international students.
Sa loob ng labing isang taon, nakapagtayo ang mag-asawa ng tatlong negosyo. Bagama't napwersa silang mag-iba ng direksyon nang tumama ang COVID-19.
Sa pagbabahagi ng mag-asawa sa SBS Filipino, sinabi nila na dahil sa pagkabagot ay nabuo nila ang mga negosyo.
"Ang work dito ay 9 to 5 pm and that’s it di ka pwedeng mag overtime kasi papauwiin ka ng boss mo. So may mag idle time pa rin ako," Ed’s shares. "Hindi ko alam if I should say yung business is a product of my boredom. Kung baga we are craving for something more because we didn’t have kids yet at that time."
PAKINGGAN ANG PODCAST

Mag-asawa nagtayo ng tatlong matagumpay na negosyo
SBS Filipino
39:59
Love Down Under is a podcast series on SBS Filipino that explores love, relationships, and family stories.