Australia explained: Paano itapon ang hindi kinakailangang mga damit

Australia Explained: Clothing Waste - Woman folding laundry

It can be fun to clean out your wardrobe while addressing excessive consumption. Credit: Cavan Images/Getty Images

Get the SBS Audio app

Other ways to listen

Higit sa 200,000 toneladang damit ang itinatapon ng mga Australians sa mga landfill kada taon. Ito ay katumbas ng karaniwang 10 kilo ng damit bawat tao. Maaari tayong tumulong sa paglaban sa krisis ng basurang textile sa Australia sa pamamagitan ng pag-recycle, pag-donate, at pakikipagpalitan ng mga damit o clothes swapping sa mga hindi na kailangang mga damit.


Key Points
  • Huwag itapon ang damit sa inyong recycling bin.
  • Ilang malalaking tindahan ay tumatanggap ng anumang kondisyon ng mga damit para sa recycling.
  • Ang mga donasyon ng kasuotan na mabababa ang kalidad ay itatapon sa basurahan, na may gastos para sa charitable organisation at sa kalikasan.
Ayon sa Australian Fashion Council, karaniwang bumibili tayo ng 56 bagong piraso ng damit bawat taon.

Ang ating mga kasuotan, lalo na ang , ay maaaring madaling masira o mawalan ng saysay, kaya't kailangan nating itapon ang mga ito nang responsable.

Ibig sabihin nito, kailangang huwag itapon sa mga basurahan, i-donate ito at i-recycle.

Hindi sagot ang recycling bin

"Ang golden rule ay huwag ilagay ang mga damit, sapatos, tela, kumot, o anumang iba pang textile sa iyong recycling bin sa tabi ng kalsada," paliwanag ni Rebecca Gilling, CEO ng Planet Ark.
Ang problema sa mga tela na pumapasok sa basurahan, bukod sa hindi ito ma-recycle sa pamamagitan ng mga sistemang iyon, ay naiiwan sila sa makina sa pag-recycle at lahat ay humihinto.
Rebecca Gilling, CEO of Planet Ark
Sa halip, May bayad kung kukunin ng isang negosyo ang iyong mga hindi gustong damit at aayusin itong ma-recycle o magamit muli.
Australia Explained: Clothing Waste - donation bin
Source: Moment RF / Andrew Merry/Getty Images

I-donate ang iyong mga damit sa ‘op shop’

Mahilig ang mga Australians na mag-donate ng hindi na ginagamit na mga damit sa mga charitable organisation. Walang bayad ang pagdala mo sa mga charity shop, na kilala rin bilang 'op shop,' o ilagay ang mga ito sa isang charity bin sa iyong lugar.

Sa buong Australia, ang mga op shop ay nagbibigay halos ng isang bilyong dolyar na kita para sa mga nangangailangan sa pamamagitan ng pagbebenta ng mga donated na mga damit.

Gayunpaman, sa kabila ng kabutihan ng ating layunin, kailangan tayong maging maingat sa mga bagay na ating ibinibigay.

"Hindi natin nais na ang mga tao ay mag-iwan ng mga bagay na hindi na magamit o sobrang luma na, o hindi na uso, dahil kailangang itapon ang mga ito sa basurahan, at ito ay gastusan nila," sabi ni Gilling.

"Sa kasalukuyan, gumagastos ang mga charity shop ng halos $13 milyon kada taon at ito ay aksaya ng pera dahil ang mga gamit na inilagay sa kanilang charity bin ay hindi na magagamit."

Mayroong simpleng paraan upang sukatin ang kalidad ng isang donasyon, ayon kay Omer Soker, CEO ng Charitable Recycling Australia.
Kung hindi mo ibibigay sa kaibigan, sana huwag mong ibigay sa charity.
Omer Soker, CEO of Charitable Recycling Australia
Narito ang mga listahan ng' op shops' sa buong Australia bilang mga , :
  • Salvos
  • Vinnies
  • Australian Red Cross
  • Save the Children
  • Lifeline
  • Anglicare
  • Brotherhood of St Laurence
Ang website ay nagtatampok din ng isang 'reuse impact' na tool upang kalkulahin ang mga carbon emissions na iniiwasan mo sa bawat donasyon na iyong ginagawa.
Australia Explained: Clothing Waste - Ol wokman oli sortem aot ol klos
Mga manggagawa na nagsusuri at nagsasaayos ng mga damit sa St. Vincent de Paul Society, isang pangunahing charitable organization na nagrerecycle ng mga kasuotan, sa Sydney. Source: AFP / PETER PARKS/AFP via Getty Images

I-drop off ang mga damit para sa recycling

Kung ang iyong mga damit ay hindi na pumasa sa ‘friend test’, maghanap ka ng recycling program sa mga naglalakihang mga clothing retailers.

“Ang H&M ay may libreng recycling program sa mga piling tindahan para sa lahat ng klaseng kondisyon ng damit at tela,” sabi ni Gilling.

"Ganito rin, ang Zara ay may libreng programa para sa pagkolekta ng tela sa mga piniling tindahan. Ang Uniqlo ay may libreng programa para sa pag-recycle ng kanilang sariling tatak ng kasuotan sa anumang kalagayan. At ang Patagonia ay may programa para i-trade-in ang kanilang sariling mga pre-loved na kasuotan kung saan maari nang ibalik ng mga customer ang kanilang mga nasirang o maluma nang kasuotan para sa store credit."

Para mahanap ang mga kalahok na tindahan, bisitahin ang .

May drop-off facility din ang inyong mga sariling council.

Ang Planet Earth ay tumatanggap ng donasyon para sa sports shoes sa NSW, Victoria at Queensland. Ang grupong ito ay isang not-for-profit na organisasyon na nagbibigay ng reused running shoes na maayos pa ang kondisyon para sa mga nangangailangan sa buong mundo.

Pumunta at makilahok sa clothes-swapping event

Ang clothes-swapping na inoorganisa ng The Clothing Exchange ay patuloy sumisikat.

"Ang clothes swapping na ginagawa namin kasama ang The Clothing Exchange dito sa Sydney ay isang kahanga-hangang pagkakataon para sa mga tao na magdala ng mga kasuotan na maaaring hindi na nila magkasya o maaaring nagbago na ang kanilang taste sa mga ito," paliwanag ni Adam Worling, Konsehal para sa City of Sydney.

Nakakatuwa na linisin ang iyong aparador o nag-update ka ng iyong mga kasuotan habang walang na-compromise.

"Ang ginagawa rin natin ay ang pag-iwas sa pagtapon ng mga damit at talagang nagbibigay tayo ng pagkakataon sa ibang tao na mahalin ang isang bagay na minsan ay iyong iniibig," sabi ni Konsehal Worling.

Bisitahin ang para sa kanilang mga upcoming clothes swap events sa Australia.
Australia Explained : Clothing Waste - ol klos long
Ol hangem ol klos long hanga. i gat ol diferen kaen klos mo hanga long wan klos exchange parti. Source: Moment RF / Marissa Powell/Getty Images

Support a circular economy

Mahalaga rin na isaalang-alang natin ang buong life cycle ng ating mga damit.

Itinataguyod din ng Charitable Recycling Australia ang 'circular economy' kung saan binabawasan natin ang pagkonsumo ng maraming damit, at dapat i-recycle ang mga ito hanggat maaari. At sa pamamagitan ng circular econony mabawasan natin ang paggamit ng mga raw materials na pinagmulan ng mga damit tulad balat ng hayop at silk na ginagawa ng mga silkworm, mga halaman, minerals at synthetic na materyales.

Ito ay talagang tungkol sa pagiging isang mahusay na tagapangasiwa para sa mga produkto.
Omer Soker, CEO of Charitable Recycling Australia
"Ang ibig sabihin nito para sa mga damit ay bumili ng mga bagay na talagang kailangan mo, gawin ang lahat upang magtagal ang mga ito, ayusin sila, at kapag oras na para bitawan sila, mag-donate sa charitable organisation upang makahanap sila ng bagong tahanan kung nasa magandang kondisyon pa," sabi ni Soker.

"O kung sila ay nasa masamang kondisyon o kailangang itapon, hanapin ang angkop na paraan."

Share