Taong 1850’s nagsimula ang larong football o footy sa Victoria sa Australia, ginawa ito para patuloy ang routine o pagtraining ng mga cricketers sa panahon ng taglamig o winter.
Ngayon binansagan na itong “Aussie Rules” at nilalaro na ng higit 1.2 milyong players sa buong bansa at may kupunan na para sa mga babae at lalaki. At isa ito sa mga sports ngayon na humahakot ng maraming manunuod dito sa Australia.
Highlights
- Maraming alituntunin ang larong footy, pero masaya ang laro dahil sa dami ng pwedeng gawin.
- Harmony Cup ay isang malaking kompetisyon na ginaganap taon-taon sa Melbourne, naglalaban-laban ang mga kupunan para i-representa ang kani-kanilang komunidad na pinanggagalingan dito sa Australia.
- Kapag hindi angkop sa iyong personalidad ang paglalaro ng isang sports, pwede pa din makilahok sa community sports club bilang volunteer para sa mas samahan
Kasunod ng kasikatan ng sports, itinatag ang Australian Football International o AFI, para makilala ang galing mga Australians sa larangan ng footy sa buong mundo.
Ayon sa CEO na si Brian Clark, layunin ng AFI na bigyang halaga at inpirasyon ang bawat tao at komunidad sa pamamagitan ng laro, para mailabas ang tunay na galing nito.
“kahit saan ka galing mula South Africa, South America, Asia, Pacific, Europe pwede kang maglaro at makipag-ugnay sa AFI. Welcome lahat sa tamang paglalaro kahit saan ka pa galing," sabi ni Clark.
Aminado si Clark, maraming alituntunin ang larong footy, pero masaya ang laro dahil sa dami ng pwedeng gawin.
“Ang Australian rules football ay isang laro na binubuo ng maraming laro, mayroon itong impluwensya ng soccer, rugby, basketball. Kaya masayang laruin ang footy dahil marami kang pwedeng gawin."
Pero saad ni Clark, para sa mga baguhan sa sports, pinakamahirap intindihan sa footy kung paano ang takbo ng scoring.
“May 4 na poste sa bawat dulo, ang 2 na nasa gitna ay matataas at ang natitirang dalawa na nasa labas nito ay maliliit. Kapag ang bola ay mapunta sa gitna ng 2 na mataas na poste ito ang goal 6 points at kapag nasa gitna ng maliliit na poste 1 point lang."
Ang Harmony Cup ang isa sa mga kilalang community program ng AFI. Isa itong malaking kompetisyon na ginaganap taon-taon sa Melbourne, kung saan naglalaban-laban ang mga kupunan para i-representa ang kani-kanilang komunidad na pinanggagalingan dito sa Australia.
Mula 2004, kabilang sa mga teams na nabuo ng AFI ang Albania, Greece, Israel, Italy, Lebanon, Macedonia, Samoa, South Africa, Tonga, Vietnam, at marami pang iba.
Sabi ni Clark ang mapabilang sa footy club ay isang magandang pagkakataon para palakasin ang pangangatawan, pati mental health at higit sa lahat matutunan ang mga tinatawag na Australian expressions o kagawian na makakatulong sa mga migrants para magkaroon ng kompyansa sa sarili sa pakikipagsalamuha sa iba.
“kapag nakipag-agawan at tumalon at nasalo ang bola, spectacular mark yon, tawag dun sa footy ay speckie. Kapag naka-goal, sausage roll yon, kaya pwede sabihin ' that was a nice sausage roll or snag."
Ayon kay Bela Blazevic na soccer player sa semi-professional soccer club sa Sydney United 58 Football Club, at kasalukuyang media manager ng grupo.
Higit pa umano sa kasiyahan ng paglalaro ang kanilang natatamo bilang bahagi ng community soccer club, dahil nagbibigay pugay ito sa lahi na kanilang pinanggagalingan.
“ May mga ginagawang laro gaya sa amin Croatian day, ipinagdiriwang namin Statehood ng mga taga-Croatia. Dito sa Football NSW, ganyan ang pagbibigay pugay sa lahat ng komunidad, kaya masaya."
Dagdag ni Blazevic, ang paglahok sa community soccer club ay nagiging tulay din para mahubog ang iyong galing at pagkatao at tumutulong din ito para matutunan ang ibang pananalita ng mga Australians.
Hindi lang din para sa mga matatanda ang footy, dahil may training at grupo din ito para sa mga bata, pati sa mga magulang na gustong matutong magiging referee at coach. Ang pagsasanay na ito ay ibinibigay ng Football New South Wales.
At lahat ng ito ay kanilang ginagawa sa Sydney United 58 stadium kada araw ng Linggo. Ang stadium na ito ay kayang i-accommodate ang 12, 000 fans.
“Isa na dun ang tinatawag na score a screamer. Makakapuntos ka kapag galing sa malayo ang bola at naipasa-pasa sa mga kasamang player hanggang naka-goal. May tinatawag pa sa top bins at stay close."
Samantala sa larong cricket, umaabot sa halus 4,000 cricket clubs ang nabuo sa buong Australia.
Kaya sabi ni Nicole Lenoir-Jourdan na isang board sa UTS North Sydney Cricket Club o mas kilalang 'The Bears", masaya ding laruin ang cricket dahil kahit sino at anong edad pwedeng maglaro nito.
Kaya pwedeng bumuo ng grupo kasama ang mga kaibigan, pero kapag gustong sumali sa establisado ng local team mas makakabuti para hindi mabigatan sa pagmimili ng gamit at maghanap ng playing fields pati referee.
“ Ang mga club ay may iba't-ibang paraan sa pagbili ng gamit sa laro o gears, pero talagang nababayad ka at kasama dun ang uniform. Importante ang cricket white pads at bats."
Dapat ding tandaan na sa paglalaro ng cricket maraming susundin na mga batas at sa kasalukuyan mayroon itong 42 sinusunod na Laws of Cricket.
Maliban sa footy, isa din sa kinahihiligan ng mga Australians ang winter sport na rugby. Ayon sa NSW Community Rugby League Manager Peter Clarke, may pagkakaiba ang Rugby League at Rugby Union.
“Ang kaibahan ng Rugby League sa Rugby Union ay ang mayroon na itong 13 players sa field habang ang Rugby Unionay may 15 at may mga rucks at mauls. "
Sa ngayong ang NWS Rugby League ay may ginagawang, Try League programs para sa mga culturally at linguistically diverse communities o iba’t ibang lahi sa komunidad para matuto sa laro na nasa non-competitive format.
Sa ganitong paraan sabi ni Clarke, matutunan ng lahat ng mga manlalaro ang kaibahan ng paglalaro ng rubgy sa community club at ang laro na ginagawa ng mga propisyunal.
“ Andyan na ang mga alituntunin na dapat sundin at safe play codes at non-play contact options din. Ibig sabihin pwedeng maglaro na walang contact sa rugby league, dapat din magregister para may insurance."
Dapat din umanong malaman ng mga manlalaro ang ginagamit na lingwahe sa larong rugby dahil kadalasan gumagamit ito ng mga jargon, kagaya na lang ng termino ng pagsipa ng bola o kick.
“May tinatawag silang grubber, matapos sipain ang bola, dapat nakasayad lang sya sa lupa, banana kick ang bola ay paputang sa opposite direction sa kaharap na tao, bombo kick kapag sipain ang bola pa-ere."
Pero may pahabol itong payo, kung ang paglalaro ng isang sports ay hindi naayon sa iyong personalidad, pwede pa ding makilahok sa community sporting club bilang volunteer para tulungang mapatakbo ng maayos ang samahan. At sa ganitong paraan mas dadami at magiging malalim ang inyong pagsasamahan bilang magkakaibigan na may layuning makakabuti s a lahat.