Alamin ng kahalagahan at pakinabang ng Bridging Visa sa Australia

Visas stamped on passport

Source: Getty Images/Jodie Griggs

Lahat ng gustong pumunta a Australia ay kailangang mag-apply ng visa, pagkatapos i-sumite ang aplikasyon sa immigration, lalabas agad ang Bridging Visa para manatili sa bansa ng legal, habang hinihintay ang desisyon ng inaaplayang visa. Sa katunayan marami ang klase ng briding visa ang ipinagkakaloob, kasabay naman nito ang iba’t- ibang kondisyon depende sa kalagayan visa holder.


Highlights
  • Ang pakinabang ng Bridging Visa A ay pwede kang makapag-apply ng Bridging Visa B na pwedeng makabyahe palabas ng bansa
  • Ang Bridging Visa B ay pwedeng makalabas ng bansa kailangan lang may tukoy na petsa ng pagbabalik, habang patuloy ang pagproseso ng inaplayang visa.
  • Marami ang klase ng Bridging Visa maliban sa Bridging Visa A at B, may C, D,E, F, at R na may iba't-ibang kondisyon kaya mainan ma komunsulta sa eksperto o legal advice para makaiwas sa mas komplikadong pangyayari
Umabot sa higit 350,000 ang bilang ng mga bridging visa holders sa Australia nitong Marso 2021. Bagay na ayon sa isang Solicitor dito sa Sydney na si Alan Rigas, nagpapatunay lang na marami ang gustong tumira dito ng permanente sa Australia.

Kaya bago pa mapaso ang taglay na visa, nag-aaply na ng bagong visa at ang Bridging visa ang nagbibigay karapatan para manatili sa bansa  habang hinihintay ang desisyon ng immigration ng tunay na visa na inaplayan.


 

 

"Marami ang klase ng visa dito, ang substantive visa gaya ng Visitor Visa, Holiday Working Visa at Working Visa at  Permanent Residency kapag hindi pa citizen. At Bridging visa naman ang pangalawa."

Bridging Visa A at B

"Ang Bridging visa ang tulay sa isang substantive visa at sa isa pang visa. Dapat tandaan, ng Bridging visa ay hindi penal na desisyon ng immigration kung hindi kasama lang sa proseso ng isa pang visa," sabi ni Rigas.

Dagdag ni Rigas kadalasan ang Bridging Visa A, ay mayroong katulad na kondisyon sa napaso o na expired na visa.

"Ang unang visa na ipagkakaloob ay Bridging Visa A para sa mga hindi citizens. Kapag mag-apply ka ng isa pang substantive visa ito ang ipagkakaloob sa iyo."

Ang kagandahan ng Bridging Visa A, ay pwede kang maka-apply ng Bridging Visa B, na nagbibigay sa iyo ng karapatan na makapag-byahe.

Samantala ayon kay Ravi Vaswani, isang migration solicitor sa PocketLegal and Immigration Experts, ang Bridging Visa B, ay nagbibigay sa isang aplikante ng karapatan na makalabas at makabalik dito ng bansa, sa kondisyon na dapat may tukoy na panahon kung kelan ito babalik, habang hinihintay ang desisyon sa ina-aplayang visa.

"Ipinagkakaloob ang Bridging Visa B, kapag  ang isang Bridging Visa A holder ay gustong bumyahe. At dahil may expiration ang Briding Visa B, pagbalik sa Australia pwedeng mag-apply ulit ng Bridging Visa A. "

Dagdag pa nito, silang nakakuha na ng Bridging visa A o silang kasalukuyang naka-Bridging visa B ang pwedeng maka-apply ulit ng Bridging Visa B.

Dahil sa dami ng klase ng Bridging visa, may iba’t-ibang dala itong kondisyon na dapat sundin ng aplikante.

" Dapat tandaan ng maraming aplikante hindi madali ang pag-apply ng visa dito sa Australia kaya dapat alam ang patutunguhan iyong visa at kung ano ang susunod. Ang Bridging Visa A lang ang simula."

Bridging Visa C

Paliwanag ni Vaswni, ang Bridging visa C naman ay karaniwang nagbibigay sa isang aplikante ng karapatan na manatili sa Australia, matapos ma-expire ang isa pa nitong Bridging visa, habang pino-proseso pa ang hinihintay na visa.

Ang Bridging Visa C ay ipinagkakaloob lang kung nandito  sa Australia ang aplikante at kasalukuyang  nag-apply ng isa pang visa.

"Halimbwa, mag-apply ka ng Tourist Visa at nasa  kasalukuyang Bridging visa A, habang processing ang Tourist Visa. At  dahil may gustong mag-sponsor sa'yo na trabaho at inaplayan mo ang sponsored visa, hindi Bridging Visa A ang ipagkakaloob sa'yo kung hindi Bridging Visa C."

Pero dapat tandan, ang Bridging Visa C ay walang work right, ang ibig sabihin hindi pwedeng magtrabaho habang hindi pa dumating ang hinihintay na inaplayang visa.

"Ang Bridging Visa C ay walang working rights pero pwede mong applyan. Hindi ka din pwedeng makalabas ng bansa hangga't hindi pa napagdesisyonan ang inaplayang visa."

Bridging Visa E

Samantala ang Bridging Visa E naman ay nabibigay karapatan sa isang aplikante na manatili ng legal dito sa Australia, habang inaayos ng aplikante ang kanyang pag-alis dito sa bansa o habang hinihintay ang desisyon ng immigration sa ina-aplayang visa.

"Kapag ang Briding Visa ay expired o kanselado,mag-apply ng Bridging Visa E, habang inaayos  ang pag-alis ng bansa at ito ang  maging depensa para hindi detine at  ma-deport ng wala sa oras."

Kagaya ng Bridging Visa C , posible kasing hind pwedeng makapagtrabaho kung naka- Briding Visa E, pero kapag hindi pa citizen, pwedeng makapag-apply sa immigration na bigyan ng working rights sabi ni Solicitor Rigas.

"Dapat maintindihan ng tao na kahit ipinagkaloob ang Bridging Visa na walang working rights, pwede itong aplayan, kailangan lang mapatunayan na kailangan mong magtrabaho dahil sa hirap ng buhay."

Maari ka ding mabigyan ng working rights kapag mapatunayan mo sa immigration na  hinihintay lang ng mag-isponsor sayo ang iyong inaplayang visa para makapagtrabaho.

Dagdag ng Solicitor, ang bawat bridging visa na ito ay may iba’t-ibang taning kung hanggang kelan ito katagal o validity, base sa kalagayan at kondisyon ng application ng visa holder.

"May iba't-ibang kondisyon ang mga Bridging visa, kapag na-apply ka ng ibang visa  may 35 na araw bago  ito madesisyonan. Kung negatibo ang resulta pwede itong ipa-review  at kung hindi naman may 35 na araw na palugit bago umalis ng bansa."

Bridging Visa D

Dapat ding malaman ng lahat na may hindi pangkaraniwang klase ng Bridging Visa. Ito ang tinatawag na Briding Visa D. Ipinagkakaloob ang Bridging visa na ito sa isang aplikante na nag-apply ng isang substantive na visa pero hindi natuloy dahil sa hindi inaasahang pangyayari.

Halimbawa, hindi natuloy pag-apply ang visa dahil ang authorised officer ay hindi nakapag-interview sa mga aplikante sa nakatakdang oras o kaya mali ang napunang form, pero pwedeng gawan ng paraan sa loob 5 working days. Dahil dito, posible pa itong mabigyan ng Bridging Visa C.

Bridging Visa R

Ang Bridging Visa R ay ipinagkakaloob sa mga taong nasa listahan ng immigration detention pero ang kanilang pag-alis sa bansa ay Hindi makatwiran. Kaya ang visa na ito ang magbibigay sa kanila ng kalayaan mula sa pagkadetine, habang nakabinbin pa ang pagpapa-alis sa kanila sa bansa.

Briding Visa F

Ang Bridging visa F naman ay para sa mga hinhinalang biktima ng human trafficking o pang-aalipin na walang tamang visa na pinanghahawakan, pero ang ganitong visa ay bihira lang na ipinagkakaloob.

May mga pagkakataon naman, pwedeng mag-apply ng Bridging visa diretso sa Department of Home Affairs pero medyo komplikado ang prosesong ito. Kaya mas mainam pa din abiso ng mga eksperto, maghanap ng legal advice agad, bago pa mapaso ang kasalukuyang hawak na visa.

 

 


Share