Pakinggan ang audio
LISTEN TO

Becoming a foster carer in Australia
SBS Filipino
09:42
Ang mga foster carers ay nagbibigay sa mga bata ng ligtas, matatag at mapag-mahal na pamilya na mag-aalaga sa kanila ng ilang buwan, taon o kaya buong buhay nila.
Ang inang itatago natin sa pangalang Monica at asawa nito ay may tatlong inaalagaang bata, lahat sila ay mula sa isang magulang.
Highlights
- Foster carers kailangan sa Australia
- Maraming uri ng foster care ang maaaring pagpilian mula long-term hanggang respite term
- Ang mga interesado maaaring makipag-ugnay sa lokal foster care agency sa inyong lugar
" Kami ng asawa ko ay na-approve para sa 3 mga bata, na may edad 0 hanggang 10 taong gulang. May nursing background kasi ako kaya iniisip nila makapagbigay ako ng suporta sa mga bata."
Ayon kay Renée Carter ang Chief Executive Officer ng Adopt Change. Kulang sila ng mga foster parents dito sa Australia.
"Sa buong Australia umaabot sa 46,000 na mga bata ang tinatawag na 'out of home care' kaya inaalagaan sila ng gobyerno kaya gumagawa ng programa ang gobyerno para sa foster care, kinship care, bago sila makahanap ng pamilya na mag-aalaga sa kanila."
Sabi pa nito may mga pagkakataon pang nangangailangan sila ng mga foster parents mula sa isang partikular na cultural background.
Ayon kay Alanna Hughes, manager ng Benevolent Society's out-of-home care program na nag-aalaga ng mga kabataan at kasalukuyang nagbibigay ng foster care placements sa buong Greater Sydney.

Foster carers give children and young people a safe, stable, and nurturing family environment for a few months, years or for the rest of their lives Source: Pixabay/Pexels
Marami ang dahilan kung bakit kinakailangang ilagay sa pangangalaga ng iba o foster care ang mga bata.
"Maraming rason kung bakit nasa foster care ang mga bata, isa na dito may isyu sa kaligtasan sa loob ng kanilang tahanan.
Maaari din may karahasan na nangyari o namatay ang mga magulang, at walang mag-aalaga sa kanila."
Kwento ni Ms Carter ang pagkakaroon ng matiwasay, matatag at mapagmahal na tahanan ay ang susi para matulungang maka-recover ang mga bata mula sa naranasang trauma.
" Mahirap ang mga pinagdaanan ng mga batang ito. Kailangan nila ang pagmamahal ng pamilya, hayaan silang maging bata at huwag mag-isip ng problema kung ano ang kakainin at saan matutulog."
Dagdag ni Ms Hughes ang sinumang pamilya na interesado na magiging foster carer ay maaaring pumili kung anong klaseng foster carer sila pangmatagalan ba o hindi .
" Maraming pagpipiliang klase ng pagiging carer maaaring short term o long term. Maaari ding adoption o guardianship."
Dapat tandaan bawat estado at teritoryo sa bansa ay maaaring may iba’t ibang batas at proseso na sinusunod para magiging foster carers.
Minsan kasi may pwedeng direkta sa mga ahensya ng gobyerno o foster care agency subalit may mga mahahalagang hakbang na dapat gawin.
Unang hakbang dapat makipag-ugnay sa lokal na ahensya para makakuha ng inisyal na impormasyon paano simulan ang proseso.
Sabi Ms Hughes dito sa NSW nakasalalay sa mga ahensya ang approval sa pagiging forster carer ng isang tao, at ang Department of Communities and Justice ang magbibigay ng approval kung tumugma ang pangangailangan at ng mga batang nais alagaan ng foster parents.

Foster carers give children and young people a safe, stable, and nurturing family environment for a few months, years or for the rest of their lives Source: Pexels/ Karolina Grabowska
"Ang Department of Communities and Justice ang nagsasabi kung may mga bata silang kailangan ng carers at mismo sila ang tumatawag sa amin kung may tugma baa sa pangangailangan ng mga bata.
Tapos kami na ang maghahanap sa aming profile ng mga carers, susunod ang proposal at pero hindi agad binibigay ang mga bata, dapat ang mga bata ay sasailalim muna sa among programa."
Subalit ang bawat aplikante na gustong maging foster parents ay dapat pumasa sa mga inisyal na requirements ng gobyerno.
" Kailangan Australian citizen o permanent resident. Dapat nasa 25 years old pataas ang edad at maayos ang pangangatawan, may ekstrang kwarto para sa mga bata. Sasailalim ito sa criminal record check , kukuha din sila ng working with children check."
At kapag pumasa sa criteria at unang interview ang mga foster carers, isasailalim sila sa assessment process kung saan ang mismong ahensya na ang tumutukoy kung bagay ba sila na maging foster carers.
Dagdag paliwanag ni Ms Hughes sa karanasan ng marami ang mga batang nalagay sa short-term na foster care ay karaniwang humahantong na tuluyan ng alagaan ng panghabangbuhay ng kanilang mga foster parents.
" Kapag ang bata ay hinahanapan ng carer, ang korte ang magbibigay ng order kung short term o long term ang pag-aalaga ng carers. At pati kung anong pathway ang para sa mga bata, pero karaniwang long term ang ibinibigay."
Ang magandang kwento dito sabi ni Ms Hughes ang ibang foster parents ay nagiging guardian o kaya tuluyan ng ampunin ang mga ito ang mga bata.
"Kung long term ang pag-aalaga sa mga bata at umabot na ito ng ilang taon, maaaring ipaabot ang interest para i-adopt o magiging guardian sa kanila."
Inamin ng inang si Monica hindi naging madali ang lahat sa simula lalo’t kailangan makibagay at may pagkakataon na hindi pa tiyak kung tuluyan mo ng mapanatili ang mga bata sa iyong tahanan.
" kailangan magulang ka na bukas ang pag-iisip na baka titira lang sila sayo hanggang 18 taong gulang sila. Subalit kung matagal na sila sayo mas mababa ang tsansa na ibabalik pa sila sa pamilya nila. Ngunit iba pa din ang nararamdaman kapag adopted sila."
Dagdag nito sinusuportahan namqn sila ng ahensya para tulungan ang mga bata na mas madaling maghilum ang sugat ng nakaraan kasama ng kanilang bagong pamilya o foster parents.

Becoming a foster carer can be a very rewarding experience. Source: Pexels/ Josh Willink
" Karamihan sa mga bata namin dito ay biktima ng pang-aabuso o pinabayaan ng mga magulang. At kapag nagiging foster carer ka ikaw ang nagbibigay ng tahanan at ikaw ang pamilya nila. Tulungan sila para maghilum ang sugat ng nakaraan."
Kwento ni Ms Carter ang pagiging foster carer ay isang makabuluhang karanasanan dahil nakakatulong ka para bigyan ng pag-asa ang mga bata na muntik ng mawalan ng magandang buhay.
" Nakakataba ng puso kapag nakita mo ang batang ito na lumalaki at lubusan mo na silang nakikilala. At unti-unti mong nakikita ang mga potensyal nila at nangangarap ka din para sa kanila."
May mga pagkakataon naman na ang mga foster parents ay gusto pa din nilang ang mga batang kanilang itinuring na tunay na mga anak ay may koneksyon pa rin sa tunay nitong pamilya.
Kung ikaw o kung may kakilala ka man na nangangailangn ng suporta tumawag sa Domestic Violence Line - 1800 656 463, o Child Protection Helpline - 13 2111.