Key Points
- Ilang paghihigpit ang ginawa ng gobyerno ng Australia para sa mga international student kasama ang pagtaas ng kailangang English proficiency sa band 6.0 mula sa dating 5.5 para sa mga aplikasyon ng Student Visa at Temporary Graduate Visa; ang pinansyal na kailangang maipakita ng isang estudyante ay itinaas sa $29,710.
- Pilipinas ang pang-apat na bansa na pinagmulan ng mga international student para sa buwan ng Enero hanggang Abril 2024.
- Nakapagtala ng 35,309 international student na mula sa Pilipinas mula Enero hanggang Abril 2024.
LISTEN TO THE PODCAST

Filipino International Students still choose Australia over other countries for their studies.
11:49
Mga paghihigpit
“Definitely it was scary because it was like, if I go through and it gets rejected it’s gonna be a lot of trouble. And we’ve been seeing on the news [about the migration changes] and they’re cracking down, it’s going to be more harsh”.
Binalikan ng 23-anyos na si Rian Reyes ang naramdamang pangamba nang mabalitaan ang mga pagbabago para sa aplikasyon ng student visa sa Australia.
May ilang mga paghihigpit sa migrasyon na sinimulang ipatupad sa pagitan ng Marso at Hulyo 2024, kasama dito ang pagbawas sa bilang ng mga papayagang international student sa Australia.
Nariyan ang pagtaas ng kinakailangang pinansyal na kapasidad na itinaas sa $29,710 bawat estudyante, binagong Genuine Temporary Entrant (GTE) Statement na naging Genuine Student (GS) Statement at pinataas sa 6.0 na English proficiency requirement mula sa dating 5.5.
Hindi naman naging dahilan ang mga ito para panghinaan ng loob si Rian na dumating sa Sydney noong kalagitnaan ng Hulyo.
“Yung requirement nung English test, I actually didn’t know na tinaasan but I expected it na because I heard they’re making it difficult to apply… even if it was strict, this is still what I wanted to do.”
Filipino students at Macquarie University in NSW Credit: SBS Filipino/A.Violata
Mas magandang oportunidad
Batid naman ng Bachelor of Business student na si Meekhyle Avery Damian ang haharaping mga hamon sa panibagong kapaligiran.
"Malaking adjustment kasi iba-ibang tao ang makakasalamuha mo."
Hindi naman alintana ng binata ang mga bagong pagsubok at mas binibigyang pansin ang magagandang mangyayari sa kanya.
“Better opportunities at panibagong environment… hopefully dito mas mag grow ako as an individual,” ani Meekyhle.
Umaasa siya na pagkatapos ng kanyang kurso ay makapagtrabaho sa Australia at sa huli ay permanenteng manatili sa bansa.
In time for the start of the second semester in Australia, Meekhyle Avery Damian (in light blue jumper) arrived in Sydney to start his international student journey. Credit: SBS Filipino/A.Violata
Kapit lang
Parehong nagsisimula pa lamang sina Rian Reyes at Meekhyle Avery Damian sa kanilang pakikipagsapalaran sa Australia pero nais na nilang maging magbigay-inspirasyon sa ibang kapwa Pilipino na nag-iisip na mag-aral Downunder.
“Keep on working lang and kung anuman ang mga requirements, gawin lang nila,” maikling pahayag ni Meekhyle.
Mula naman kay Rian, payo nito na sa simula pa lamang ng aplikasyon ay ayusin na ito.
“When you’re applying just be as genuine as possible in particular the statement about your plans and what you intend to do in Australia, and just be honest.”
RELATED CONTENT

Melbourne welcomes new Filipino international students