Higit sa sukat at kulay: hinuhuli ang kahalagahan ng sangkatauhan sa pamamagitan ng sining

Kristone Capistrano

Kristone Capistrano working on his Blake Prize entry 'From Mosul to Mt Druitt' Source: SBS Filipino

"Bahagi ng hilig kong gawin ang subukang kumonekta sa ibang tao, subukang bumuo ng ilang mga uri ng mga pakikipag-ugnayan sa tao; ang mukha ng tao ay isang makapangyarihang bahagi upang makipag-usap - ito ay isang wika na maraming mga wika ang maaaring matugunan." ("Part of what I love to do is try to connect with other people, try to build some sort of human connections; the human face is a power tool to communicate - it's a language that speaks across many languages.") Ito ang sagot ng nakikilalang alagad ng sining na si Kristone Capistrano nang tanungin siya tungkol sa kanyang malalaking piraso ng mga kontemporaryong mga iginuhit at larawan.


Nagpatuloy pa ang artist at guro na "ang mundo ngayon ay nag-uumapaw ng napakaraming mga mukha sa social media, at ang mga ito ay atin lamang nilalagtawan, kaya gumagawa ako ng mga tunay na malalaking larawan na hindi mo maaaring malampasan lamang at bale-walain, ito ay larawan ng isang tunay na tao na may dignidad na tunay na nararapat sa iguhit, may kagandahan sa taong iyon. "

Habang siya ay nakatuon sa pagguhit ng mga tunay na mga tao, nais din niya na maghatid ng mas malalalim na kahulugan,  sinusubukang ipakita ang mga kuwento ng pag-asa at mga bagong pagsisimula sa kanyang mga gawa.

Kanyang isinali sa kumpetisyon ng Blake Prize ang kanyang ginuhit na isang ama at batang repugi na kanyang tinawag na 'From Mosul to Mount Druitt'.



Bagama't hindi estranghero sa pananalo ng mga premyo - iginawad sa kanya ang Blacktown Arts Prize at People's Choice Award ng Blacktown Arts Center noong nakaraang taon, at noong 2011, isang malaking larawan ng isang walang-tahanan na lalaki na iginuhit sa kulay na itim at puti gamit ang uling ay nagbigay sa kanyang ng $35,000 na pangunahin gawad sa Lungsod ng Perth ang Black Swan Prize para sa Portraiture - sinusubukan ni Kristone Capistrano na pumasok at manalo sa  mas marami pang mga kompetisyon upang mabuhay siya sa kanyang sining nang hindi na kailangang pang magtrabaho bilang isang guro.
Kristone Capistrano
Kristone Capistrano while busy drawing at the Liverpool Artist Studios where he got a residency (SBS Filipino) Source: SBS Filipino

Share