Alamin ang pamamaraan para maging masaya at ligtas ang bushwalking sa Australia

Australia's national parks offer a great range of bushwalking experiences.

Australia's national parks offer a great range of bushwalking experiences. Source: Getty Images/davidf

Ang bushwalking ang pinakamagandang paraan para makita ang pambihirang ganda ng kapaligiran ng Australia. Magiging ligtas, masaya at matatamasa ang benepisyo na dulot nito kapag pinagplanuhan ng husto.


Pakinggan ang audio
LISTEN TO
Bushwalking in Australia: how to plan for a safe, enjoyable trip image

Bushwalking in Australia: how to plan for a safe, enjoyable trip

SBS Filipino

08:17
Ang bushwalking ay isa sa pinaka-popular na libangan  dito Australia.

Ayon kay Helen Donovan ang Executive Director ng Walking SA o South Australia ang magandang dulot nito sa sarili ay malaki at napalakawak, lalo’t nasisilayan ang nakakamanghang tanawin ng bansang Australia.


Highlights 

  • Ang Australia ay may higit 500 national parks na nag-aalok ng magandang karanasan sa bushwalking.
  • Iwasang magbushwalking na mag-isa.
  • Payo ng mga eksperto mainam magsimulang sumama sa mga lokal bushwalking clubs sa inyong lugar.

“Ang bushwalking ay maganda sa kalusugan ng tao. Dahil akyat-baba na paglalakad ay maganda sa kalusugan at ang magandang view nakakatulong mapanatili na maayos ang mental health. Bababa din ang stress dahil sa socialisation."

Ang bushwalking ay isang low-risk activity o mababa ang panganib, lalo na kung pinagplanuhan ng husto.

“Ang kadalasang hindi maganda na nangyayari ay hindi fit ang isang tao para mag-bushwalking. Mali ang suot na damit, kulang ang pagkain at equipments lalo na communication devices. Kaya dapat planuhin ng husto."
Blue Gum Forest, Blue Mountains National Park, NSW
Blue Gum Forest, Blue Mountains National Park, NSW Source: Auscape/Universal Images Group via Getty Images
Subalit, kapag gusto mong simulan ang libangang ito, ayon kay Andrew Govan ang Board Member ng Bushwalking Leadership South Australia dapat unang isa-alang-alang kung anong panahon ito gagawin.

“Kadalasan magbushwalking sa outback sa tag-init, hindi tama yon ang iba naman sa panahon ng winter sa Victorian Alps sobrang lamig din. Sa bushwalking mahalang i-consider ang panahon at kakayahan ng tao."

Ang bansang Australia ay may higit 500 national parks  na nag-aalok ng magandang karanasan ng bushwalking.

Napabilang sa mga parkeng ito ay ang kahabaan ng coastline at outback na may iba’t-ibang laki. At ang pinakamalaking parke sa bansa ay ang Kakadu National Park na makikita sa Northern Territory na umaabot ng halus 20, 000 square kilometres.

Dagdag ni Mr Govan, kapag ganito ang laki na gagalugarin na mga lugar dapat isa-alang-alang din ang kakayahan ng isang tao.

“Maraming parke ang may mapa na at makikita na ang mahirap at madaling daanan. Kaya importante ang pagpaplano bago magbushwalking, dapat isa-alang -alang din ang kakayahan ng mga bushwalkers."

Baguhan man o may karanasan subalit gusto pang palawakin ang karanasan sa bushwalking.

Maraming online resources na maaaring makatulong para makapili ng susunod na lugar na mag-bushwalking. Katulad ng aussiebushwalking.com kung saan nagbibigay ng listahan ng  bushwalking tracks na ginawa ng mga bushwalkers para din sa kagaya nilang mahilig sa bushwalking. Nagtuturo din ito ng mga bagong lugar at kondisyon ng tracks.

At pinakamahalaga sa lahat, kapag tukoy na ang lugar kung saan gagawin ang bushwalking, ipaalam ang planong ito sa mahal sa buhay o kakilala.

“Dapat ipaalam kung  saan mag-bushwalking at kailan ang balik. Halus lahat ng parke ay mayroong requirements na ganun dapat mag check -in din kung ilang araw manatili sa lugar. Maaari ding magbook  online sa mga campsites."

Samantala, mas madali kung idaan sa  Tripintentions.org ang bushwalking. Ito ay isang online resource na boluntaryong nagsa-save ng plano ng bushwalking at ipadala ito sa iyong mga kakilala o contacts.

Mahalaga na kapag nag-bushwalking magdala ng tubig, pagkain para hindi magutom kapag naantala ang paglalakad at higit sa lahat magbitbit ng first aid kit  lalo na sa mga liblib at malalayong lugar.

Maraming website din ng mga organisasyon gaya ng  Outdoor Council of Australia at Bushwalking Leadership South Australia na nag-aalok ng  mahusay na payo kapag nagplano na bushwalking.

Nariyan din ang mga retailers na nagbibigay ng abiso kung anong klaseng damit at gamit na dadalhin sa panahon ng pagbyahe.

Subalit laging tadaan, hindi  ka palaging makakaasa sa mobile phone coverage o signal ng iyong telepono.

“Hindi lahat ng network provider ng mobile phone ang may signal kay planuhin ng husto ang lakad dahil importante ang komunikasyon. May mga pagkakataon na hindi gumagana  ang standard 3, 4 or 5G phone.”

Kung plano mag-bushwalking sa isang liblib na lugar maaaring umarkila ng personal na locator beacon mula sa ilang mga parke at police stations.

Pero payo  ni Mr Govan mas ligtas kung manatili sa tracks o daan. Kapag mawala naman, sikaping makabalik sa track para mas madaling mahanap  at higit sa lahat huwag mag-bushwalking ng mag-isa.

“Ang nangyayari minsan ang nagbushwalking ay hindi na nag-iisip na maaari silang mawala o mahulog o kaya masugatan at kung walang kasama hindi ligtas dahil walang tutulong."
Women backpacking for bushwalking.
Consider joining a local bushwalking club. Clubs are familiar with local conditions and hazards, what to take and the best things to see. Source: Getty Images/mihailomilovanovic
Payo din ni Ms Donovan, sumali sa mga lokal na bushwalking club.

Dahil ang mga clubs na ito ay pamilyar na sa kondisyon ng lugar kaya makikita ang magagandang lugar , at mas ligtas ito dahil alam nila ang mga peligrong lugar. Kaya marami silang maibibigay na payo at technique kapag nag-bushwalkang kasama ang grupo at higit sa lahat madaling mahanap ang mga clubs na ito.

“Kapag bisitahin ang  Bushwalking Australia website na bushwalkingaustralia.org.au may links dun ng 'members' makikita din ang mga clubs sa mga estado at teritoryo. Lahat ng estado at teritoryo ay may umbrella ng organisasyon."

Madali lang ma-access ang mga kamangha-manghang bushwalking na lugar sa inyong estado at teritoryo.

Katulad ng First Hike Project na itinatag ng isang grupo ng volunteers sa Western Australia, para ipakilala sa mga batang refugee at ibang migrants ang kagandahan ng bushwalking.

Ayon sa WA coordinator ng First Hike Project na si Louise Jorgensen ang proyektong ito ay pinalawak at aktibo na sa Melbourne, Canberra, Sydney at Brisbane.

" May tamang kasanayan ang lahat ng guides, mula first-aid with childrens check. Layunin nito na maipakilala namin ang kalikasan sa mga kanila na sila lang, para maranasan nila ang independency, kaligtasan kapag sila ay naglalakad sa araw man o gabi."

At sabi ni Jorgensen nakakataba ng puso at nakakahawa ang kaligayahang nararamdaman ng mga first-time bushwalkers.

"May isang nagsabi na isang babaeng mag-aaral na mula sa Afghanistan, ito daw ang unang pagkakataon na lumabas sya ng mag-isa na wala ang pamilya nya mula ng dumating sa Australia. 

Nakakataba ng puso dahil nagtiwala ang pamilya nila na kasama namin ang mga anak nila. Dito din napakita ng mga batang ito ang kanilang kakayahan."

 


Share