Key Points
- Migrant Workers Office o dating Philippine Overseas Labor Office naman ang tumutulong sa mga temporary Filipino skilled workers dito sa Australia.
- Ang CFO Guidance o Counselling ay programa ng Philippine Government para protektahan ang kapakanan ng mga Filipino spouses, fiances at partners ng foreign nationals na nagpaplano mag-migrate overseas.
- Ang counselling ay isang requirement bago makaalis sa Pilipinas ang mga Filpino na nakakuha ng prospective marriage, spouse o partner visa patungong Australya.
MoUs nilagdaan sa pagitan ng Pilipinas at Australia
Memorandum of Understanding on enhanced maritime cooperation, cooperation on the implementation of competition law at cyber and critical technology cooperation ay tatlo sa mga kasunduan na nilagdaan sa pagitan ng Pilipinas at Australya in the margins ng pagbisita ni Philippine President Bongbong Marcos sa Australya.
Sa kasunduan na nilagdaan ni Australian Deputy Prime Minister at Minister for Defence Richard Marles at Philippine Secretary for Foreign Affairs Enrique Manalo, pinagigting ng dalawang bansa ang kooperasyon para i-uphold ang UN Convention on the Law of the Sea para ipanatili ang kapayapaan sa rehiyon at proteksyon ng marine resources.
Samantalang magtutulungan naman ang dalawang bansa sa pamamagitan ng information exchange para sugpuin ang anti-competitive practices, isulong ang kapakanan ng consumers at i-uplift ang cyber skills ng mga Filipinos.
LISTEN TO
SBS Filipino One-on-One with PH President Bongbong Marcos regarding the ASEAN-Australia Summit (Part 1)
SBS Filipino
05/03/202411:14
LISTEN TO
Stronger trade relations between the Philippines and Australia
SBS Filipino
08/03/202408:29