Highlights
- Walang pinipiling edad at kasarian ang diskriminasyon
- Maging sa trabaho, marami din ang nakakaranas ng diskriminasyon
- Isa din sa kalimitang biktima ang mga nakakapangasawa ng ibang lahi at mas matanda sa kanila
Isang malakas na hagulhol at iyak ang nangibabaw sa tahanan ng Pinay na si Annie isang gabi. Nagulat silang mag-asawa sa ginawa ng pitong taong gulang niyang anak na si Carla. Pero pansin niya na tahimik ito mula ng sunduin niya sa paaralan.
"Aba pinaiinom ko lang ng gatas matutulog na ng sana nang biglang umiyak as in iyak na iyak sabi niya, ‘I didn't have a good day today. Somebody told me I got a flat nose."
"Sinabihan ko pa rin siya na normal lang na feature yun ng Pilipino may flat nose mayroon namang may kaunting matangos,pero kinausap ko pa rin yung teacher kasi hindi maganda na idinidiin na flat nose siya."
Labis ang kanyang pagkabahala dahil sa murang edad naranasan ng kanyang anak ang diskriminasyon. Aniya tangi niyang magagawa ay patuloy na hubugin ang anak na maging mabuting tao sa kabila ng mga hindi magagandang karanasan.
Diskriminasyon sa trabaho
Ngunit aminado rin siya na maging siya ay patuloy na nakakaranas ng diskriminasyon sa kanyang trabaho. Lalo na ang pakikipag-usap gamit ang English sa kanyang mga katrabaho.
"Sa work siyempre hindi naman kasi first language ang English kaya kung minsan kahit nagsasalita na naman ako ng English sinasabihan nila ako ng speak English, siyempre nakakasakit naman yun nag-eefort ka naman na magsalita ng English tapos sinasabihan kapa ng 'speak English'."
Panghuhusga sa mga nakapangasawa ng ibang lahi
Hindi rin mawawala ang diskriminasyon sa mga Pilipino na nakapag-asawa ng mga Australiano na higit ang edad sa kanila. Kabilang na dito ang 30 anyos na si Marie Cuevas na tubong Bacolod city. 65 years old ang kanyang partner may mayroon silang pitong gulang na sanggol.
"Kapag nakain kami sa reastaurant nakatingin silang lahat sa amin, kasi mukha akong bata, siya matanda tapos may baby. Wala iniignore lang siya ignore din,"kwento ni Marie.
Ayon pa kay Marie kahit hindi sila nagsasalita nag huhumiyaw naman ang kanilang mga mata sa panghuhusga sa akin, ang masakit kapwa niya pilipino.
Malaki ang kaibahan dahil bukas ang isipan ng mga Australiano sa pribadong buhay ng isang tao.
Si Cherry naman aminadong sa online dating site niya nakilala ang kanyang asawa. Bagamat hindi naman malayo ang kanilang edad ay nakaranas din siya ng husgahan ng iba lalo ng kapwa niya pilipino.pitong taon ang pagitan ng kanilang edad.
"Dahil sa age gap tapos hindi naman ka-gwapuhan at ka-machuhan ang kanyang napangasawa, ang akala nila pera lang ang habol natin pero hindi po pera ang habol natenkundi pagmamahal na totoo kasi tangap niya ako."
"Sa 'Pinas, marami tayong kailangan pakisamahan, pero dito po hindi ganun yung nararamdaman ko talagang welcome talaga ako hindi nila ako jina-judge."
Masaya ang kanilang pagsasama kasama ang kanilang anak.
Noon at ngayon
Tinatayang nasa 20th century pa ng mauso ang mail order bride sa buong mundo, kung saan mismong ang mga lalakeng banyaga ang pumipili ng mapapangasawa mula sa ibat ibang bansa kabilang na ang mga bansa sa asya.
Pumipili sila ng mga mas bata para maging asawa, habang opurtunidad naman ito sa mga babae para mabago ang kanilang buhay.
Likas na maalaga, malambing, at mapagmahal ang mga Pilipino kaya madaming mga banyaga ang napapamahal sa kanila.
Sa paglipas ng panahon, bagama't hindi na mawawala ang mga ganitong kalakaran ay unti-unti naman umuusbong ang ibang opurtunidad sa mga Pilipino, mas dumadami kasi ang mga skilled worker dito sa Australia, tulad ng mga enhenyero, doktor, nurses, welders, mekaniko, karpentero at marami pang iba.
Nasa 230,000 ang bilang mga Pinoy skilled worker na narito sa Australia, pampito sa pinakamalaking bilang ng mga migrante.
May kakayahan na rin ang marami na makapag-aral dito na kalaunan ay nakapag trabaho at nakapag asawa dito. Isang patunay na kahit saan hindi na magpapahuli ang mga Pinoy, kung sa pasipagan, tiyaga at determinasyon lang din naman ang pag-uusapan.