Key Points
- Sa pagdating ng Engkanto beers sa Australia, kabilang ang Paint Me Purple Ube Lager, nakikita ng Filipino-Australian entreprenuer na si Siggy Bacani ang lumalaking interes ng mga Australyano sa lasa ng Pilipinas—isang hakbang na nagbibigay-daan para sa mas maraming Filipino-Australian na negosyante.
- Nakuha ng High Hive Honey Ale ng Engkanto Brewery ang titulong World’s Best Beer sa 2024 World Beer Awards—isang makasaysayang tagumpay para sa craft beer na gawang-Pilipinas.
- Binibigyang-diin ni Bacani na mahalaga para sa mga Pilipino na angkinin at ipagmalaki ang ube at iba pang lokal na sangkap upang maipakilala ang tunay na pagkakakilanlan ng produktong Pilipino sa pandaigdigang merkado.