Filipino artist Jason Dhakal buong ipinagmamalaki ang pagrepresenta sa Pilipinas sa SXSW 2024 sa Sydney

Filipino queer R&B/neo-soul artist Jason Dhakal

Filipino queer R&B/neo-soul artist Jason Dhakal is in Sydney for the Warner Music Group Showcase of its artists at the SXSW Sydney 2024. Credit: SBS Filipino, Jason Dhakal (Instagram)

Bumibisita sa Australia sa unang pagkakataon, buong pagmamalaking dinadala ng Filipino-Nepalese queer singer-songwriter na si Jason Dhakal ang kanyang musika sa SXSW Conference and Festival nitong Oktubre sa Sydney.


Key Points
  • Ang singer-songwriter na si Jason Dhakal ay ipinanganak at lumaki sa Oman at lumipat sa Pilipinas sa edad na 16 upang tuparin ang pangarap sa musika.
  • Sa edad na 13, lumantad ni Jason bilang isang myembro ng komunidad queer.
  • Mula sa pagsisimula sa kanyang musika mag-isa hanggang sa pagpirma nito sa ilalim ng isang music label, nagpapasalamat ang 24-anyos na artist sa mga taong naniwala sa kanya at sa kanyang talento.
LISTEN TO THE PODCAST
Filipino singer Jason Dhakal proudly represents the Philippines at Sydney's SXSW 2024 image

Filipino singer Jason Dhakal proudly represents the Philippines at Sydney's SXSW 2024

17:19
Sa unang pagkakataon, bilang bahagi ng pagshowcase ng kanilang music label na Warner Music Group sa kanilang mga talent, makakasama ni Jason Dhakal ang mga Australian artist na sina Bean Magazine at CHISEKO, at Korean artist Olivia Marsh para SXSW event.

Nilalayon ng South by South West (SXSW) Sydney na tulungan ang mga taong malikhain na makamit ang kanilang mga inaasam at pinagsasama-sama nito ang mga tao upang magbigay ng inspirasyon sa hindi inaasahang mga kaganapan, pagtatanghal, game demo, mga pelikula, at iba pa.

Habang nasa Sydney, isang music video ni Jason Dhakal ang kukuhanan para sa kanyang paparating na kanta kasama si Oliver Cronin na ilalabas sa Pebrero 2025.

Mula Oman hanggang Pilipnas

Ipinanganak at lumaki ang mang-aawit na si Jason Dhakal sa Oman at sa edad na 16, nagdesisyon itong umuwi ng Pilipinas sa kabila na wala itong kakilala doon.

"I grew up with an OFW mum, she’s a single mother. All my life I’ve been surrounded by Filipino culture. When I was turning 16, I just wanted to know what that part of my culture is and just see what’s happening there [in the Philippines] and I really wanted to do music," pagbabahagi nito.

Sa kanyang paglaki, malaking bahagi ng buhay nito ang musika.

"In Oman wala kasing record labels as much and hindi ako ‘yung hinahanap nila doon so I moved to the Philippines and yeah, I started music, I started independently until Warner Music found me."

Share