Filipino food ibinida bilang bahagi ng turismo ng Pilipinas

Filipino food crawl in Australia

Source: SBS Filipino

Patuloy ang kampanya ng Philippine Department of Tourism sa Australia. Layunin nilang mahikayat ang mga turista na bumisita sa bansa para sa masasarap na pagkaing Pilipino sa tulong ng mga social media influencers.


Sagana sa magagandang tanawin ang Pilipinas. Puno ng mayayamang Isla at nakakaakit na dalampasigan na syang paborito ng maraming turista

Bukod sa mga pasyalan, bahagi rin ng turismo ng bansa ang masasarap na pagkaing Pilipino.

Dito sa Australia, dinadayo ang iba’t ibang Filipino Restaurants.

May kanya-kanyang specialty sa menu na sakto sa panlasa ng mga kababayan nating miss na miss na ang mga lutuin ng bawat probinsya.

Si Servy Mayor mula Melbourne na nagbabakasyon sa Sydney, sinadyang puntahan ang mga Filipino cafes sa syudad para suportahan ang negosyanteng Pinoy.
Filipino food crawl in Australia
Source: SBS Filipino
Dinala naman ni Chris ang ilang mga kaibigan sa isang restaurant sa Chatswood para makatikim ng Filipino Food.

Habang sama samang kumain sa isang Filipino eatery sa Croydon pamilya ni Angelica at AJ para namnamin ang masasayang ala-ala ng buhay sa Pilipinas.
FILIPINO FAMILY TRYING FILIPINO FOOD
Source: SBS Filipino
Isang Filipino Food Crawl naman na pinangunahan ng Philippine Department of Tourism sa Tulong ng Filipino Food Movement Australia ang isinagawa sa Sydney. 

Ayon kay Jennifer Chong ng FFMA, nakibahagi ang maraming filipino restaurants para ipatikim ang kanilang special dishes tulad ng lechon, lumpia, tapsilog, pares, barbecue, pansit, at desserts tulad ng halo-halo, puto-bumbong, sorbetes at iba pa.
Filipino food crawl in Australia
Source: SBS Filipino
Paliwanag ni Ely Palima ng Philippine Department of Tourism, sa ilalim ng temang "Eats More Fun in The Philippines", magkakaron na ng ideya ang mga banyaga tungkol sa ating pagkain bago pa man sila bumisita sa Pilipinas

At sa oras na mapadpad sila sa bansa, madali nang hanapin ang mga lutuin. Nais daw nilang ipakilala ang bansa bilang isang culinary destination. 

Layunin din ng aktibidad na hikayatin ang mga turista na tikman ang mga pagkaing Pilipino sa tulong ng mga food bloggers at influencers.

Nakibahagi ang mga social media foodies na The Happy Tummy, All About Food Mate, E_delicious, Adobodownunder, Sweet and Yummie at Dwanta.
Filipino food crawl in Australia
Food vloggers and influencers joined Filipino Food Crawl in Sydney Source: SBS Filipino
Sa pamamagtian ng kanilang mga post, mas mapapalakas ang presensya ng Filipino cuisine sa Australia

Paraan din ito para tangkilikin ng komunidad ang world class na produkto at serbisyo ng mga Pilipino

Pero hindi lang Mga influencers ang pwedeng gumawa nito. Dahil kahit ang simpleng pagbibigay ng ulam sa kapitbahay o katrabaho at pag-iimbita sa mga sali-salo ay malaking tulong din sa pagpapalaganap ng ating pagkain, kultura at turismo.

 


Share