First Nations Australians sinabing kailangan ang totoong pagkakasundo 'Now More Than Ever'

Yukkumbruk Dance Group performing at opening of Reconciliation Week (SBS).PNG

Ngayong linggo ay ginugunita ang Reconciliation week kung saan nagmarka ang dalawang mahalagang petsa sa kasaysayan ng bansa para sa karapatan ng mga First Nations.


KEY POINTS
  • Tema ngayong taon ay "Now More Than Ever" isang paghikayat sa mga Australyano na magkaisa sa patuloy na paglaban sa pagkilala sa mga Aboriginal at Torres Strait Islander people. Kasabay nito ay nais din tugunan ang mga isyu na nakakaapekto sa kanilang komunidad.
  • Ang taunang Reconciliation week ay tumatakbo sa pagitan ng dalawang makabuluhang petsa para sa First Nations people ng Australia: Mabo day at 1967 referendum.
  • Ang 1967 referendum ay kumikilala sa Aboriginal at Torres Strait Islander people bilang mga taong kabilang sa census, at nagbigay daan sa pamahalaan na baguhin ang batas upang matugunan ang mga di pagkakapantay-pantay.
PAKINGGAN
reconciliation week rnf image

First Nations Australians sinabing kailangan ang totoong pagkakasundo 'Now More Than Ever'

SBS Filipino

28/05/202407:14

Share