Key Points
- Si Lovely Bandal ang CEO at founder ng Regal Star Productions ang isa sa nasa likod ng Asia Model Festival, at nagtatag ng Runway Academy, Runway Supermodel Australia, The Face of Australia at Behind the Lens.
- Taong 2008 nang dumating ang pamilya ni Lovely sa Australia, habang nag-aalaga ng mga anak, nag- upskill sa pamamagitan ng pag-aaral sa Australia.
- Unang negosyong pinasukan ni Bandal ang pag-organise ng birthdays, weddings at corporate events taong 2014, partner nito ang anak na si Crystel na 12 taong gulang lang noon.
Bata pa lang si Lovely Bandal ay namulat siya sa negosyo ng kanyang mga magulang na pagawaan ng sapatos sa Marikina subalit nalugi ito nang dumating ang mga sapatos mula ibang bansa at dun na nagsimulang pinagsasabay nito ang pag-aaral , pagtatrabaho sa restorant, modelling at acting sa telebisyon. Hanggang sa nakapagtrabaho sa isang multi-national na kompanya kung saan nakilala ang asawa na isang field engineer.
Taong 2008 nag migrate sa Australia ang kanyang buong pamilya.
Kwento ni Lovely nahirapan syang maghanap ng trabaho dahil may dalawa siyang anak, kaya gumawa siya ng paraan para kumita.
"Nag-organise ako ng mga birthday party, at pinaka-unang ginawa ko sa mga birthday ng mga anak ko at sabi ng mga kaibigan ko bakit hindi ko gawing negosyo."
Dahil may modeslling at acting experiences sa Pilipinas, habang nag-aalaga sa mga anak, nag-upskill ito sa pamamagitan ng pag-aaral.
"Hindi ibig sabihin housewife tayo, hanggang sa pag-aalaga lang tayo sa mga bata at maglinis ng bahay. Isipin natin lalaki din ang mga bata kung hindi tayo kikilos paano na tayo.
Alam ko darating ang araw na kaming dalawa ng asawa ko ang maiiwan kaya ginamit ko ang aking kaalaman at ginawa ko ang gusto kong gawin," paliwanag ni Lovely Bandal.