LISTEN TO THE PODCAST

Never too late to have a career says Cecil Stewart.mp3
09:42
Pinagsikapang propesyon
Tulad ng maraming mga kababaihan na nagkapamilya at nagka-anak, kinailangan ni Cecil Stewart na isakripisyo ang kanyang pangarap sana na propesyon.
Dahil sa maagang nag-asawa si Cecil at nagkaroon ng limang sunud-sunod na anak, hindi nito natapos ang kanyang kurso na Mass Communication.

Cecil Stewart (2nd from right) with husband Edgar (3rd from left) with their young children. Credit: Cecil Stewart (via Facebook)
Sa kabila na kinailangan niyang tutukan ang kanyang limang anak, pinilit pa rin nitong magkaroon ng sariling propesyon sa kabila ng pagiging pamilyado.
"Napasok ako sa kitchen. Doon pwede kang magtrabaho sa gabi. Si Edgar [asawa ko] ang nag-aalaga sa mga bata sa gabi habang nasa trabaho ako."
Naging kitchenhand ako hanggang sa tinuruan na rin akong maluto unti-unti hanggang sa maging chef na rin ako."
Napagtagumpayan niya ito. Mula sa pagta-trabaho sa kusina, unti-unting umangat ang posisyon ng ginang mula Wyong, New South Wales hanggang sa maging chef ito.
Pero hindi naging madali ang lahat.
"Pinakamalaking challenge, imagine nasa edad 30 na rin ako noon, tapos may lima akong anak na kailangang alagaan at nagta-trabaho pa ako ng full-time."

Like many Australian families, raising children, in Cecil and Edgar's case, five kids, while working full-time is no easy job. Credit: Cecil Stewart (via Facebook)
Bagong kabanata
Sa kabuuan, mahigit labing-pitong taong nagtrabaho si Cecil bilang chef. At nitong taon trinabaho niya ang pagsisimula ng sariling negosyo na hindi pa rin nalalayo sa pagkain.
Nitong linggong ito lamang binuksan ni Cecil kasama ng kanyang buong pamilya ang kanilang sariling kainan, ang Cecil’s Kitchen, sa Wyong NSW.

The whole Stewart family is involved with their newly-opened food business in Wyong, NSW. Her husband, Edgar, quits his 20-year job while her son, Steven gave up a promising career as a chef. Credit: Cecil's Kitchen (on Facebook)
Bagaman hindi naging madali ang kanilang pagdedesisyon na pasukin ang pagnenegosyo, panahon na anang asawa ni Cecil na si Edgar na bigyan ng oras ang kanilang pamilya at mga sarili.
"It's a new chapter of our life. We are not getting any younger. We also want to spend more time together with the family and as a couple too," ayon sa asawang si Edgar.
Abutin ang pangarap
Malaking pasalamat ni Gng Stewart sa suporta ng kanyang asawa at ng kanyang limang anak para matupad ang kanyang pangarap na sariling negosyo.
"Sinigurado namin na may sapat kaming ipon para sa anumang hamon at kakailanganin namin para sa negosyo.

The Stewarts are all involved with their new food venture. Credit: SBS Filipino/Annalyn Violata
Para sa mga nangangarap na magtayo ng sariling negosyo, mapa-pagkain man o kung ano pa man, "don't give up" ang pagbibigay-diin ni Cecil.
"Kung may pangarap kayo o passion, be motivated at huwag lang plano ng plano, kailangan mag-materialise at gawin at tuparin nyo."
"Although there are a lot of challenges, just don't give up. Hold on to your family for their support and be open-minded with everything, listen to others' suggestions in particular seek expert's help."