Kwento ng mga migranteng Pinoy sa Australya, tampok sa isang exhibit

Serbisyo: Sining at Kwento Exhibit by Australian-Filipino Community Services

Serbisyo: Sining at Kwento Exhibit by Australian-Filipino Community Services Source: Australian-Filipino Community Services

Ibinida sa dalawang araw na eksibisyon na pinamagatang Serbisyo: Sining at Kwento, ang tatlumpung kwento ng mga migranteng Pinoy sa Australia.


Highlights
  • Ang exhibit ay ginanap sa Immigration Museum sa Melbourne noong 9-10 ng Hulyo.
  • Giit ng grupo na ang mga kwento ng mga migranteng Pinoy na ito ay sumasalim sa katatagan ng ating mga kababayan simula pa man ng mga naunang henerasyon na lumipat sa Australia.
  • Bukod sa exhibit, naglabas ding ang grupo ng libro kung saan bida ang kwento ng tatlampung Pinoy na nag-migrate dito sa Australia.
Pakinggan ang audio:

LISTEN TO
Historic exhibit feature stories of Filipino Migrants in Australia image

Kwento ng mga migranteng Pinoy sa Australya, tampok sa isang exhibit

SBS Filipino

09:41


Tatlumpung kwento ng mga migranteng Pilipino sa Australia ang itinampok sa dalawang araw na exhibisyon ng Australian Filipino Community Services o AFCS na pinamagatang Serbisyo: Sining at Kwento. 

Ayon sa chaplain ng AFCS at Project Manager na si Norminda Forteza, "ang Serbisyo, Sining at Kwento ay natatangi at naiiba at unang exhibition at storytelling ng mga Filipino migrants sa venue ng Immigration Museum."

"It's a very important milestone, not only for AFCS but for our community to be listed in the Immigration Museum and tell our stories in this venue." dagdag pa ni Norminda.
AFCS Project Manager Norminda Forteza showing artwork to some attendees of Serbisyo: Sining at Kwento Exhibit
AFCS Project Manager Norminda Forteza showing artwork to some attendees of Serbisyo: Sining at Kwento Exhibit Source: Australian-Filipino Community Services
Storytellers in Serbisyo: Sining at Kwento with AFCS Chairperson Maria Smith
Storytellers in Serbisyo: Sining at Kwento with AFCS Chairperson Maria Smith Source: Australian-Filipino Community Services
Kwento ng tagumpay at paghihirap

Isa sa mga naitampok ang kwento ni Heide Millares-Faustino na dumating sa Australia kasama ang kanyang asawa na si Abe na isang skilled worker noong 1980s. 

Homesickness ang naging kalaban ni Heide lalo’t wala syang kamag-anak sa Australia. 

"Ang lungkot ko kasi naiwanan ko ang nanay ko, nag-iisa kasi. One year before kami pumunta dito sa Australia, namatay yung father ko at one and only sister. Kahit malungkot, tinyaga kong maghanap ng trabaho. Medyo mahina ang loob ko noon ako pero sabi ko sa sarili ko, kailangan kong maging matatag," kwento ni Heide. 

Mula sa libreng pabahay sa trabaho ng kanyang asawa, lumipat sila sa isang paupahan hanggang sa umutang sa bangko para makakuha ng sariling bahay. 

Unti-unti ng sumigla ang buhay dahil na rin sa iba’t ibang komunidad na kanyang nasalihan. 

Ngayong kahit nag-aalaga na ng mga apo mula sa mga pamangkin, hindi anya titigil ang 76-year-old na si Heide na salihan ang iba’t ibang aktibidad.
Heide Millares-Faustino, Filipino migrant in Australia since 1980
Heide Millares-Faustino, Filipino migrant in Australia since 1980 Source: SBS Filipino
1988 naman nang dumating sa Australia ang tubong-Tacloban Leyte na si Rodrigo, kasama ang asawang si Nimfa. 

Bagaman sa Estados Unidos dapat mag-mamigrate, batyempuhang nauna na maaprubahan ang aplikasyon sa Australia kaya mas pinili nilang magpunta dito. 

Aminado siyang malungkot at mahirap ang pinagdaanan ng kanyang pamilya sa simula. Pero sa tulong ng mga komunidad ay naibsan ang mga nararamdamang lungkot at pagod nito. 

"Itong mga clubs at organisation ay tumutulong sakin para makalimutan ang mga struggles in the past. Nakikipag-assimulate ka with other people- tuwing may sayawan, parties, kainan,  nakakapagdulot ito ng saya sa akin," saad ni Rodrigo.
Rodrigo Bagon, Filipino migrant in Australia since 1988
Rodrigo Bagon, Filipino migrant in Australia since 1988 Source: SBS Filipino
Mga sining na naitampok sa exhibition 

Bukod sa kwento ay naipamalas din ang sining ng ilang Filipino-Australian gaya ng mga painting at artwork. 

Isa rito ang mga gawa ng labing-isang taong gulang na si Xavier Andanar, mula sa Ballarat. 

Kamakailan lamang nito naging hobby ang pagpipinta at masaya siya na makasama sa naturang exhibition. 

"I started drawing when I was little but I started painting maybe 2019 or 2020. Back then I was like 9 or 10.  I was just inspired by watching Youtube and all that. I had art classes but I taught myself how to draw manga by watching Youtube and stuff", kwento ni Xavier.
Young artist Xavier Andanar from Ballarat, Victoria
Young artist Xavier Andanar from Ballarat, Victoria Source: SBS Filipino
Ang 23 year-old naman na si Sophia Varga ay Ocean Art painting ang isinali sa nasabing exhibit.

Mula sa hobby at passion, ngayon ay pinagkakakitaan na din ni Sophia ang mga paintings nito. 

Ilang kliyente na ang bumili ng kanyang gawa para maging background art sa mga  bahay at kumpanya gayundin ang ilang musician na ginagawang album cover ang obra ni Sophia. 

Pero malaking bagay anya na maitampok sa museo at exhibition kasama ang kanyang pamilya at mga kaibigan. 

"I guess during the lockdown, it kind of boosts that time to just create and have time for myself. Express my inner emotions out on the canvass and flourish that with color and abstract artist whatever you wanna make it to be," lahad ni Sophia.
Young Artist Sophia Varga from Melbourne
Young Artist Sophia Varga from Melbourne Source: SBS Filipino
Suporta mula sa komunidad 

Dumalo sa unang araw (ika-9 Hulyo) bilang panaunhin pandangal si Consul General Maria Lourdes Salcedo ng Consulate General of the Philippines sa Melbourne at kinilala nito ang kahalagahan na maibahagi ang kwento ng migrasyon ng mga Filipino sa Australia.
Consul General Maria Lourdes Salcedo speaking at the Serbisyo: Sining at Kwento Exhibit
Consul General Maria Lourdes Salcedo speaking at the Serbisyo: Sining at Kwento Exhibit Source: Australian-Filipino Community Services
Ikalawang araw (ika-10 Hulyo) naman ay guest of honour ang Victorian Multicultural Commission Chairperson Viv Nguyen. 

Ilang kababayan ang nakinig sa storytelling na ginawa sa ilang silid gayundin bumili ng libro sa naturang exhibit.
One of the 'Silid' where storytelling was conducted during the Serbisyo: Sining at Kwento Exhibit
One of the 'Silid' where storytelling was conducted during the Serbisyo: Sining at Kwento Exhibit Source: Rodrigo Bagon

Share