Pakinggan ang audio
LISTEN TO

How adult correctional system works in Australia?
SBS Filipino
08:10
Ang Australia ay may 115 correctional facilities o bilangguan at ang mga ito ay pinamamahalaan ng gobyerno at ng pribadong sektor.
Kahit magkatulad ang sistema ng hustisya na ipinapatupad sa buong estado at teritoryo ng bansa, bawat isa sa kanila ay may sakop na pasilidad na pinamamahalaan.
Highlights
- Mga Aboriginal at Torres Strait Islander people dumarami sa loob ng kulungan.
- Ang may malaking pagkakasala gaya ng terorismo ay isinasailalim sa maximum security.
- Mga inmates ay nangangailangan ng sapat na suporta hindi lang sa panahon na nakakulong sila pati na din sa kanilang paglaya.
Ayon kay William Milne na Director ng Australian Bureau of Statistics, National Centre of Crime and Justice Statistics, ang kanilang tanggapan ang may hawak sa lahat ng detalye ng mga nasa piitan at kung ilan na ang kanilang populasyon.
“ Nitong Hunyo 2021 may 43,000 na nakakulong at higit 15,000 dito ay mga naghihintay ng pagdinig ng kanilang kaso o sentensya, 92% ay mga lalaki at 8 % naman ang kababaihan.
Ang pangkaraniwang taon na ginugugol nila sa kulungan ay higit tatlong taon at para sa mga naghihintay pa ng hatol sa kanilang kaso ay higit tatlong buwan."
Sa datos ng ABS dumarami ang bilang ng mga Aboriginal at Torres Strait Islander people ang nakapiit. At kabilang sa kanilang nakikitang dahilan ay ang epekto ng trauma ng nakaraan at hirap ng buhay.
“ Sa ngayong nasa total na 214 katao kada 100,000 sa adult population ang nakakulong. At sa buong Aboriginal and Torres Strait Islander community, nasa 2,412adults bawat 100,000 Aboriginal katao ang bilang na ito ay 10 beses sa average na populasyon."
Mga aasahan sa loob ng bilangguan

When a person is taken into custody, they are assessed to determine the level of security they require. Source: AAP Image/David Gray
Kapag nakulong ang isang tao, sinusiri ito ng mga awtoridad para malaman kung saang pasilidad ipapasok.
May mga pasilidad kasi na kailangan ng mas mahigpit na seguridad base sa kanilang pagkakasala o kremin na nagawa.
Ayon kay Emma Smith ang Custodial Director ng Metro West sa New South Wales, isinasailalim sa maximum na seguridad silang mga tinaguriang terorista.
“Mayroon tayong maximum, medium at minimum-security centres. Kapag nasa kustodiya na namin sila, isinasailalaim sila sa screening, pagkatapos dun sila napasok sila sa kulungan base sa kanilang kremin na nagawa o hatol."
May mga nakakulong din na naghihintay pa ng pagdinig ng kanilang kaso o sentensya.
Sabi ni Smith dahil 8 porsyento ng mga nakakulong ay babae, sineseguro nila na ang lahat ng mga nakakulong ay maayos at ligtas sa anumang kapahamakan.
“ Hindi maganda kung ihalo ang mga babae sa lalaki na inmates, dahil maliban sa iba't -iba ang kanilang kaso, iba din ang kanilang pangangailangan, kaya nakahiwalay sila."
Kapag nasa kulungan ang lahat ng inmates ay kinakailangan na dumalo sa mga health clinics para sa check- up at sa mga nakahelerang programa.
Mga inmates ay inaasahang magtatrabaho

Inmates are required to attend health clinics and attend programs to address their offending behaviours. Also expected to work. Source: Getty Images/Andrew Merry
Sa ganitong paraan maturuan sila ng tamang pag-uugali tungkol sa ananakit o domestic violence, kalusugan at parenting courses. At higit sa lahat ang mga nakakulong ay inaasahang magtatrabaho sa loob.
“ Ang wala pang hatol maaring hindi magtrabaho pero silang may sentensya na dapat magtrabaho. Ang bawat correctional centre ay may iba't-ibang industriya na maaring mapasukan, paglilinis, pagluluto at maintenance.
Ang ibang pasilidad ay may bakery, engineering at printing services may tindahan din kung saan bumibili silang mga inmates."
Iba't-iba din ang uri ng sentensya, may nakakulong na may full-term sentence, ibig sabihin kailangan nilang tapusin ang kanilang sentensya sa kulungan.
Subalit karamihan naman sa mga na-sentensyahan ay maaring makalabas ng mas maaga sa pamamagitan ng parole.
“ Kapag naka-parole sila isinasailalim sila sa supervision mula sa parole office, may check in sila. So paglabas nila ng maaga, dapat may suporta silang nakukuha mula sa komunidad para maging madali ang kanilang pamumuhay sa labas."
Ang pagbisita sa kulungan
Ang lahat ng mga inaresto at nakakulong ay maaring mabisita ng kaanak. At para malaman saan ito nakapiit, makipag-ugnay online sa tanggapan ng Department of Corrective Services sa inyong estado at teritoryo.
Ang sino mang magnanais na bumisita ng kaanak na nakakulong ay dapat humingi ng pahintulot sa kulungan bago bumisita o pre-approval, makipag-ugnay lang sa tanggapan o tumawag sa visit line ng pasilidad.
“Tumawag sila sa visit line ng correctional centre o sa visit line nila at magbooking. Sa visit line kasi dito nila nalalaman kung kelan sila pwede makabisita at anong mga protocols na dapat sundin gaya ng pananamit."
Si Nadia na may kaanak na nakakulong, dahil pahirapan ang makakuha ng impormasyon sa mga mahal sa buhay sa loob. Boluntaryo itong nagtayo ng website na tinawag na Bars Between para makatulong sa mga pamilya na nangangalap ng impormasyon tungkol sa kanilang mga nakapiit na kaanak.
Sabi nito maliban sa sobrang kahihiyan, nararanasan din ang stigma, at sobrang kalungkutan ang mga kaanak na naiwan ng mga nakakulong.
“ Kung may mga kaanak na nakakulong bisitahin ang www.barsbetween.org. Pinamamahalaan ito ng mga volunteers, may kaanak ding inmates. Sila yong tumutugon sa emotional at minsan sa financial na pangangailangan ng pamilya sa labas."
Inmates nangangailangan ng suporta
Paunawa ng mga awtoridad, dapat hindi lang sa loob ng kulungan sinusuportahan ang mga may sala, dahil dapat bigyan sila ng halaga at suporta sa panahon ng kanilang paglaya.
Dahil kapag mabaliwala ito, malaki ang posibilidad na magkakasalang muli ito at hahantong sa pagbabalik sa piitan o recidivism.
Ayon kay William Milne sa datos ng Australian Productivity Commission nakakabahala ang pagtaas ng mga nakalaya pero agad nakabalik sa kulungan pagkatapos muling gumawa ng katulad na kremin o reoffenders.
Kabilang sa kadahilanan kung bakit nagiging reoffenders o nagkakasalang muli silang kakalabas lang sa kulungan ay paggamit ng illegal na droga, unemployment o kawalan ng trabaho, mababa ang pinag-aralan, mahina ang loob o may isyu sa mental health at kulang ng suporta paglabas ng bilangguan.
“Tinatayang nasa 46 per cent ng mga nakapiit ang babalik sa kulungan o nagiging reoffenders sa loob ng dalawang taon. May mga inmates din na pabalik-balik na sa kulungan sa katulad ding kaso, mga 60 % sa kanila."
Sabi ng Behind Bars volunteer na si Nadia, malaking tulong ding dagdagan ang suporta para sa mga pamilya ng mga nakapiit, para bumaba ang datos sa mga bumabalik sa kulungan.
“Lumalabas din sa pag-aaral na mas malaki ang tsansa na hindi na babalik sa kulungan o hindi na magiging reoffenders, kapag sapat ang suporta na kanilang natatanggap mula sa kanilang pamilya."
Panoorin ang ‘ Life on the Outside.’ Ito ay bagong serye ng dokumentaryo sa SBS on Demand na tumatalakay sa ugali ng reoffenders.
Pinapakita din dito ang karanasana at nangyayari sa mga bagong laya sa kulungan na binibigyan ng maayos na matutuluyan sa loob ng isang daang araw.
Panoorin ang ‘Life On The Outside’ sa SBS on Demand.