Maaari po bang mapababa ang aking utang sa credit card? Ano ang mga maari kong gawin para mabawasan ang pabigat sa aking mga bayarin?-Linda
Kumusta po? Matapos mawalan ng trabaho ng mga anim na buwan last year, hindi ko na namalayan na umabot na po ang utang ko sa credit card sa $15,000. Bukod sa credit card bill, may mga nahiraman din po akong mga kaibigan at kamag-anak na suma tutal ay nasa $5,000. Bagamat nagpapasalamat naman po ako na muling nakahanap ng trabaho at full-time na rin bilang manager sa isang logistics firm sa NSW, ngayon palang ako dahan-dahang makakabawi.
Ayon sa Finance broker na si Maria Papa, bahagi ng buhay ang utang, mas lalo na sa panahon ng pandemya o sa pagkawala ng trabaho. Ngunit, hindi ibig sabihin nito na kailangang habambuhay ka na lang magbabayad ng utang. May mga paraan upang mapababa ang iyong mga interes at loan upang mabayaran mo ang iyong credit card.
Highlights
- Humingi ng mas mababang interest rate
- Magtanong tungkol sa balance transfer
- Ilipat ang iyong credit card bills sa isang personal loan
1. Humingi ng mas mababang interest rate
Walang masamang magtanong. Tanungin ang iyong banko kung ano ang support na maaari nilang ibigay sa iyo.
Tandaan na ang malaking bahagi ng iyong utang ay ang interes. Habang tumatagal, lumalaki ito at maapektuhan nito ang iyong credit report.
2. Balance transfer
Ayon kay Ms Maria Papa, maaari mong ilipat ang iyong balanse sa isang panibagong credit card na wala pang interes ng 24-30 na buwan. Siguraduhing magbayad kada buwan bago magsimulang tumakbo ng interst fees.
3. Ilipat credit card bills sa isang personal loan
Mapipilitan kang umayon sa mga terms ng iyong loan at magbayad ng monthly repayments, di gaya ng credit card na mininum repayments kada buwan lamang ang hinihingi.
Para sa libreng konsultasyon at payo mula sa lisensyadong financial counsellors, maaaring tumawag sa National Debt Helpline sa 1800 007 007.
BASAHIN/PAKINGGAN DIN
Ang 'May PERAan' ang pinakabagong podcast series ng SBS Filipino. Abangan tuwing Martes, sasagutin ng ating mga finance experts ang inyong mga tanong na may kinalaman sa pera.
Kung may nais kayong itanong kaugnay sa pag-iipon, mortgage, insurance, negosyo at iba pa, mag-email sa o mag-message sa aming Facebook page .
Disclaimer: Ang mga impormasyon sa artikulong ito ay gabay lamang. Para sa karagdagang payo na naaayon sa iyong problema o sitwasyon, mainam na kumonsulta sa mga eksperto sa usaping legal, pampinansyal, at pagbabayad ng tax.