Highlights
- Kapag segurado na sa konsepto ng sisimulang negosyo, dapat irehistro ito sa Australian Securities and Investments Commission o ASIC.
- Bilang isang negosyante dapat tukoy mo ang potensyal na mga kustomer, ilang tao ang i-hire na empleyado at kung saan lugar itatayo para makakuha ng kustomer.
- Ang small business loan ay may mas mataas na interest rates
Karamihan sa maliliit na negosyo dito sa Australia ay owner-operated o sole-trader operated, ibig sabihin ang mismong may ari ang namamahala ng negosyo. Matatawag na small business o maliit na negosyo ang iyong ipinundar kapag nag-hire ng mas mababa sa labing syam na empleyado.
Pero bago magsimulang magtayo ng negosyo, dapat alamin kung eligible sa pagtayo ng negosyo. Dahil dito sa Australia hindi pinapayagan ng gobyerno na magtayo ng negosyo silang kombiktado sa isang kaso at silang dati ng nag-claim ng pagkabangkarota.
At kapag eligible na magtayo ng negosyo at plantsado na ang konsepto nito, pwede ng iparehistro sa Australian Securities and Investments Commission o ASIC.
Ayon kay Bruce Mcfarlane, CEO ng Blue Rock sa Melbourne na nagbibigay ng propisyunal na abiso at serbisyo para sa mga magsisimula ng negosyo, tumutulong din ito kung paano palaguin ang negosyo.
Dapat daw bago magtayo ng negosyo ay tanungin muna ang sarili kung ang planong negosyo ay may maganda bang dulot, makakatulong sa problema sa komunidad, makaka-enganyo ng customer at kikita ba ito.
“Dapat sa pagsisimula pa lang alam na nila ang patutunguhan at konsepto ng negosyo, tapos kailangan ikompleto ang legal at ibang requirements, karamihan dito sole-trader operated dahil madali," kwento ni Mcfarlne.
Bago magtayo ng negosyo dapat alam na din kung sino ang mga potensyal na customer, kung saan itatayo, magkano ang renta sa lugar at ilan ang i-hire na empleyado.
Kagaya ng karanasan ng negosyanteng si Alexandra Sinclair na may ari ng Pot Dispensary sa Melbourne na isang ceramics studio at design store. Higit isang taon na ang kanyang negosyo, pero ilang buwan din ang kanyang ginugol para masabi nyang handa na itong makipagsabayan sa merkado.
“Sa amin itong property, pero mga 6 months saka lang kami nakapagbukas ng negosyo. Dami dapat planuhin, lalo na yong stocks. Sana nagpatulong ako para na-save ko yong ibang finances namin."
Ang totoo maraming mga negosyante ang nahirapan kung paano simulan ang kanilang negosyo dahil wala itong katuwang sa pag-aasikaso. Ang iba naman ay hindi alam kung saan kukuha ng pundo para mabuksan agad ang negosyo sa itinakdang petsa.
Sa karanasan ni Sinclair, nakatulong umano ang pagkuha nya ng kurso mula sa New Enterprise Incentive Scheme o NEIS. Dito niya nalaman ang tungkol sa kapital at ibang gastusin na dapat isaalang -alang para makapagsimula ng negosyo, at nakatulong din ito para mas magaan ang kanilang pagsisimula.
“Sa totoo lang ang pagsisimula ng negosyo ang pinakamahirap na aking ginawa pero nakatulong sa akin ang NEIS, kaya kung gusto nyong maging mas magaan ang pagbukas ng negosyo, NEIS makakatulong."
Dito sa Australia, kapag magtatayo ng kahit anong negosyo maraming batas na dapat sundin, kaya magiging mas magaan kung kukunsulta o makipag-ugnay sa isang abogado.
Dagdag pa nito nakakapagod ang pagsisimula ng isang negosyo, kahit pa meron ka ng makukuhang tao na magiging katuwang sa negosyo, dahil isang malaking hamon pa din ang pamamahala nito.
Pero Ito ang pwedeng maibigay na tulong o serbisyo ni Rahul Kumar na director ng Allied Legal. Ito'y nagbibigay ng legal na payo sa mga bagong negosyante, ang maganda sa kanyang serbisyo ay meron na agad itong solusyon sa mga problema na posibleng haharapin pagsisimula ng negosyo.
At sabi nito madali lang ang lahat ngayon sa pagnenegosyo dahil sa bagong teknolohigya.
“Kung mga basic legal structures lang at kung paano papatakbuhin ang negosyo mas madaling gawin yon. Pero dapat tutukan natin kung paano ma-sustain ang negosyo."
Karamihan sa mga may ari ng small at medium businesses ngayon ay naka-loan sa banko o sa mga financial institution para tuloy-tuloy ang takbo ng negosyo.Pero inamin nito pahirapan din ang paghahanap ng lending o nagpapahiram ng kapital na alam kung ano ang pangangailangan ng isang negosyo.
“Ang small business loans ay komplikado kumpara sa ordinary loan dahil ang mga nagpapahiram ng pera ay naghahanap ng business plan para maseguro nila na hindi mawala ang kanilang pera at mabayaran sila."
Dahil sa komplikado ang pagpapahiram ng kapital para sa negosyo, kadalasan sa mga maliliit ng negosyo ay pinapahiram ng kapital pero sa mas mababa sa kanilang kailangang pera.
Dapat ding maintindihan ng mga negosyante na ang small business loan ay iba sa pangkaraniwang loan dahil ang interest rates nito ay mas mataas sa inaasahang rate.
“Ang dapat kasi sa pagsisimula ng negosyo dapat huwag ka munang mangutang o manghiram ng pera, kasi kung magloan o manghiram ng pera, utang kasi yon at dapat mong bayaran."
Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa pagsisimula ng maliit na negosyo dito sa Australia bisitahin ang , at