Paano inihahanda ang libing ng namatay sa Australia?

New migrants may face an overwhelming situation when an unexpected death of a loved one happens.

New migrants may face an overwhelming situation when an unexpected death of a loved one happens. Source: Getty Images/Phillippe Lissac

Ang pakikipag sapalaran sa ibang bansa o migrant ay hindi madali, kaya dagdag dagok na papasanin kung mamatayan dito ng mahal sa buhay o kaibigan. Kaya alamin kung paano inihahanda ang libing ng namatay sa Australia.


Pakinggan ang audio

LISTEN TO
How is a funeral organised in Australia? image

How is a funeral organised in Australia?

SBS Filipino

09:20


Walang sinumang may alam kung kailan darating si kamatayan sa buhay ng isang tao

Ito ang sitwasyon na hindi inaasahan ng bawat isa  at kapag nasa ibang bansa o migrant dito sa Australia, seguradong halung pagkabigla at pagkalungkot ang mararamdaman.

At kadalasa’y hindi alam ang gagawin lalo na kung ito ang unang pagkakataon na  mawalan ng mahal sa buhay.


Highlights

  •  Sa pangkaraniwan, umaabot sa simula $4,000 hanggang $15,000 o higit pa ang pagpapalibing sa Australia kaya mainam makipag-ugnay sa funeral directors dahil sila ang may alam sa buong proseso.
  • Ang mga Coroner ang nag-iimbestiga sa sanhi ng pagkamatay at may alam sila sa batas ukol kapag kaduda-duda ang pagkamatay.
  • Ang Births, Deaths and Marriages Registry ay nagbibigay ng maraming serbisyo mula sa pagpaparehistro ng patay hanggang sa pagbibigay alam sa mga importanteng ahensya sa kamatayan ng isang tao.

Pinatotohanan ito ni  Mathew Kuriakose mula sa  Melbourne dahil nung namatayan sila ng kaanak ilang taon na ang nakaraan, blangko sila kung ano ang susunod nilang gagawin.

" Nang mamatay ang anak ng brother-in-law ko, dahil sa sakit sa puso dun talagang hindi namin alam kung ano ang gagawin."

Sabi nito , mula sa kanilang lugar sa Kerala, India kung saan nagmula ang kanyang pamilya.
When death occurs, family members tend to go into shock and grief and may not know what to do next.
When death occurs, family members tend to go into shock and grief and may not know what to do next. Source: Getty Images/Kris Loertscher/EyeEm
Makipag-ugnay sa funeral director

Pero sabi ni Scott Duncombe na isang funeral director ng Sydney Funerals Co, dapat agad makipag-ugnay sa sa mga tulad nya na  .

“ Kapag namatayan at hindi napaghandaan ng yumao ang kanyang paglisan dapat ay tumawag sa funeral director dahil alam nila ang lahat ng bagay, dito man ilibing sa bansa o ibayhe sa ibang bansa."

Dagdag paliwanag nito kapag namatayan huwag madaliin ang lahat lalo’t  isa itong napakalungkot na sandali ng buhay ng isang tao.

“ Kailangan  bigyan ng panahon na magluksa ang pamilya sa pagkamatay. Talagang hindi yan agad nakakapagdesisyon pagkatapos ng ilang araw saka na namin sila kakausapin  at kadalasan 5 to10 days bago ang libing."

I-rehisto ang pagkamatay

Ayon kay Amit Padhiar, ang Acting Registrar sa  The Births, Deaths and Marriages Registry sa  New South Wales,  ang funeral director ang mamamahala ng lahat ng dokumentasyon  para sa pag-aayos ng libing.

Ito na din ang nakikipag-ugnay sa kanilang tanggapan para ipatala o iparehistro ang  pagkamatay .

“ Ang katungkulan ng aming ahensya ay para irehistro ang namatay dito sa aming estado at teritoryo at nagagawa yan sa pamamagitan ng funeral directors kaya kami ang palaging nagkokontak para sa mga impormasyon."
Family at grave.
Family at grave. Source: Getty Images/Phillippe Lissac
Kahalagahan ang death certificate

Ang death certificate ay isang opisyal na record at patunay ng pagkamatay ng isang tao. Ito din ay isang patunay ng isang  relasyon  sa isang taong namatay  at tulay  ito para mabigyan ng suporta ng naiwang pamilya.

Dapat ding tandaan na saka lang ma-organisa ang libing kapag nailabas na ang death certificate.

Subalit may mga pagkakataon na kinakailangan na  imbestigahan ang dahilan ng  pagkamatay ng isang tao dito na papasok ang isang Coroner para hawakan ang  kaso.

Ang tungkulin ng isang Coroner

Paliwanag ni  Deputy State Coroner Jacqui Hawkins sa Victoria ang tatlong mahahalagang bagay na ginagampanan ng isang Coroner.  

“ Iniimbestigahan namin ang mga pagkamatay na hindi inaasahan, gaya ng aksidente, suicide, pagpatay at overdose ng gamot.  Kailangan matukoy ang sanhi ng pagkamatay, kilalanin ang namatay at pangyayari na may kaugnayan sa pagkamatay."

Kapag may imbestigasyon sa isang kaso ng pagkamatay  ang  petsa  ng libing ay nakasalalay, depende sa trabaho na gagawin nito para masuri at malaman ang sanhi ng pagkamatay nito.

At kung ang gastos ang pag-uusapan sa libing  ayon kay Mr Kuriakose malaki ito sa inaasahan ng mga naiwan.

“Dahil migrant tayo hindi natin alam magkano ang gastos, kaya mabuting magtanong sa mga funeral directors. Tanungin kung paano ang proseso, ano ang inaalok na serbisyo at hindi lang isa ang pagtanungan na funeral director."
On average, funerals in Australia can cost anywhere between $4,000 and 15,000 or more.
On average, funerals in Australia can cost anywhere between $4,000 and 15,000 or more. Source: Getty Images/Peter Dazaeley
Gastos sa paghahanda ng libing

Saad din ni Mr Kuriakose lalo na sa mga migrants na tulad nya  ang paghahanda sa libing  ay napakabigay na pasanin lalo na ang gastos.

“ Napakadami kong tinawagan na funeral services buti na lang nakahanap ako ng kaya lang na bayaran ng aming pamilya."

Sa pangkaraniwan ang paghahanda ng libing dito sa Australia ay aabot mula  $4,000 hanggang $15,000 o higit pa depende sa gusto ng pamilya.

Subalit kapag hindi kaya ng pamilya gumastos ng ganitong halaga para sa pagpapalibing ng mahal sa buhay, maaaring makatulong ang gobyerno  para bayaran ang pinaka-basic na gastusin para maipalibing na maaaring daluhan ng mga naiwang pamilya.

Mga uri ng libing

Ang kagandahan lang dito ay ang funeral director ay palaging nakikipag-ugnay sa pamilya ng namatay para malinawan tungkol sa libing. Tumutulong din sila sa pagpapili ng uri ng libing  ng yumao na kaya ng pamilya.

Sabi pa ni Duncombe may tatlong uri ng libing na pwedeng pagpilian.

“ Mayroon tayong ililibing sa lupa ang namatay at cremation at depende kung ano ang kanilang gusto batay sa kanilang kultura o paniniwala."

Pinapaunawa din nito na dapat hindi lang i-isang funeral director ang kontakin ng pamilya  para may pagpilian, lalo na kung isa-alang alang ang serbisyo na may kinalaman sa kultura at relihiyon  ng pamilya.

“ Hindi lahat ng  funeral directors na gumagawa ng libing batay sa relihiyon at kultura ng pamilya kaya  mas mainam na makipag-usap sa kanila para matulungan ang pamilya."

Halimbawa para sa mga mananampalataya ng Islam, kung saan  dapat ang yumao ay ilibing agad, dapat hindi lalagpas ng 24 oras mula ng ito ay namatay.
Japanese funeral scene
Japanese funeral scene Source: Getty Images/Arrow
Sa sitwasyong ito, maaaring kontakin ng pamilya ang local Islamic na organisasyon sa lugar o funeral director na  nag-aalok ng serbisyo  ng ayon sa Muslim na libing.

Saad pa ni Victoria’s State Deputy Coroner Jacqui Hawkins  kung ang Coroner ay kinakailangan sa kaso  may mga suporta silang pinapa-abot sa pamilya tulad ng counselling.

“ Ang bawat pamilya ng namatay ay binibigyan ng babasahin o brochure , translated ito may English at gingawa din ang 15 wika para sa mga migrants. Makikita din ito sa ."

Kung i-uuwi naman sa pinanggalingang  bansa ang namatay, inihahanda din nito ang lahat ng dokumento para sa embahada para sa pag-uwi ng bangkay.

Sinisiguro din ng mga funeral director na maayos na makakarating sa ibang bansa ang katawan ng namatay.

“ Kapag i-uuwi ang labi o abo ng namatay sa ibang bansa dapat handa ang lahat ng dokumento para aprubahan ng embaha ng kanilang bansa. 

Kapag hindi naman permanente ang visa ng namatay dito sa Australia, kinakailangan na makipag-ugnay sa embahada ng kanilang bansa. Dapat isa-alang alang din ang gastos sa ganitong  pagpapauwi ng namatay.

Pahabol na payo ni Mr Padhiar, may   ang gobyerno at  importanteng  huwag kalimutan ng pamilya ng namatayan na  ipaalam sa mga mahahalagang organisasyon  at kinauukulan ang pagkawala ng kaanak.

Death notification service o DNS

At ang  ay isang platform na syang  tumulong para maipaalam ito sa mga mahahalagang organisasyon o ahensya .

“ Libre itong serbisy ong gobyerno ng Australia para ipaalam sa mga organisasyon ang pagkamatay ng isang tao sa pamamagitan ng single online platform."

Kabilang sa mga mahahalagang organisasyon na parte ng Death Notification Service o DNS ay ang mga bangko, Telecommunications, utilities, insurance at ibang government na ahensya.

Ang platform na ito ay nag-aalok din ng translation services sa 50 wika.


Share