Paano mag-claim ng tulong pinansyal na ipapamahagi ng gobyerno

A man is seen paddling a kayak through flood waters covering Torwood Street in the suburb of Milton in Brisbane, Monday, February 28, 2022.

A man is seen paddling a kayak through flood waters covering Torwood Street in the suburb of Milton in Brisbane, Monday, February 28, 2022. Source: AAP Image/Darren England

Naglaan ang pederal na pamahalaan ng pondo para ipamahagi sa mga residente ng lugar na apektado ng matinding pagbaha sa Queensland at New South Wales


Highlights
  • Lubog pa rin sa tubig-baha ang malaking bahagi ng southeast Queensland at northern New South Wales.
  • Makakatanggap mula sa pamahalaan ng $1,000 per adult at $400 per dependent child ang mga biktima ng baha gamit ang mygov website.
  • Higit isang libong paaralan ang isinara at habang daan daang pamilya ang inilikas sa Queensland.
Pakinggan ang audio:
LISTEN TO
How to claim the government's one-off Disaster Recovery Payment image

How to claim the government's one-off Disaster Recovery Payment

SBS Filipino

08:34

 

Maaari kang mag-claim ng Disaster Recovery Payment, kung ikaw ay lubhang naapektuhan ng pagbaha, kung may kapamilya kang namatay o nawawala dahil sa pagbaha; at nagtamo ng malaking sira ang inyong bahay.

Paano masabing lubha napinsala ng iyong bahay?

  • Kung ito ay nasira at kailangang i-demolish
  • Kung naideklarang hindi na maayos ang istruktura ng iyong bahay
  • Kung nagkaroon ng malaking pinsala ang inyong bahay
  • Kung pinasok ng tubig-baha at lubhang nasira ang inyong mga gamit sa bahay 
  • Kung napasok ang sewage sa loob ng bahay
  • Kung malaki ang sira o damage sa inyong mga ari-arian
 Maaring mag-claim hanggang Agosto 28 ang mga residente ng Queensland, at hanggang Setyembre 1 naman para sa mga residente ng NSW.

Para maging kwalip[ikado sa pag-claim, dapat ay nakatira ka sa isa sa  o kabilang sa .

Narito ang sunod-sunod na hakbang kung paano makakuha ng claim

1. Mag-sign in sa myGov at piliin ang Centrelink sa iyong mga naka-link na serbisyo. Kailangan mong tiyakin na ang Centrelink ay naka-link sa iyong myGov account sa pamamagitan ng paggamit ng Centrelink Customer Reference Number (CRN) o kung wala kang CRN, maaari mong patunayan ang iyong pagkakakilanlan sa pamamagitan ng pagbibigay ng mga opisyal na dokumento.

2.I-click ang  “Make a Claim or View Claim Status”

3.  I-scroll ang “Help in an Emergency” at i-click ang Get Started”

4. I-click ang “Apply for Disaster Recovery Payment”

5. I-click ang "Begin"

6. Sagutin ang ilang mga katanungan, ihanda ang inyong litrato, dokumento o ebidensya na magpapatunay na napinsala ng tubig baha ang inyong mga kagamitan o ari-arian. 

7. I-click ang "Submit" para maproseso ang claim. 

8. Maaari mong i-click ang button na “Make a Claim or View Claim Status” mula sa landing page ng Centrelink ng myGov website upang makita kung naproseso na iyong aplikasyon.

Para sa karagdagang impormasyon, bisitahin ang website.



Share