Paano magparehistro para makaboto sa pederal na eleksyon sa Australia

Voters complete their ballot forms  Source: Getty Images/Steve Bell

Voters complete their ballot forms Source: Getty Images/Steve Bell Source: Source: Getty Images/Steve Bell

Ngayong Mayo 2022 itinakdang gaganapin ang pederal na eleksyon sa Australia. Dapat alamin ang mga hakbang para makaboto lalo na silang sa unang pagkakataon ay mga botante. Tandaan ng lahat ang pagboto ay isang oportunidad para maging bahagi sa pagpili ng mga pinuno ng gobyerno para sa paghubog at pagbuo sa kinabukasan ng bansa.


Highlights
  • Ang Australian passport, driver’s licence, o citizenship certificate ay mahalagang dokumento para makapagrehisto bilang isang botante.
  • Bisitahin ang aec.gov.au o tumawag sa telepono 13 23 26 para masigurong nakasama ang pangalan sa mga botante
  • Pagmumultahin ng malaki ang sinumang hindi makakaboto
Pakinggan ang audio
LISTEN TO
How to enrol to vote: Australian federal election image

How to enrol to vote: Australian federal election

SBS Filipino

07:53
Ang pederal na eleksyon dito  sa Australia  ay isang oportunidad para ipahayag ang iyong karapatan sa pamamagitan ng pagboto at maging bahagi para pumili kung sino ang mamumuno sa gobyerno ng bansa.

Nangyayari ang ganitong pagkakataon isang beses kada tatlong taon kaya dapat maging maalam kung sino ang nararapat na iboto.

Ayon kay Evan Ekin-Smyth, ang tagapagsalita ng Australian Electoral Commission o AEC, lumalabas na sapilitan ang pagboto dito sa bansa. Subalit, bago bumoto suriin muna kung eligible ka ng bumoto.

“Ang mga Australian citizen na may edad 18 pataas ay maaari ng bumoto. Kailangan lang magpalista para makaboto. Kapag inanunsyo na ang petsa ng eleksyon dapat magparehistro ka kung saan ka nakatira."
Voting Centre Source: AEC
Voting Centre Source: AEC Source: AEC

Kailan pwede mag-enrol?

Dagdag ni Smyth, karaniwang isang linggo matapos ihayag ang itinakdang petsa ng eleksyon dito mo malalaman kung napasama sa listahan ng mga boboto ang iyong pangalan.

“Subalit huwag ng maghintay ng pag-anunsyo ng petsa ng eleksyon dahil maaari itong gawin sa online gamit lang ang iyong smartphone sa website na aec.gov.au."

Paano mag-enrol?

Para ma-kumpleto ang dokumento sa online, kailangang ihanda ang Australian passport, driver’s licence o citizenship certificate.

Ang mga dokumentong ito ay hindi kailangang i-attach online ngunit kailangan itong gawing basehan sa mga isasagot sa tanong sa online para makapagrehistro at maging botante.

Kung sa pagkakataong nawala ang mga dokumentong ito, dapat mag-request  ng mas maaga bago ang eleksyon dahil karaniwang umaabot sa apat na linggo bago makakuha ang mga ganitong dokumento.

At kapag nasa listahan na ng mga botante ang iyong pangalan  maaari ng bumoto sa kahit saang pederal na estado o teritoryo at lokal na pamahalaan na eleksyon.

Kaya abiso ni Mohammad Al-Khafaji ang CEO ng Federation of Ethnic Communities’ Councils of Australia mahalagang mag-update ng mga dokumento o identification.

“Hinikayat namin ang lahat ng bagong Australians na makilahok sa eleksyon at gawin ito bilang  responsibilidad para sa kinabukasan ng bansa. Kailangan magparehisto at i-update ang kanilang mga dokumento o identification."

Sabi naman ni Smyth ang kanilang tanggapan ay tumulong para ma-update ang mga mahalagang dokumento ng inyong pagkakakilanlan.

"Nagpapadala kami ng sulat o notice para ipaalala sa kanila na kailangan na nilang i-update ang kanilang mga ID's/identification. Halimbawa nagchange address sila, nag-iba ng pangalan dapat gawin nila ito online."

Kung hindi sigurado kung napasama na ang pangalan sa mga botante, maaaring bisitahin ang website ng AEC sa  aec.gov.au/ o tumawag sa numero 13 23 26.

At para sa mga walang internet connection, maaaring kompletuhin ang paper enrolment forms na makukuha sa  AEC office, o tumawag sa  13 23 26 para mapadala nila sa pamamagitan ng sulat.

Dagdag ni Al-Khafaji ng FECCA hinihikayat nila ang mga bagong migrant ng  bansa para bumoto, lalo na kung may mga hadlang gaya ng kultura at lengwahe para makaboto.

“Kailangan nating isaalang-alang ang mga migrant na walang alam sa eleksyon dahil bawal sa kanilang panggagalingang bansa. Kaya hinihikayat namin sila na magparehsito at bumoto.

Sa ganitong pagkakataon kailangan namin ang tulong ng mga komunidad, lalo na mga lider ng relihiyon para ma-engganyo ang mga tao na makilahok sa eleksyon."

Para mapigilan ang naturang mga hadlang, sa website ng AEC, makikita ang mga kwalipikasyon kung sino ang mga botante, alituntunin sa pag-enrol para makaboto. Isinalin din ito sa iba’t ibang wika at kapag hirap bumasa may Telephone Interpreter Service.

“Para sa mga non-English speakers, ang website ng AEC ay mas pinadali na ang paggamit.  Umaasa din kami na tumulong mga lider ng bawat komunidad na ipalaganap ng impormasyon lalo na ang mga first time voters."

Si Ivy Zhuo na isang Settlement Support Worker sa Migrant Resource Centre Tasmania. Tumutulong sya para gabayan ang mga bagong Australian citizens kung paano ang proseso ng pag-enrol para maging botante.

“Sa aming tanggapan maari silang mag-walk-in at agad namin silang bibigyan ng impormasyon tungkol sa citizenship at sa pagboto. At ang aming teams at volunteers ay handang sumagot sa lahat ng kanilang tanong."
Senate and House of Reps
Senate and House of Reps Source: AEC
Ang Migrant Resource Centre ay nagbibigay ng mas komportableng pamamaraan para turuan silang mga Australians sa pinaka-unang bahagi ng  proseso mula sa pagparehisto hanggang sa pagboto.

“Para sa mga migrants na limitado ang English lalo na sa pagsasalita at pag-intindi nito, tinutulungan namin sila sa pamamagitan ng interpreters para mas maintindihan nila ang proseso at mabigay namin ang impormasyon ng tama."

Sa karanasan ni Zhuo, karamihan sa mga bagong botante pinipili ang online service kahit pa limitado ang pagsasalita at pag-intindi ng wikang English.

“Marami kaming information at resources sa Soundcloud sa Migrant Research Centre website kaya ang mga migrants na may ibang wika ay makakaintindi pa din sa pamamagitan ng pakikinig ng recordings."

Ang mga impormasyong ito ay bukas at maaaring ma-access sa Migrant Resource Centre Tasmania website.

Dahil sapilitan ang pagboto sa bansa, tanong tuloy ng marami ano ba ang kahihinatnan ng isang Austalian citizen kapag hindi makaboto?

Ang sino mang hindi makakaboto ay siguradong mahaharap sa malaking multa.

Pero paunawa ni Evan Ekin-Smyth ng AEC,  maaaring isantabi man ang multa, tandaan na kapag makaligtaan ang pagboto mawawalan ka ng karapatan na ipahayag ang iyong tunay na saloobin sa pagbuo at paghubog ng ating bayan.

“Umabot na sa halos 400,000 ang bagong Australian citizens na nagparehistro para sa eleksyon na ito. Kaya kung bago ka sa Australia at citizen siguraduhin na makapagrehistro ka  para maging bahagi ang iyong saloobin at gagawin namin ang aming makakaya na maging madali ang inyong pagboto sa eleksyon."

Para sa karagdagang impormasyon bisitahin ang  para makaboto sa 2022 Federal  Election.

 


Share