Highlights
- Ang mga volunteers ang lifeblood o buhay ng Emergency Service sa mga estado at teritoryo.
- Non-Australian citizens ay maaaring maging volunteer ng SES depende sa uri ng kanilang hawak na visa.
- Ang mga may edad 16 at 17 taong gulang maaring maging volunteers sa NSW SES, kapag may Parent and Guardian Consent form
Pakinggan ang audio
LISTEN TO

How to join the SES in Australia
SBS Filipino
08:39
Ang State Emergency Service o SES ang tawag sa organisasyon dito sa Australia na syang sumasaklolo at tumutulong sa kasagsagan at pagkatapos ng kalamidad o anumang pangyayari.
Kabilang sa kanilang pangunahing nirerespondihan ang baha, bagyo at tsunami subalit, tumutulong din sila sa panahon kung kailangang may e-rescue sa mga bundok o bangin, aksidente sa kalsada, mga nawawala at medical evacuations.

SES workers try to remove an enormous tree out of the top storey of a house in Wahroonga/Sydney. Source: AAP Image/Laura Friezer
Ayon kay Priscilla Grimme na isang Volunteer Support Officer sa Victoria State Emergency Service o VICSES.
Ang VICSES ay tumutulong na maging handa ang komunidad sa anumang sakuna o kalamidad at kapag mangyayari ito sila naman ay handang rumisponde.
We are the control agency for floods, storm, earthquake, landslide, and tsunami, but our everyday jobs and our ‘bread and butter’ is storm damage jobs — trees on houses, on cars, on roads, all those sorts of things. And that's when our volunteers would get called to assist. So, we make safe. So, for example, if a tree goes through a roof, we'll tarp it up and put some sandbags and things like that on the roof to make the property safe.
Dagdag ni Grimme bilang Deputy Controller sa Frankton SES may mga pagkakataon din na ang SES ay katuwang sa paglilingkod ng mga mga pulis at bombero.
"Ginagawa namin ang search and rescue at katuwang kami ng mga pulis Victoria, lalo na kapag may mga nawawalang tao, at andun din kami sa crime scenes. Kung may mga aksidente kalsada at mga bushlands."
Pinapaunawa naman ng Manager Volunteer Strategy sa NSW SES na si Andrew McCullough ang mga volunteers ay ang lifeblood o buhay ng lahat ng mga Emergency Service sa estado at teritoryo.

A supplied photo of a Brisbane SES team practicing car crash rescue operations at the state road rescue challenge in Melbourne. Source: AAP Image/SES, Allan Briggs
"Ang mga nasa SES ay 99% volunteers. Halus aabot sa 10,000 volunteers sa buong NSW at 24/7 ang dapat serbisyo sa komunidad, at tinatayang nasa 250 lang ang ating staff.
Karamihan sa tao natin ay nagseserbisyo ng libre o unpaid volunteers. Kung wala ang mga volunteers wala ang ahensyang ito dahil importante sila. Dito sa Australia, importante ang mga volunteers."
Saad pa ni Grimme ang mga volunteers ay maraming papel na ginagampanan may mga naka-assign sa operational at non-operational.
" Kailangan ng bansa natin ang mga bagong volunteers, hindi mo man kayang magtrabaho sa mga bubong o magputol ng mga kahoy, may gagampanan ka pa ding papel sa finance.
Laking tulong kapag maraming volunteers at yong ang kailangan natin ngayon sa bawat unit natin. At isang malaking tulong na kapag ibalik mo ang serbisyo sa iyong komunidad."
Subalit, ang mga aplikante ng VICSES bago matanggap bilang volunteer, dumadaan sa masusing proseso para masegurong kwalipikado at kaaya nilang gampanan ang papel ng pagiging volunteer o nagbibigay ng serbisyo na libre sa komunidad.
Isinasailalim din sila sa pagsasanay pero ang mahalaga sa lahat kaya nilang magtrabaho bilang isang team para maging mas madali ang kanilang trabaho.
" Importante sa lahat ay may malasakit ka sa iyong komunidad at kapwa. Ang mga volunteers ay may puso talaga na tumulong sa panahon ng kagipitan o pangangailangan ng iba.
Ang iba namin ginagawa ay hindi madali lalo na ang paglalakad sa mga madamo o bukirin, para hanapin ang mga nawawala at marami pang iba, pero bago ka maging SES volunteer isinailalim ka na sa maraming training."

• SES workers visit locals at the Fitzroy Hotel in Rockhampton's East Street, Rockhampton, QLD AAP Image/Kelly Watt Source: AAP Image/Kelly Watt
Base sa New South Wales SES, ang mga non-Australian citizens na kasalukuyan may visa na temporary resident visa ay maaaring mag-volunteer depende kung anong uri ang kanilang hawak na visa.
Pero sa pangkalahatan, kapag ang ang visa mo ay may working rights maari kang mag-volunteer.
Kailangan lang alamin ang kabuuang kondisyon ng iyong visa online sa Department of Home Affairs VEVO website.
Ang mga may edad labing anim at labing pitong taong gulang na may hawak na
Subalit, ang mga volunteer na may edad labing walo pababa ay hindi maaaring rumisponde gaya ng aksidente sa daan o Road Crash Rescue.
Samantala ang ay may mahabang listahan ng kwalipikasyon para sa mga gustong mag-volunteer gaya ng dapat may puso na magserbisyo, malakas ang loob at handang tumulong sa anumang oras ng pangangailangan.
Habang ang mga volunteers naman na may edad 18 pataas ay kailangan ng sumailalim sa Criminal History Check.
At sa mga interesadong mag-apply bisitahin lang ang SES website sa inyong estado o teritoryo.
"Ang pagiging SES vounteer ay kailangan mula sa iba't-ibang bahagi ng komunidad dahil bilang mga volunteer sila ang kumakausap sa mga tao sa komunidad, kaya mahalaga na may communication skills."
Sa pagbabalik tanaw naman ni Mr McCullough na labing isang taon na sa SES, nagsimula sya nung nag-aaral pa ito sa kolehiyo.

SES volunteers continue the gruesome task of searching for bodies in the fields surrounding the township of Grantham AAP Image/Dean Lewins Source: AAP Image/Dean Lewins
" Natutunan kong mag-operate ng chainsaw, at pati ang mga tools na kailangan para maisalba ang buhay ng mga naaaksidente sa daan. Kaya ang mga volunteers ay bago isabak sa trabaho ay may sapat sila na training sa anumang kailangang skills.
Halimbawa kung may bagyo at dapat ang mai-deploy sa lugar ay ang mga nasanay na may pumping skills gamit ang equipment. Kapag sa mga beaches at bangin na rescue operation may mga sinasanay din dun."
Paliwanag naman nito mahalaga sa NSW SES ang pagkakaroon ng volunteers mula sa magkakaibang lahi at kultura, at higit sa lahat nakakapagsalita ng ibang lingwahe maliban sa English.
" Ang mga komunidad natin dito sa NSW ay mula sa iba't ibang kultura at lahi at yan ang nais ng SES na makuha na mga volunteers, dahil ang laki ng tulong nila para sa mas epektibo sa mga komunidad."
Si Zulfi Hydari ay dalawang dekada ng nandito sa Australia mula Afghanistan.
At ngayong naninirahan sa regional Victoria, hindi pinagkait nito ang magserbisyo sa kanilang komunidad.
Nakasama na sya sa mga pulis sa maraming search and rescue operation para sa mga nawawalang tao at hayop, nakarating na din sya sa maraming pinangyarihan ng kremin.
" Pangalawang buhay at pagkakataon ang binigay ng bansang Australia sa amin, kaya kahit papaano gusto kong ibalik sa komunidad ang aking pasasalamat, kaya nag-volunteer ako sa SES."
Maliban sa masilang mga pangyayari, sabi ni Hydari, masaya sya dahil marami syang naging kaibigan dahil sa kanyang pagiging SES volunteer.
Kwento naman ni Telesia Loloa mula sa Lismore SES unit, ang pagsali nito sa SES noong taong 2015 ay ang itinuring nyang isa sa pinakamahusay niyang desisyon sa kanyang buhay.
"Halus magwawalong taon na ako dito sa SES, at ito ang isa sa pinakamagandang desisyon na aking ginawa sa buhay ko. Sa ngayon nasa tinatayang 80 myembro na tao dito sa LIsmore City SES unit.
"Maraming papel ang pwedeng gampanan ninuman dito sa SES. At higit sa lahat hindi matatawaran ang mga naging kaibigan ko dahil sa pagiging volunteer, hindi lang sila kasama sa SES sila ay pamilya ko."