Key Points
- Ayon sa datos ng ABS na inilabas nitong Marso 2022, isa sa sa sa apat na tao sa Australia na may edad 18 taong gulang pataas ay lumampas sa alituntunin sa konsumo ng alak sa taong 2020 hanggang 2021
- Ang pagkalulong sa alak ay ang kawalan ng kakayahang kontrolin ang pag-inom dahil sa pisikal at emosyonal na alcohol dependence
- Ang mga taong migrant sa Australia ay mas hindi umiinom ng labis
- Maaaring mahirap para sa mga miyembro ng pamilya na magkaroon ng mahal sa buhay na nalulong sa pag-inom ng alak, ngunit may handang tulong para sa kanila
Ang pagkalulong sa alak ay isang malubhang sakit, na naka-apekto sa maraming tao sa Australia, anuman ang lahi, edad, katayuan sa lipunan, o kung saan sila nakatira.
isa sa apat na tao sa Australia na may edad 18 pataas ay lumampas sa alituntunin sa konsumo ng alak ng sampung inumin bawat linggo sa taong 2020 hanggang 2021.
(AIHW), ang mga taong mula culturally and linguistically diverse backgrounds (CALD) ay mas umiiwas sa alak kaysa sa mga nagsasalita ng halos Ingles.
Mahigit sa kalahati o 53 porsyento ng mga tao na nagsasalita ng isang wika maliban sa Ingles ay mga umiiwas o dating umiinom, kumpara sa 19.2 porsyento ng mga pangunahing nagsasalita ng Ingles.
Ito ay nauugnay sa datos ng ABS, na nagpapahiwatig na "ang mga taong ipinanganak sa Australia ay halos dalawang beses na mas malamang kaysa sa mga ipinanganak sa ibang bansa na lumampas sa guideline (30.0 porsyento kumpara sa 17.3 porsyento)."

Ang Australia ay nasa itaas na antas ng average ng OECD para sa mga litro ng alak na nainom per capita ng mga taong may edad na 15 o mas matanda, sa 9.5 kumpara sa 8.7 liters per capita noong 2020 (OECD 2021). Credit: Rafael Ben-Ari/Getty Images
Paano mo matukoy kung ang mahal sa buhay ay nalulong sa alak
Sabi ni Helen Gillies ang CEO ng ito’y isang grupo na sumusuporta sa mga pamilya at kaibigan ng mga nalululong sa alak o alcoholics.
Ang mga taong nalulong sa pag-inom ng alak ay karaniwang nagpapakita ng mga pagbabago sa pag-uugali.
"Maaari silang magalit. Maaari silang maging napaka-mailap at malihim. Maaari silang gustong makikipagtalo palagi, o maaari silang maging medyo lumalayo," paliwanag ni Ms Gillies.
Sinabi niya na maaaring mahirap para sa pamilya at mga kaibigan na tukuyin ang mga sintomas.
Mayroong mga tao na maaaring umiinom ng alak at mukhang normal.Helen Gillies, Al-Anon Family Groups Australia CEO
"Alam namin na mayroong maraming napaka-propesyonal na mga tao na nagsasagawa ng kanilang trabaho at parang okay naman, subalit may problema pala ito sa pagka-lulong sa pag-inom ng alak," dagdag niya.
"Maaari silang maging perpekto sa trabaho at pagkatapos ay umuwi at hindi masyadong kaaya-aya sa pakikitungo. Ito ang uri ng pagbabago na may posibilidad na magpahiwatig na ang isang bagay ay hindi masyadong tama."

Ang pagkakaroon ng magulang na dumaranas ng mga isyu sa pagkalulong sa alak ay maaaring may masamang epekto sa buhay ng isang bata. Credit: Richard Hutchings/Getty Images
Sinabi niya na ang isa pang nakikitang senyales na ang isang mahal sa buhay ay nasa alcohol dependent ay maaaring makitaan ng pagbabago sa antas ng pakikipag-ugnayan sa mga aktibidad na mahalaga sa kanila noon.
Maaari mong mapansin ang kanilang mga antas ng enerhiya ay naiiba at hindi sila nakikipag-ugnayan sa parehong paraan.Eleanor Costello, Alcohol and Drug Foundation (ADF) Evidence Manager
Mga yugto ng pagkalulong sa alak at pisikal na mga palatandaan
Ang pagka-lulong sa alak ay hindi nabuo sa isang gabi. Ito ay umuusad mula sa pangmatagalang pag-inom ng alak.
Ang paminsan-minsang pag-abuso o pag-inom at labis na pag-inom
- Ang malakas at labis na pag-inom
- Problematic na pag-inom
- Alcohol dependence
- Adiksyon
Ang alcohol dependence, ay nangangahulugan na mas matindi na ang pagkatali nito sa pag-inom kaysa nakagawian nitong mga gawain. Dahil sa kabila ng alam na nito ang masamang epekto ng pag-inom ay hindi na makontrol ng tao ang kanyang pag-inom.
Ang iba pang palatandaan ng alcohol dependence ay mataas na ang tolerance ng pag-inom, ibig sabihin tatagal at kaya nitong uminom ng ilang araw at ayaw huminto sa pag-inom o withdrawal.
Ang pagka-lulong sa pag-inom ng alak ay ang panghuling yuto. Sa yugtong ito ang pag-inom ay hindi lamang para sa kasiyahan, kung hindi ito ay tumutugon sa isang pisikal at psychological na pangangailangan.
Kapag ang lasingero ay nahimasmasan na nararamdaman nila ang ganitong sintomas:
- naduduwal ng walang kaugnayan sa isang hangover
- nanginginig ang katawan
- pinagpapawisan
- matinding pagkamayamutin
- mabilis na pagpintig ng puso/ palpitations
- nahihirapang matulog
Alak at mental health
Ang ugnayan sa pagitan ng alkohol at mental health ay napakalapit at kumplikado, sabi ni Costello. Maraming indibidwal na may mga isyu sa mental health ang alak ginagawang paraan ng pagtakas o self-medication.
Mayroong bumabalandra sa pagitan ng maling paggamit ng alak at droga at mga may mental health issue.
Ang pagkakaroon ng kondisyon sa kalusugan ng isip o mental health ay maaaring dagdag pahirap para huminto ang isang tao sa pag-inom ng alak, at mapataas ang posibilidad na tumindi ang sintomas ng kondisyon nito at mga peligrosong pag-uugali, tulad ng labis na pag-inom.
Paano simulan ang mahirap na pag-uusap
Kung sa tingin mo ay ang mahal mo sa buhay ay may ganitong problema, ang unang gawin ay kausapin sila.
Ngunit ito ay hindi isang madaling gawin, dahil malamang na sila ay nasa estado ng denial o pagtanggi.
Ang pagkalulong sa alak ay "halos isang psychological na sakit, kung saan ang tao ay ganap na nabihag ng alkohol o alak ", kaya gagawin nila ang lahat upang maiwasan ang pag-withdraw, paliwanag ni Gillies.
"Magsisinungaling sila, mandadaya sila, magmamanipula sila, gagawin nila ang lahat ng kanilang makakaya ... dahil hinahangad ito ng kanilang katawan", dagdag niya.
Bago magkaroon ng pag-uusap, mahalagang makakuha ng propesyonal na patnubay ang mga kaibigan at pamilya.
Sinabi ni Costello na ang website ng ADF ay may mga na magamit na isinalin sa upang matulungan ang mga tao na magplano ng kanilang diskarte, maunawaan kung aling mga tanong ang itatanong, at kung paano i-navigate ang kanilang sariling mga damdamin.
Ipadama sa kanila na sila ay inaalagaan, na mapagkakatiwalaan nila ang mga tao sa kanilang paligid, kaya mas malamang na magbukas sila.
"Siguraduhing alam nila kung gaano ka nagmamalasakit sa kanila ... na nandiyan ka para pag-usapan ang anumang bagay na maaaring mangyari sa kanilang buhay," dagdag niya.
LISTEN TO

Stop the cycle of violence, be a positive role model
SBS English
11:03
Labis na pag-inom, galit at karahasan sa tahanan
Ayon sa World Health Organization, ang pagka-lasingero o pagkalulong sa alak ay nauugnay sa agresibong pag-uugali kaysa iba pang uri ng psychotropic substance.
Sinabi ni Costello kung sinumang miyembro ng pamilya ang nasa panganib, mahalagang tiyakin muna ang kaligtasan.
"[Kung] may potensyal ng karahasan sa tahanan o iba pang uri ng pagsalakay ... alisin ang iyong sarili sa sitwasyon, kung magagawa mo. Kung nasa agarang panganib ka, palaging tumawag sa triple zero," sabi ni Costello.
Hindi katanggap-tanggap na magkaroon ng isang tao sa iyong buhay na agresibo o marahas o sinasaktan ka.
Sinabi ni Costello kung ang tao ay tumatanggi at ayaw tanggapin na mayroon silang problema, susubukan nilang ilihis, "upang ilayo ang pagtuon sa kanilang sarili."
"Kadalasan ay magtuturo sila o sinisisi ang iba at sasabihin, 'ito ay dahil ang bahay ay hindi malinis', 'ito ay dahil ikaw ay matinding gumastos ng maraming pera', 'ito ay dahil ikaw ay X,Y,Z'. Wala sa mga iyon ay talagang may kaugnayan".

Ang karamdaman dahil sa pagkalulong sa alak ay maaaring banayad, katamtaman, o malubha. Ang mga pangmatagalang pagbabago sa utak na dulot nito ay nagpapatindi ng epekto ng alak na sanhi na bumalik ito sa dating pagka-adik sa alak. Source: Moment RF / Nuria Camps Curtiada/Getty Images
Maaaring lumalang sakit
Ang pagkalulong sa alak o lasinggero ay maaaring lumala sa paglipas ng panahon.
"Sa tuwing nakakakuha ng inumin ang isang alcoholic, lumalala ito", babala ni Gilles.
"Magsisimula silang magkaroon ng mga blackout, magsisimula silang magkaroon ng mga pagbabago sa pag-uugali, magsisimula silang magkaroon ng problema sa trabaho, magsisimula silang magkaroon ng problema sa pera, magsisimula silang magkaroon ng problema sa kanilang mga relasyon."
Ang labis na pag-inom sa loob ng mahabang panahon ay maaaring magbago sa chemistry ng utak, makakaapekto sa mga neuro-pathway at makahadlang sa pag-develop ng utak sa mga kabataan.
"Kung mas gumagamit ka ng (alak), maaari kang makaramdam ng kalungkutan, dahil ito ay isang depressant ... Naglalagay din ito ng maraming strain sa iyong katawan, ito ay talagang nagpapabilis ng tibok ng puso," sabi ni Costello.
Ang paghahanap ng suporta sa mga unang yugto ng problema sa pag-inom ay maaaring makatulong. Gayunpaman, mapanganib para sa mga lasingero na huminto sa pag-inom nang walang medical assistance.
"Ang propesyonal na tulong ay ang pinakamahusay na bagay na gawin para sa kanila. At mayroong propesyonal na tulong na magagamit," sabi ni Costello.
Ang website ay naglilista ng higit sa 10,000 tulong at mga serbisyo ng suporta, ang ilan sa mga ito ay lokal.
"Marami rin itong self-help na impormasyon dahil maaaring hindi sila handang makipag-usap sa isang tao, ngunit maaaring handa silang tingnan ang ilan sa mga bagay na maaari nilang gawin upang magsimula — iyon na ang unang hakbang para makakuha ng suporta ," dagdag ni Costello.
LISTEN TO

Getting help when your loved one has gambling problems
SBS English
08:34
Tulong para sa pamilya
Masakit at nakakalito ang makitang nagbabago ang isang mahal sa buhay dahil sa labis na pag-inom ng alak.
"Maaari kang magtagal sa pagsisikap na suportahan sila. Talagang makakaapekto rin ito sa kapakanan ng pamilya," sabi ni Costello.
"Talagang mahalaga na kilalanin iyon, at unawain ang iyong sarili at mahalin ang iyong pamilya, na maaaring dumaranas din ng maraming sakit," dagdag niya.
Sinabi ni Gillies sa sandaling humingi ng propesyonal na tulong ang mga miyembro ng pamilya, maaari nitong hikayatin ang mahal sa buhay na gamutin ang kanilang pagka-adik sa alak.
Gayunpaman, binibigyang-diin niya na ang lahat ng mga kasangkot na partido ay dapat gumawa ng kanilang sariling mga desisyon, gaano man ito kahirap.
"Hindi mo mababago ang taong iyon mula pagpili ng kanilang gagawin, ngunit ang mga pamilya ay maaaring pumili kung ano ang gagawin at iyon ang mahirap."
"Sa tingin ko ang isa sa pinakamahirap na bagay na kailangan nating gawin ay ang makita ang mga taong pinapahalagahan natin na nasa sakit, ngunit kailangan nating alagaan ang ating sarili at kailangan nating gumawa ng mga desisyon tungkol sa kung ano ang tama para sa ating sarili at umaasa na ang ibang tao ay makakabawi. "
Para sa tulong tumawag o i-click ang mga link sa ibaba: