Dugong Indian pero pusong Pinoy: Paano niyakap ng isang Indian ang kulturang Pilipino

Shallu Bhopal

Although Shallu Bhopal is Indian by heritage, her heart beats in harmony with Filipino culture. Credit: Supplied by Shallu Bhopal

Kahit na Indian ang pinagmulang lahi, may pusong Pinoy si Shallu Bhopal. Lumipat siya sa Pilipinas noong siya ay apat na taong gulang at maalam sa wikang Punjabi, Hindi, Ingles at Filipino.


KEY POINTS
  • Tiniyak ng mga magulang ni Shallu na ang kulturang Indian ay nanatiling mahalagang bahagi ng kanilang buhay sa bahay kung saan Punjabi ang wikang ginagamit. Ngunit sa labas ng kanilang tahanan, wikang Filipino naman ang gamit nila sa pakikipag-usap sa mga Pilipino.
  • Ikinasal si Shallu sa kanyang asawang Indian, isang kaibigan sa pagkabata at kakilala ng pamilya na isinilang sa Pilipinas ngunit lumaki sa India. Bagamat may papel ang kanilang mga pamilya sa pagdadala sa kanila, ang kanilang pagsasama ay batay sa tunay na koneksyon at hindi sa isang arranged marriage.
  • Nais ni Shallu na ipasa ang kanyang kaalaman tungkol sa kulturang Pilipino sa kanyang mga anak. Naniniwala siya na hindi dapat nakapaloob ang mga bata sa isang pananaw; mahalaga na matutunan nila ang tungkol sa mundong nakapaligid sa kanila.
  • Noong 2015, lumipat si Shallu sa Australia bilang isang international student mula sa Pilipinas. Nagtrabaho siya bilang restaurant manager sa Wallan, Victoria, at kalaunan ay nakamit niya ang permanent residency.
Ang 'Love Down Under' ay isang podcast series ng SBS Filipino tungkol sa pag-ibig, relasyon at mga kwentong pamilya.
Hindi kami Catholic or Christian but we celebrate Christmas kasi lumaki ako with Pasko. Pasko is such a big thing.
Shallu Bhopal
Hindi ko matatanggal sa buhay ko ang kulturang Pinoy and I want to pass it on to my younger one because I believe it’s important to be culturally diverse.
Shallu Bhopal
PAKINGGAN ANG PODCAST
LDU INDIAN SHALLU image

Dugong Indian pero pusong Pinoy: Paano niyakap ng isang Indian ang kulturang Pilipino

SBS Filipino

35:49

Share