Ang seryeng ito na Indiginoy ay patungkol sa buhay ng mga Katutubong Australyano at Pilipino, ang kanilang pakikipag-ugnayan at koneksyon, at kung paano nila niyayakap ang pagkakatulad at pagkakaiba ng dalawang kultura.
Highlights
- Makikilala natin sa episode na ito si Tony Paradies, isang Filipino at ang kanyang asawa na si Sharon, isang Katutubong Australyano.
- Noong dekada 60 at 70, hindi pa halos tanggap ang pagkakaroon ng relasyon sa pagitan ng may maitim at maputing balat.
- Nagsilbing daan ang puting kaanyuan ni Sharon sa dahan-dahang pagtanggap ng lipunan sa kanilang pagsasama.