Bakit mainam na iregalo ang investment fund sa mga bata ngayong Pasko?

Investing in ETF for children

Source: yellowsarah/Getty Images

Mahalaga na habang bata ay maturuan ang mga anak o apo kung paano mangasiwa ng pera, ayon sa finance expert na si Maria Papa.


Highlights
  • Mainam ang ETFs bilang pangmatagalan na investment.
  • Maaring mag-invest sa ETF ang mga magulang at lolo’t lola na nakapangalan sa kanilang anak o apo.
  • Mas mataas ang pwedeng kitain sa ETF kaysa cash savings
Marami paraan para tulungan ang bata na makapag-impok para sa kanilang kinabukasan. Isa na dito ang maagang pag-iinvest sa ETFs na magandang iregalo sa mga anak o apo ngayong Pasko.

“Hindi nila magagalaw ang pondo hanggang umedad sila ng 18. Pagdating ng panahon na ito maari na nilang magamit ang naipong pera sa kanilang tuition fee o kaya ay pang down-payment sa bahay.”


 

 

Ano ang ETFs?

Ang ETFs o Exchange traded fund isang uri ng investment na mura at madaling pamahalaan. Maaring bumili o magbenta ng stocks nito sa ASX o Australian Securities Exchange.

Diversified o ibinabahagi sa iba’t ibang shares ang iyong investment kaya mababa ang risk na malugi ang buong pondo. Madali ring subaybayan ang nangyayari sa iyong investment dahil inilalabas ng ETF ang net asset value sa ASX.

Ang pagtaas at pagbaba ng halaga ng ETF ay nakadepende sa takbo ng market kung saan inilagay ang pondo, halimbawa sa ASX200.
LISTEN TO
Is giving an investment fund as a holiday gift to my grandchildren a good idea? image

Is giving an investment fund as a holiday gift to my grandchildren a good idea?

SBS Filipino

10:28

Share