Key Points
- Magaganap sa ika-14 ng Oktubre 2023 ang referendum para sa Indigenous Voice to Parliament.
- Tatlong panelista ang inimbita ng Australians for Philippine Human Rights Network para sa isang online forum na layong linawin ang mga isyu at tanong sa Voice.
- Hinikayat ng Lead Convenor na si Melba Marginson ang mga kapwa Pinoy na alamin ang mga impormasyon bago magdesisyon.
Ipinagmalaki ni Thomas Mayo na isang Kaurareg Aboriginal at Kalkagal, Erubamie Torres Strait Islander ang kanyang dugong Pinoy dahil ang great grandfather ay isang purong Filipino na si Felix Mayor.
Paborito anya ni Thomas ang dinuguan kung saan minsan ay gamit nila ang dugo ng pagong o dugong na karaniwang pagkain ng Torres Strait Islander.
Thomas Mayo, who has Kaurareg Aboriginal and Kalkagal, Erubamie Torres Strait Islander heritage, proudly mentioned his Filipino bloodline during the "Mula sa Puso” (From the Heart) Online Forum on the Voice.
Isa pa sa mga panelista si Law Professor Kristine Rundle ng University of Melbourne kung saan ipinaliwanag nito ang magiging tungkulin at ang masasakop ng nasabing representative body sa ilalim ng Konstitusyon.
Ibinahagi naman ni Deborah Ruiz-Wall na may-akda ng librong 'Re-imagining Australia: Voices of Indigenous Australians of Filipino Descent' ang makasaysayang ugnayan ng mga unang Pinoy pearl divers na dumating sa Australia noong 1800s na tinawag na Manila Men at nanirahan at nakapang-asawa ng mga Aboriginal at Torres Strait Islander.
(From top right) Australians for Philippine Human Rights Network Lead-Convenor Melba Marginson, Convenor for South Australia Mario Trinidad, Law Professor Kristine Rundle & Deborah Ruiz-Wall, author of the book 'Re-imagining Australia: Voices of Indigenous Australians of Filipino Descent'
Gayundin ang isyu ng magiging sanhi umano ng pagkakahat-hati ang panukala na hirit ng No campaigner na si Indigenours Leader Nyunggai Warren Mundine.
Maging ang tanong ng ilang migranteng Pinoy na lumabas sa bahagi ng question and answer ng forum kung ano pa ang gusto ng mga katutubo gayong marami nang benepisyo umano itong nakukuha.
Australians for Philippine Human Rights Network joins rally for Yes campaign.
Sa pagsagot sa mga isyung ininhain ng oposisyon, hinikayat ng grupo na suportahan ang Yes campaign at ipakalat ang tamang impormasyon sa mga kapwa migrante.
RELATED CONTENT
Mga kwento ng First Nations sa wikang Filipino