Taong June 2020 ikinasal sila Barry at Maggie Koch dito sa Sydney, Austalia. At dahil sa pandemya, piling kaibigan lang ang naimbeta. Kung susumahin, nasa honeymoon stage pa ang dalawa.
Pero bago pa man ang pandemya, marami ang sweet moments ang magsing-irog, at bongga din ang kanilang mga bakasyon. Ayaw na ng asawang si Barry na magtrabaho pa si Maggie, pero gusto ni Maggie maging independent at makatulong sa kapwa.
Higlights
- Si Barry ay isang hotel manager at nasa housekeeping naman si Maggie.
- 2019 nagsimulang mangolekta si Maggie ng drink containers sa mga rooms na kanyang inaayos.
- 40 hanggang 70 dollars ang na-iipong pera sa mula sa Return and Earn
Unang natulungan nila Maagie at Barry ang isang Lola sa kanilang Probinsya sa Isabela, at dahil kapos sa buhay wala itong disenteng bahay. At dahil sa naipong pera mula Rerturn and Earn, napatayuan nila ito ng bahay.
Magkasunod naman na hinagupit ng bagyo ang probinsya ng Isabela at Cagayan Valley kung saan nanggaling si Maggie. Gamit ang perang naipon, pinadala nya sa Pilipinas ang pera at pinamili ng food packs para sa mga kababayan.
Maliban sa naipong incentives sa Return and Earn, tumulong din ang asawang si Barry sa fundraising para mas marami ang kanilang matutulungang kababayan.
Hanggang ngayon patuloy ang pag-iipon ni Maggie at Barry ng mga drink containers mula sa hotel para magamit nila kung may nangangailangan.
Inamin din ni Maggie di nya ikinahiya ang pag-iipon ng mga drink containers dahil nakakatulong sya sa kapwa at sa kapaligiran, dahil nabawasan ang tinatapong mga plastic sa landfills at my extra income pa sya.
Kaya nagpapasalamat sya sa magandang programa ng gobyerno ng Australia Container Deposit Scheme, na Return and Earn.