‘Joy to the World’: Pasko sa Melbourne 2024, layong ibahagi ang tradisyon sa multicultural Australia

File Photo of Pasko sa Melbourne 2023

File Photo of Pasko sa Melbourne 2023 Credit: SBS Filipino

Kaliwa’t kanan ang Pasko festival at event sa iba’t ibang bahagi ng Australia hatid ng mga Filipino community at hindi nagpahuli ang mga taga-Victoria.


Key Points
  • Magaganap ang Pasko sa Melbourne, Joy to the World sa 8 December 2024 mula 9am - 4pm sa Queen Victoria Market.
  • Hindi mawawala ang ang mga pagkaing Pinoy sa mga stall at meron ding Sama-Sama Salu-Salo Filipino Christmas Feast ng Uling The Charcoal Project.
  • May mga magtatanghal din gaya ng mga folk dance, choir at bibida rin si Mary An Van der Horst.
Sa panayam ng SBS Filipino kay Florence Dato, Vice-President ng The Empowered Australian Multicultural Society Inc. na isa sa nag-organisa katuwang ang Filipino-Australian Student Council of Victoria at Konsulado ng Pilipinas sa Melbourne, mahalaga ang pagsama-sama ng mga Pinoy sa Australia at ibahagi ang tradisyon sa iba pang komunidad.
408261395_919231759748199_7441444190220330993_n.jpg
File Photo of Florence Dato with SBS Filipino producer Claudette Centeno taken during the Pasko sa Melbourne 2023 event. Credit: SBS Filipino

Share