Komunidad Pilipino sa Victoria naghatid ng suporta sa Royal Children's Hospital

royal childrens donation PCG Melbourne.jpg

The Philippine Consulate General in Melbourne with the 125 Kalayaan Organizers handed $5.500 charitable contribution to the Royal Children's Hospital Foundation. Credit: SBS Filipino

Inihatid ni Philippine Consul General Ma Lourdes Salcedo para sa komunidad Pilipino sa Victoria ang suporta sa Royal Children's Hospital Foundation.


Key Points
  • Ang $5,500.00 donation ay bahagi ng mga nalikom na pondo mula sa 125 Kalayaan Celebration noong 2023.
  • Mayroong 90 libong mga bata ang tinanggap sa 'urgent care' bawat taon.
  • Tinutulungan ng Royal Children's Hopistal di lamang ang mga bata sa Victoria at malayong lugar sa state, tinutulungan nito ang mga bata mula Tasmania, NSW at iba pang nangangailangan ng tulong sa bansa.


Sinabi ni Philippine Consul General sa Melbourne Ma. Lourdes Salcedo na ang mga di nagastos sa nalikom na pondo mula 125 Kalayaan event ay nakapagpondo ng mga tatlong workshop para sa komunidad, ang grant writing, public speaking at digital literacy para sa mga seniors. Ang natitirang halaga ay inilaan para sa layuning magkapag patayo ng ikalwang lugar para Rizal park sa Victoria.


LISTEN TO
SHIRLEY E ARAW NG KALAYAAN  image

Paano masusukat ang tunay na kalayaan ng Pilipinas?

SBS Filipino

12/06/202308:34

Share