Kuwentong Palayok: Nilalamig ka ba? Tara humigop tayo ng sabaw ng bulalo.

Freshly cooked Filipino food called Bulalo

Bulalo is a traditional Filipino beef dish. It features a light-colored soup made by simmering beef shanks and bone marrow until the collagen and fat dissolve into a clear, flavorful broth. Credit: junpinzon /envato

Pagpatak ng tag-lamig, hindi mawawala sa mga Pinoy na magcrave ng mga sabaw o mainit na lutuin gaya ng goto, lomi, lugaw, at siyempre, ang bulalo, ang sikat na sabaw na ipinagmamalaki ng Batangas, ang capital ng cattle trading sa Luzon.


Key Points
  • Dati-rati, mura o libre pa nga and soup bones sa Australia. Ngunit simula ng pinasikat ng mga international chefs ang grilled bone marrow, nagka-presyo na ito.
  • Bagamat ang tradisyonal na bulalo mula sa Batangas ay walang gulay, nakagawian na ng mga Pinoy maglagay ng gulay gaya ng repolyo, pechay at mais. Mayroon ding naglalagay ng saging na saba.
  • Sa Australia, kung walang reployo at pechay, maaring gumamit ng substitutes gaya ng bok choy at spinach.
*Kwentong Palayok is SBS Filipino’s podcast series focused on Filipino food, its origins and history, and its evolution both in the homeland and Australia.

Ano ang sikreto ng masarap na bulalo? Ayon kay Chef Migs Vargas ng Uling: The Charcoal Project, kailangan ng dahan-dahan na pagluto, o tinatawag na “slow cooking”, hanggang sa malambot at fall-off-the-bone na ang karne ng baka. 

The best ang bulalo sa Batangas. Ang sikreto nila ay ang pagpapakulo ng sabaw at karne
ng mahabang panahon at patuloy na pagdaragdag ng mas maraming sabaw at buto at karne. Tuloy-tuloy ito kaya naman malalim ang lasa ng bulalo.
 
Kadalasang napagkakamalang nilagang baka ang bulalo ngunit magkaiba ito.

Ang bulalo ay gawa sa beef shank at tuhod (beef kneecap), samantalang ang nilaga ay gumagamit ng ibang parte ng baka, gaya ng beef kamto.

Tatalakayin din sa podcast ang mga paraan para makapagluto ng masarap na bulalo lalo na kung ikaw ay kapos sa oras, katulad ng pagtanggal ng langis sa gabi, o paglagay ng foil sa dulo ng buto, at iba pang helpful tips at ingredients. 

LISTEN TO
ALEMBONG image

Kwentong Palayok: nakatikim ka na ba ng “alembong”?

SBS Filipino

31/05/202418:13

Share