Key Points
- Cup Day ay isang pampublikong holiday sa Victoria at tumataon ito sa unang Martes ng Nobyembre
- Ang Melbourne Cup ay sumasalamin sa maraming tradisyon ng bansa ngunit hinahati ang opinyon ng publiko
- Ang Cup ay lalong umakit ng kritisismo sa kapakanan ng mga hayop at sa ginagawang pamamaraan sa karera ng kabayo para kumita
- Ang Cup Day ay ang pinakamalaking araw na kaganapan sa pagsusugal sa Australia
Sa bawat unang Martes ng Nobyembre, tila ang bansang Australia ay tumigil ang mundo dahil sa karera ng kabayo.
Ang Melbourne Cup ang isa sa pinakatanyag na karera ng kabayo sa buong mundo.
Sa katunayan sa Victoria isa itong public holiday.
“Ang pagdiriwang na ito ay bahagi ng kultura ng Australia,” sabi ni Neil Wilson, Chair ng Victoria Racing Club.
"Maraming pinagdaanan ang Cup na ito, noong unang panahon nasaksihan nito ang digmaang pandaigdig, nagtiis ito sa panahon ng depresyon sa Australia at gayundin, kamakailan lamang, nagpatuloy sa pandemya ng COVID, "dagdag niya.
Sinabi ni Wilson sa 162-taong kasaysayan nito, ang karera ay lumago at maaari ng maihahambing sa mga internation sporting events tulad ng Grand Prix o tennis grand slam.
“Mayroon kaming mga manonood sa 160 na mga bansa na umaabot sa halos 750 milyong tao.”
Ngunit habang maraming mga Australyano ang nagdiriwang ng Cup, marami rin ang mahigpit na tumututol dito.
Racegoers o manunuod ay pumapalakpak sa panahon ng Melbourne Cup Day, sa Flemington Racecourse. Source: AAP / JAMES ROSS/AAPIMAGE
Sabi ni Leigh sa loob ng maraming taon, ang karera ng kabayo ay kinukwestiyon at pinupuna dahil sa kanilang pagtrato sa mga hayop, para lang kumita.
Ang Melbourne Cup ay madalas na nakikita na sa loob ngisang araw ay nagsasama-sama tayo at nagdiriwang, ngunit ang ating ipinagdiriwang ay mali.Kristin Leigh, Coalition for the Protection of Racehorses Communications Director
Regular na nagpoprotesta ang mga aktibista ng karapatang panghayop sa Melbourne Cup Day. Source: AAP / SCOTT BARBOUR/AAPIMAGE
Ano ang kahalagahan ng Melbourne Cup?
Ang Melbourne Cup ay ang ikapitong karera ng Cup Day sa Flemington Racecourse. Ito ang sentro ng isang linggong Melbourne Cup Carnival at highlight ng Spring Racing Carnival.
At tuwing alas-tres ng hapon sa unang Martes ng Nobyembre, milyun-milyon ang tumututok sa karera.
"Tinatawag itong 'karera na napapahinto sa buong bansa' dahil nakatutok ang lahat ng Australians sa oras na iyon, " sabi ni Wilson.
Sa katunayan, ang bawat tao na nasa hustong gulang ay titigil at makikinig o manonood ng karera.Neil Wilson, Victoria Racing Club Chair
Ang Cup Day ay naghahatid ng mga 300,000 taong manonood sa Flemington track, kung saan nagpapalipas ng buong araw habang ang lahat ay nagsasaya lamang.
"Ang fashion ay isa ring napakalaking bahagi ng kaganapan, kaya inaasahan ang lahat ay nakabihis ng magagandang damit suot ang sombrero at suit," sabi ni Wilson.
Ang mangangabayong si Kerrin McEvoy (kaliwa) ay nakasakay sa kabayong si Quantico sa pagkapanalo sa karera 10, MSS Security Sprint ng Melbourne Cup Day, sa Flemington Racecourse, Melbourne, Martes , Nobyembre 2, 2021. Source: AAP / JAMES ROSS/AAPIMAGE
Dolyar at pagsusugal
Ang Melbourne Cup ay isa sa pinakamagarbong karera sa buong mundo.
Sa katunayan nitong taong 2022 ang premyo ay nagkakahalaga ng 8 milyong dolyar, kung saan ang mananalo ay mag-uuwi ng apat na milyong dolyar at 250,000 dollars trophy.
Ito din ang tinaguriang pinakamagastos na pagsusugal sa isang araw sa Australia.
Sa isang araw sa isang taon ang mga tao ay tumataya sa mga nagbebenta ng sweepstakes.
Ayon kay Leigh mula sa Coalition for the Protection of Racehorses kahit na pinapalakas ng Melbourne Cup ang ekonomiya ng Victoria, mas pinapalala nito ang problema sa pagsusugal sa Australia.
“Sa nakalipas na 10 taon, dumoble ang turnover ng thoroughbred wagering. Ang $29 bilyon ay isinugal na ngayon sa thoroughbred na karera sa isang taon. Kaya, ang karera ng kabayo ay hindi lamang masama para sa mga kabayo, ito ay masama para sa mga tao, "sabi ni Leigh.
MORE FROM THE SETTLEMENT GUIDE
Worried about a loved one’s problem gambling? Here’s how to support them
Bakit sumasalungat ang mga tao?
Dinodokumento din ng Coalition for the Protection of Racehorses, ang maraming taong mga nangyayaring pagkamatay ng kabayo habang nasa karera.
Gayundin, pangyayari tungkol sa kung paano nakakaapekto ang mga diskarte sa karera at paghagupit sa mga hayop at ang madalas na pagpatay sa mga nasugatan na kabayong pangkarera.
"Sa nakalipas na 10 taon, walong kabayo ang namatay sa Flemington sa araw ng Melbourne Cup mula sa mga sugat at bali na natamo nila," paliwanag ni Leigh.
Dahil mahal ang makabawi ang kabayo, matagal at talagang mahirap para sa hayop, i-euthanise lang nila ang mga ito sa track.
Sinabi ni Leigh hindi alam ng publiko ang kabuuang bilang ng mga namatay na kabayo sa karera.
"Sa karaniwan isang kabayo ay pinapatay sa mga karerahan ng Australia bawat dalawa't kalahating araw. Libu-libo pa ang inalis mula sa track na nasugatan at namamatay, at yon ang hindi natin nalaman," pagdaing niya.
Gayunpaman, ipinagtanggol ni Mr Wilson ang Cup na nagsasabing ang mga isyu sa kapakanan ng hayop ay pinapalaki lang.
"[Ang mga kabayo] ay mas higit pang inaalagaan, kaysa ginagawang pag-aalaga ng mga tao," sabi niya.
"Mayroon silang mga vet, mayroon silang dentistry work, chiropractic work, at kaya inihahanda silang mabuti."
Nagsagawa ng protesta ang mga animal activist na may mock fashion at pekeng karera sa Melbourne Cup Day. Source: AAP / DAVID CROSLING/AAPIMAGE
Kahit na mayroon kaming pinakamahusay na record sa safety ng karera ng thoroughbred horse sa buong mundo, hindi iyon pumipigil sa amin na subukang mas pagbutihin paDr Grace Forbes, Racing Victoria Veterinary Service General Manager
Isasailalim sa full body scan habang nakatayo ang isang kabayo bago ito lalaban sa Spring Racing Carnival.
"Gamit ang makabagong apparatus, nakakagawa kami ng napakadetalyadong pag-scan habang sila ay nakatayo at gising ang kabayo," paliwanag ni Dr Forbes.
Thoroughbreds are a type of horse breed known for their fast running speed. They can maintain speeds between 60 to 70 km/hr. Source: Getty / Getty Images AsiaPac
Anong mga kabayo ang ginagamit sa karera?
Dalawampu't apat na thoroughbred ang kwalipikadong tumakbo sa 3200-meter course. Ang Thoroughbred ay isang lahi ng kabayo na kilala sa pagiging mabilis sa pagtakbo.
Ang mga kabayong ito ay kinakailangang hindi bababa sa tatlonng taong gulang para makipag-karera at dapat nasa tamang timbang.
Ang Melbourne Cup ay isang ‘handicap’ na karera. May dagdag na timbang ang mga kabayo depende sa kanilang panimulang timbang, edad, hinete at batay sa nakaraang performance.
Sa ganitong paraan ang bawat kabayo na lalaban ay may pagkakatong manalo.
Ang pinakatanyag na kabayo ng Melbourne Cup ay ang nagwagi noong 1930 na kinilalang si Phar Lap. Napakatagal ng kanyang legacy na kaya naka-display ito sa Melbourne Museum, at ang kanyang puso ay naka-preserve sa Canberra.
HELP FOR GAMBLING ADDICTION
Getting help when your loved one has gambling problems
SBS English
19/08/202208:34