Mga Senador, umaasang magkaka-ceasefire sa politika ngayong Pasko

The Philippines Inaugurates New President Marcos Jr.

File photo of the inauguration of Ferdinand "Bongbong" Marcos Jr., together with the new Vice President Sara Duterte, pose for pictures after taking his oath as the next President, at the National Museum of Fine Arts on June 30, 2022 in Manila, Philippines. Credit: Ezra Acayan/Getty Images

Umaasa ang mga Senador na magkakaroon ng ceasefire sa pulitika at hindi magkakaroon ng gulo, lalo ngayong magpa-Pasko at malapit na ang mid-term elections.


Key Points
  • Umaasa rin silang hindi mangyayari sa Pilipinas ang gulo ngayon sa South Korea kung saan nagdeklara ng anim na oras na martial law at may mga kilos-protesta.
  • Inihain sa Kamara ang pangalawang impeachment complaint laban kay Vice President Sara Duterte.
  • Naglabas ang Kamara ng “manifesto of support” para kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
Samantala, pasok pa rin sa “forecast range” ng gobyerno ang 2.5 percent inflation rate sa bansa nitong Nobyembre.

Sinabi ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) na sa kanilang pagtaya, papatak sa 2.2 hanggang 3.0 percent ang inflation.

Ayon sa BSP, sinasalamin nito ang paghupa ng mga hamon sa supply ng pagkain, partikular sa bigas.


Sa usapin ng pinagtatalunang teritoryo , sa West Philippine Sea, kinondena ng gobyerno at nasa kamay ng Department of Foreign Affairs ang paghahain laban sa China ng diplomatic protest sa panibagong harrassment ng tatlong barko ng China Coast Guard at isang warship ng People's Liberation Army Navy sa mga barko ng Philippine Coast Guard na nagsasagawa ng routine maritime patrol sa Bajo de Masinloc o Scarborough Shoal.

Share