Ito umano ang pinakamalaking reporma na nagawa sa Australian agricultural laborer at naglalayon na mabigyan ng pantay na opportunidad ang mga migrant workers na manirahan sa Australia ng permanente.
Highlights
- Nakatakdang ilabas sa katapusan ng Setyembre ang agricultural visa
- Mabibigyan ng oportunidad ang nasa meat processing, fisheries at forestry sectors, at fruit and vegetable picking
- Ito ang pagkakataon ng mga migrante mula sa Asian nations na maging permanent resident sa Australia
Ayon sa immigration agent na si Joy Arellano isa umanong kasagutan ang visa na ito sa napakaraming manggagawa na nangangarap na magkaroon nang katatagan matapos ang ilang taong pagiging manggagawa sa mga agricultural companies.
"I think its an naswered prayer sa mga migrant worker na nasa Agricultural industry. Marami sa mga nasa ganyang field ang hangarin na maging permanent resident. Yun nga lang zero to none ang opportunity or ang makakapitan nilang visa para maging permanent resident kasi karaniwan diyan mga naka student visa or holiday visa."
Ayon kay Joy, makakapag hikayat pa umano ito ng mas mraming manggagawa na magtrabaho sa Australia ngunit sa kaniyang palagay ay maapektohan ang magandang hangarin na ito nang global pandemic.
Kalakip sa agricultural visa na ito ay ang pagbibigay oportunidad sa mga manggagawa na nasa meat processing, fisheries at forestry sectors, at fruit and vegetable picking.
Hiling lamang niya na sana ay maging malinaw ang ipapatupad na agriculture visa na nakatakdang ilabas sa katapusan ng Setyembre.
Mensahe naman ng mga immigration agent na kung kasado na ang agriculture visa na ito ay baka napapanahon na upang bigyang din ng reporma ang mga solusyon partikular na sa pagka-quarantine.