'Negosyong patok sa 2025: Aged care at digital transformation' batay sa business mentor

Alex Apawan Sy on business trends this 2025

Business mentor Alex Apawan Sy (far left) on business trends this 2025 Credit: Supplied by Alex Apawan Sy

Get the SBS Audio app

Other ways to listen

Ang mga negosyong nalilinya sa personal care, cybersecurity, at digital transformation ay sigurong in-demand na hihigit pa sa taong 2025, ayon sa business mentor na si Alex Apawan Sy na may higit 40 na taon sa karanasan ng pagtatayo ng negosyo.


Key Points
  • Ayon sa Australian Government Department of Health and Aged Care, umabot ng 456,000 na katao ang mga nag-trabaho sa industriyang ito noong 2024.
  • Ayon kay Sy, ang pagiging magaling na chef ay isang benepisyo dahil malawak ang nasasakop nito gaya ng private events, pag-gawa ng fusion sa pagkain, at iba pa.
  • Patok pa rin ang pagpapatayo ng negosyong Aged Care lalo na sa mga Filipino- Australians dahil sa angking galing sa pag-aalaga at pag-aruga sa mga matatanda.
LISTEN TO THE PODCAST
May Peraan: Alex Apawan Sy: Patok na negosyo sa 2025 image

'Businesses aligned with aged care, digital transformation in-demand from 2025 and beyond': business mentor forecast

SBS Filipino

07/01/202512:04
Sa tingin ng business mentor na si Alex Apawan Sy na magiging masayang taon ang 2025 lalo na para sa mga negosyo na may kinalaman sa teknolohiya.

"Anything in the digital transformation, technology, I see that there will be an increase in trends there particularly in apps design," ani Alex.
Alex Apawan Sy mentorship 2.jpg
Alex Apawan Sy (in brown shirt) poses with attendees of one of his business mentorship sessions. Credit: Supplied
A lot of Filipinos are getting into personal care and Australians love Filipinos because of our caring nature. We look after people with great care and passion, and employers are increasingly looking for Filipinos because of our work ethics.
Alex Apawan Sy
Isa pa na nakikita niya na papatok sa taong ito ang anumang bagay na may kinalaman sa "sustainability and going green".

"Governments worldwide are looking at sustainability, going green, nature, recycling products."

Malaking bagay din aniya ang personal care sa industriya ng healthcare.
RELATED CONTENT

May PERAan


Share