Alamin ang Orphan Relative Visa at sino ang kwalipikadong maka-apply sa Australia

Orphan Relative Visa in Australia

Orphan Relative Visa in Australia Source: Getty Images/Symphonie

Ang Orphan Relative Visa o subclass 117 ay isa sa maraming visa na maaaring aplayan ng mga immigrants na gustong makapasok sa Australia.


Katulad ng maraming Australian visa na ipinagkakaloob sa mga immigrants, ang Orphan Relative Visa  o Subclass 117 ay may mga partikular na requirement na dapat i-kompleto ng mga aplikante at sponsor.

Ang visa kasing ito ay magbibigay daan sa mga bata na makapunta dito sa Australia para manirahan kasama ang kanilang kaanak, kapag una ang kanilang mga magulang ay sumakabilang buhay na, pangalawa hindi sila kayang buhayin o alagaan ng mga ito o kaya sila ay nawawala.


 Highlights

  • Kwalipikadong maka-apply ng Orphan Relative Visa ay mga bata na nasa ibang bansa at ang kaanak ay nasa Australia na may edad 18 pataas at isang Australian citizen, eligible New Zealand citizen o PR. 
  • Ang kaanak na kwalipikadong maka-sponsor ay kapatid o half-sister/brother, grandparent o step grandparent, aunt, uncle, step aunt o step uncle, o kasalukuyang asawa o de-facto partner ng kaanak.
  • Ang Orphan Relative Visa ay isang permanent resident visa, kaya ang bata ay pwedeng makapag-aral, magtrabaho at ma-enrol sa Medicare at maaaring maka-sponsor ng kaanak papunta dito sa Australia.

Ayon kay Mohammad Reza Azimi na isang immigration agent  sa Shada Migration and Education Services dito sa Sydney ang Orphan Relative Visa ay para talaga sa mga batang ulilang lubos.

“Ang Orphan Relative visa ay para sa  mga batang may edad 18 pababa  na nasa overseas at ang kanilang magulang ay patay na o hindi kayang mag-alaga o missing. At gusto ng bata na manirahan sa Australia kasama ng kaanak.”

Kwalipikadong maka-apply sa ganitong visa  silang mga bata na nasa labas ng Australia, at ang kaanak na mag-sponsor sa kanila, ay  dapat eligible  o kayang  tugunan ang kinakailangan na domumento Immigration Department.

Paliwanag ni Dr Sirous Ahmadi,  ang General Manager at Principal Migration Agent sa  Visayab Migration sa Sydney, dapat silang mag-sponsor na kaanak ay may tamang visa. Dapat Australian citizen o eligible New Zealand citizen o  Australian permanent visa holder.

“Ang sponsor na kaanak ng bata ay 18 taong gulang pataas. Eligible na kaanak ay kapatid o sibling  o step sibling, grandparent o step grandparent, aunt, uncle, step aunt or step uncle, o kasalukuyang  asawa o  de-facto partner ng kaanak.”

Dagdag ni Azimi , dapat ang sponsor na kaanak ay may lakas ng loob at determinadong  i-kompleto ang lahat ng kailangan ng immigration.

“Kailangan ang kaanak ay sponsoran ang bata. Dapat aprobado ng Department of Home Affairs ang sponsorhip at magbigay ng police clearance. Dapat hindi ito kombiktado sa kaso na may kinalaman sa mga bata.”

Dapat din tandaan sabi ni Azimi,  kapag ang mga magulang ng batang i-sponsor ng kaanak dito sa Australia ay patay na o kaya hindi kayang mag-alaga sa bata, dapat magsumite ng dokumento gaya ng  death certificate at medical certificates  kasama ng application, bilang ebidensya na legal ang pag-sponsor sa bata.

“Kung ang mga magulang ng bata ay nakakulong, dapat magbigay ng domumento mula sa korte. Kung missing, dapat magsumite ng opisyal na dokumento sa pagkawala at sa paghahanap nito.”

Aminado si Ahmadi, maraming dapat gawin ang sponsor sa ganitong visa pero maganda ang benepisyo kapag makakuha ang Orphan Relative visa.

“Ito ay permanent visa, kaya ang bata ay maaari ng tumira sa Australia, makapag-aral, makapag-trabaho at maka-enrol sa medicare. At higit sa lahat pwede din maka-sponsor ng kaanak papunta dito sa bansa.”

Si Rachael Owusuachiew ay tubong Ghana, Africa. At taong 2016 lang ito nakarating sa Australia sa pamamagitan ng Orphan Relative Visa.

Ang ina ni Rachael ay may malubhang sakit sa pag-iisip kaya hindi sila naalagaan kaya ang lola nito ang tumayong ina at ama pati sa mga kapatid nito.

Kaya ng mamatay ang kanyang Lola, sabi ni Rachael parang gumuho ang kanilang mundo.

“ Sobrang hirap ng buhay namin may mga panahon, hindi naming alam saan kukuha ng pagkain, parang isang kahig isang tuka kami noon.”

May apat pang kapatid na lalaki si Rachael, ang nakakatanda nitong  kapatid na lalaki ay matagal ng nandito sa Australia. Kaya ng mamatay ang kanilang Lola noong 2015, agad nitong inaplay sila Rachael at tatlo pang malilit na kapatid sa pamamagitan ng Orphan Relative Visa para sa wakas ay magkasama na sila dito sa bansa.

Hunyo  2016 dumating sila Rachael kasama ang mga kapatid dito sa bansa. At sabi nito hanggang ngayon hindi nya makalimutan ang kanyang naramdaman ng naka-apak na ang kanyang mga paa sa airport dito sa Australia.

“ Napakasaya ko. Pagdating ko sa airport sa totoo lang may nagtanong sa akin bakit ako pumunta dito sa Australia? Hindi ako nakasagot kasi iba ang English ko noon ngayon okay na.  Natakot ako na baka pauwiin ako dahil hindi ako nakasagot. Pero, sabi nung lalaki, Welcome to Australia! Kaya ang saya ko.

Nitong nakaraan lang, nanumpa bilang bagong Australian citizen si Rachael at kanyang mga kapatid. Pinagpatuloy din nya ang kanyang pag-aaral  habang nagtatrabaho.

Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa Australian visa. Bisitahin ang Department of Home Affairs sa www.homeaffairs.gov.au  

 


Share