Paano gumagana ang media sa Australia?

SBS and ABC

The ABC and the SBS are Australia's national public broadcasters. Credit: AAP Image/Joel Carrett

Get the SBS Audio app

Other ways to listen

Isang malaya, independyente at magkakaibang pamamahayag ay ang pangunahing haligi ng demokrasya. Sa Australia ang ABC at SBS ang dalawang network ay pinondohan ng gobyerno para magsilbi sa interes ng publiko, kasama ang iba’t ibang commercial at community media outlet.


Ang kalayaan sa pamamahayag at ang magkakaibang pananaw ng media ay mahalagang tanda ng maayos na estado ng demokrasya — kung saan ang mga mamamayan at mamamahayag ay may kapangyarihang ipahayag ang kanilang sarili, mangolekta at mag-publish ng impormasyon nang walang takot sa panghihimasok o paghihiganti mula sa naghaharing pamahalaan.

Bagama't hindi ginagarantiyahan ng Konstitusyon ang kalayaan sa pamamahayag, ang Australia ay nasa nangungunang 40 bansa sa .

Ang bansang Australia ay may ibat-ibang media outlet, kabilang dito ang mga privately owned na commercial media, at sponsored community networks.

Pinopondohan din ng bansa ang dalawang public service broadcaster sa pamamagitang ng kita ng buwis: (ABC) and the (SBS).

Ang Private mainstream media ay gumagawa ng content nila para kumita at ng kanilang ratings. Tumutugon sila sa kanilang mga commercial sponsors at sa kanilang mga interes.

Sa kabaligtaran, ang mga pampublikong tagapagbalita ay may pananagutan sa komunidad na nagpopondo sa kanila.

Cameramen During Event
Credit: Sompong Sriphet / EyeEm/Getty Images

Ano ang pampublikong media?

Ang mga pampublikong media outlet ay nagbibigay ng serbisyo sa publiko. Kaya mandato sa kanila na magbigay ng tamang impormasyon sa publiko, kaya dapat balanse, mapagkakatiwalaan at independyente sa editoryal ang kanilang mga inihahatid na balita.

Nangangahulugan ito na ang mga mamamahayag ng public media outlets ay dapat pahintulutan na suriin, tanungin o punahin ang gobyerno at lahat ng partidong pampulitika.

Ang broadcaster ang nagpapasya kung anong balita ang iuulat, at kung paano i-cover ang mga pangyayari.

"Upang mapagkakatiwalaan, [ang mga pampublikong tagapagbalita] ay kailangan ang anilang mag iniuulat ay patas at walang kinikilingan. Ang pagiging patasy ay nangangahulugan na ito ay makatotohanan at ito ay tungkol sa pagkakaroon ng kapangyarihan upang managot," paliwanag ng CEO Kristian Porter ng .
Ang [public broadcasters] ay dapat na malaya sa gobyerno o lantarang panghihimasok sa komersyo. Dapat silang magkaroon independiyenteng regulator at magbigay ng patas na ulat at may kalidad ang ibinibigay na impormasyon, nagtuturo, at nagbibigay-aliw sa buong komunidad.
Ang public media ay nagbibigay ng platform para sa iba’t ibang boses at istilo ng programming na sumasalamin sa magkakaibang pangangailangan ng mas pinalawak na komunidad, bagay na salungat sa state-sponsored media.

"Ang pampublikong media ay dapat ding maging mapagkukunan ng tamang impormasyon sa mga oras ng emerhensiya o krisis, at kinokontra nito ang maling impormasyon," dagdag ni Porter.

"Dapat sila ay bukas sa lahat ng nangangailangan, maabot ang magkakaibang mga lahi at manunuod o tagapakinig, at sa huli ay ipaalam sa demokrasya, lalo na sa mga oras ng halalan."

LEARN MORE ABOUT THE ROLE OF PUBLIC MEDIA
Kristian Porter Full Interview image

Full interview with Kristian Porter, CEO of the Global Public Media Alliance

11:38
Dahil ang mga public broadcasters ay itinuturing na isang haligi ng demokrasya, sila ay pinondohan ng gobyerno.

Nangangahulugan ito na obligado silang ibunyag kung paano sila pinondohan, ng pinamamahalaan at kung paano nila ginagastos ang kanilang pera.

Taliwas ito sa media na inisponsor ng estado o state-controlled media ay karaniwan sa mga bansang pinamumunuan ng mga authoritarian regime. Bagama't pinopondohan din ito ng gobyerno, kumikilos ang mga broadcasters na kontrolado ng estado bilang isang sangay ng pamahalaan.

"Ang layunin ng media na iyon ay maging isang boses para sa alinmang pamahalaan ang may kontrol sa kanilang lipunan," ayon sa dating pinuno ng journalism program sa University of Technology Sydney (UTS), na si Professor Wendy Bacon.

Ang mga ganitong uri ng outlet ay karaniwang nagpu-publish ng propaganda ng gobyerno at nationalistic na ulat.

IN-DEPTH: LEARN MORE ABOUT THE MEDIA IN AUSTRALIA
Wendy Bacon Full Interview image

Full Interview with Journalism expert, Prof Wendy Bacon

17:55
"Iyon ay ibang-iba sa ideya ng independent broadcasting, kung saan ang pagpopondo ay maaaring magmula sa publiko, ngunit sa ilang paraan ito ay bilang isang gawad sa media na may kakayahang gumawa ng mga paghuhusga tungkol sa kung ano ang mahalagang balita, kung ano ang naibibigay na serbisyo ng komunidad, ” dagdag niya.

Ipinaliwanag ni Propesor Bacon na ang pampublikong media ay dapat magkaroon ng mga kaayusan upang magarantiya ang kalayaan ng editoryal nito.

“Halimbawa, ang Minister for Communication [sa Australia] ay walang direktang kontrol sa isang public broadcaster. Pero kung may media na ay kontrolado ng estado o state controlled media, ang ministro ay makakapagbigay ng mga direktang tagubilin."

SBS and ABC
Credit: AAP Image/Joel Carrett

Ang papel ng ABC at SBS sa Australia

Pinopondohan ng bansa ang dalawang public service broadcaster sa pamamagitang ng kita ng buwis: ito ay ang Australian Broadcasting Corporation o ABC at ang Special Broadcasting Service o SBS.

Ang parehong public broadcasters na ito ay pinamamahalaan ng kanilang indibidwal na charter, mga patakarang pang-editoryal at mga code of practice na nag-uutos sa kanilang content o ulat na maging patas at balanse.

Ang ABC ay mas malaki, na may dose-dosenang regional at international bureaus, nariyan pa ang mga opisina at studio sa lahat ng kabisera ng Australia.

Mayroon itong mga istasyon ng radio at mga channel sa TV upang magsilbi sa iba’t ibang tagapanuod at nang kanilang interes. Kabilang sa mga ito ang mga TV channels na nakatuon sa mga balita at mga programa para sa mga bata.
Ang ABC ay mas kilalang naghahatid ng de kalidad na uri ng pagmamahayag o mga ulat.

LEARN MORE ABOUT THE ABC
Gaven Morris w intro image

Full interview with Gaven Morris, former Director of News, Analysis and Investigations at the ABC.

05:17
Ang ABC ay nagbibigay din ng kompletong impormasyon sa komunidad sa panahon ng emerhensiya, para maging handa, at updated ang publiko sa panahon ng krisis. Nagbibigay din ito ng babala at impormasyon tungkol sa mga pagsisikap para makatayong muli.

"Sa mga nagdaang mga panahon kilala na ang ABC para dun. Sa panahon ng pangangailangan o emerhensiya, lalo na sa panahon at sunog at baha at bagyo at lahat ng mga bagay na iyon dahil sa pagbabago ng klima, ay natiyak na ang papel na iyon ay mas lumago," ayon kay Gaven Morris, agn dating Director ng News, Analysis and Investigations of the Australian Broadcasting Corporation.
Ventana Fiesta
SBS Radio has close ties to the migrant communities living in Australia. Source: SBS
Samantala ang SBS naman ay isang multicultural at multilingual na pambansang public broadcaster sa Australia. Kasama sa mga channel sa telebisyon nito ang mga international na programa , pati na rin ang mga balita sa Ingles at marami pang ibang wika.

Nagbibigay ito sa mga tao mula sa magkaibang background na hindi nakakapagsalita ng Ingles ng access sa impormasyon at entertainment mula sa kanilang mga bansang pinagmulan.

Naglalaman din ang NITV, ang ,ng Australia, na nagpapakita ng mga content o ulat mula sa pananaw ng First Nations.

Ang SBS ay nagsimulang mag-broadcast noong kalagitnaan ng 1970’s bilang serbisyo sa radyo na pinondohan ng gobyerno at pinapatakbo ng mga volunteers sa walong wika. Ito ay nagbibigay impormasyon upang payuhan ang mga migrante kung paano ma-access ang mga serbisyong medikal ng Australia.
NITV Radio
SBS Radio started broadcasting in eight languages in 1975, and now airs original programming in more than 60 languages. Source: SBS
Mula noon ang SBS Radio ay nag expand ng malaki hanggang sa nagpu-publish na ito ngayon ng mga digital news at podcast sa dose-dosenang mga lengwahe, kabilang ang .

"Ito ay may target the audience sa Australia, na nagsasalita ng iba't ibang mga wika, at ang kanilang mga pangangailangan ay napakalawak. Kaya ang serbisyo ay idinisenyo upang tulungan ang mga tao na maunawaan ang tungkol sa Australia, ang paraan at kung paano gumagana ang mga bagay kabilang ang ating pamahalaan, ating burukrasya, ating sistema ng paaralan, ating mga sistemang pang-emerhensiya at mga katulad nito, upang ang mga tao ay makapagsimula sa pinakamahusay na posibleng simula, " paliwanag ng SBS’s Audio Language Content Director David Hua.
IN-DEPTH: LEARN MORE ABOUT THE SBS
David Hua for Transcript image

Full Interview with David Hua, Director of SBS's Audio and Language Content Division

13:27

Commercial media sa Australia

Kinakailangan din ang mga komersyal na outlet upang magarantiya ang pagkakaiba-iba ng media sa mga demokratikong bansa, tulad ng Australia.

Ayon kay Cassie Derrick, ang Director ng Media, Entertainment, and Arts Alliance Media Section o MEAA. Ito ang pinakamalaking unyon ng Australia na kumakatawan sa mga mamamahayag mula sa publiko at commercial media.

Sinabi niya na ang mga outlet na ito ay nakadagdag ng halaga sa pagpagpapahayag ng boses ng mga tao.

"Maaari itong maging mas angkop na lugar o hindi bababa na magbigay ng ibang pananaw, at sa palagay ko ay napakahalaga na ang mga tao na nasa Australia ay may access sa iba't ibang pananaw at maraming mga diskarte sa pagkukuwento hangga't maaari," paliwanag niya.

Dagdag naman ni Professor Wendy Bacon na nakapagtrabaho bilang journalist sa public at commercial media outlets.

Sabi nito na kahit ang commercial media ay may malaking naiambag sa publiko sa pamamagitan ng pamamahayag, karamihan sa kanilang content ay idinisenyo upang makaakit ng manunuod upang pataasin ang kita sa pamamagitan ng patalastas o advertising.
Ang buong layunin ng commercial media ay kumita ng mas maraming pera hangga't maaari. Nangangahulugan ito na ang mga advertiser ay mag-a-advertise lamang kung sa tingin nila ang nilalaman ay nakakaakit ng mga tao patungo sa programa, kaya makikita nila ang patalastas. Ito ay hindi isang direktang relasyon, bagaman maaari itong magnyayari. Mayroon kaming dalawang napakalaking kumpanya, ang pinakamalaking pag-aari ni Rupert Murdoch, News Corporation. May mga pahayagan sila, may impluwensya sila sa radyo, may impluwensya sa telebisyon...
Professor Wendy Bacon
Sa Australia, mayroong ilang pribadong pag-aari ng media outlet. Ang ilan ay namumukod-tangi bilang nangingibabaw na mga conglomerates: NewsCorp, pag-aari ng pamilya Murdoch, Seven West at Nine. Kinokontrol ng mga negosyong ito ang domestic commercial na pahayagan, telebisyon, at mrket sa radyo.

"Kadalasan ang mga commercial outlets ay makikita sa kanilang mga editoryal kung ano ang mahalaga sa kanilang mga may-ari. At kadalasan ang mga may ari ay kontrol kung paano ang gagawing pagsusulat ng reporter tungkol sa isang paksa. Sa ilang mga bansa, ang komersyal na press ay higit na nakikita na sumusuporta sa kung sino ang may kapangyarihan," paliwanag ng Public Media Alliance CEO na si Kristian Porter.
Concentration of media ownership.
Some people believe that the concentration of media ownership in Australia affects the quality of election campaign coverage. Source: AAP / Credit: AAP
Dagdag pa ni Porter na ang pagkakaiba-iba ng media ay mahalaga upang matiyak ang marami at iba't ibang mga pananaw.

"Ang mapanganib kapag maraming media organisasyon na pinagmamay-ari ng isang tao lamang. At kapag may monopolyo, ang dapat isaalang-alang ay kung ano ang magiging hitsura ng iyong media landscape kung walang pubic broadcaster? Ano ang magiging hitsura ng balita? Mababaling ba ito sa isang tiyak na pananaw? Sa halip na kapag mayroong organisasyon tulad ng ABC at SBS na gumagawa ng balita na walang kinikilingan, pinagkakatiwalaang boses sa ngalan ng publiko? At iyon ang palaging tanong na itatanong."

Ang Public Media Alliance ay ang pinakamalaking pandaigdigang samahan ng mga pampublikong media outlet, na nagtataguyod nga mahalagang katangian para sa mga public media at pamamahayag. Kabilang sa mga ang BBC (ang public broadcaster ng UK), PBS at NPR (mga public broadcaster ng US) at ang ABC at SBS, bukod sa iba pa.

Share