KEY POINTS
- Ang pag-uusap tungkol sa sex ay kadalasang isang sensitibo at nakakahiyang paksa. Gayunpaman, sumasang-ayon ang mga eksperto na mahalagang magkaroon ng patuloy at bukas na pakikipag-usap sa iyong anak tungkol sa mga bagay na ito. Ayon kay Donovan Nufable, isang tagapagtaguyod ng pamilya, ang mga pag-uusap na ito ay dapat magsimula nang maaga at magpatuloy habang lumalaki ang mga bata sa pagtanda.
- Ayon kay Ginoong Nufable nakakatulong kung marunong ang mga magulang na balansehin ang kanilang papel sa sitwasyon.
- Dagdag ni Mr. Nufable na ang pangunahing takeaway para sa mga magulang ay simple: gabayan, huwag kontrolin. Hikayatin ang mga bukas na pag-uusap, magbigay ng payo, at payagan ang kanilang mga anak na gumawa ng kanilang sariling mga pagpipilian, alam na palagi kang nandiyan upang suportahan sila kapag kailangan nila ito.
These talks should begin early and continue as children grow into adulthood. The key is consistency keeping the lines of communication open so that when your child is ready to talk, they will feel comfortable coming to you with their questions.Donovan Nufable (Family Dispute Resolution Mediator)
Ang 'Usapang Parental' ay podcast series ng SBS Filipino tungkol sa pagiging magulang. Ito ay nagtatampok sa mga kwento ng migranteng pamilya, pagpapalaki ng mga anak, at mga payo mula sa mga eksperto.
PAKINGGAN ANG PODCAST

Paano maaring simulan ng mga magulang ang mga pag-uusap tungkol sa sex at relasyon
SBS Filipino
19/02/202510:58
Ang mga impormasyon sa ulat na ito ay gabay lamang. Para sa karagdagang payo na naaayon sa iyong problema o sitwasyon, mainam na kumonsulta sa isang eksperto.