Paano tumulong sa mga nasugatang wildlife o hayop sa Australia

NSW oli wok blong savem Koala taem ol bush faea, ol bush oli lus mo ol sik weh eii kam blong spolem fiuja blong iconic Ostrelean Animal ia

Sapos yu luk wan injured o sik wael laef, hemi impoten blong askem help blong wan speselis. Credit: Lisa Maree Williams/Getty Images

Kung ikaw ay naglalakbay o naggalugad sa Australia at nakatagpo ng mga nasugatan o may sakit na wildlife o hayop, ang tamang kaalaman ay makakatulong para maibigay ang tiyak kinakailangang pangangalaga.


Key Points
  • Kapag ikaw ay nakakita ng mga sugatan o may sakit na hayop, humingi ng tulong mula sa mga eksperto sa pamamagitan ng pagkontak sa lokal na wildlife rescue services.
  • Sa pagtulong sa mga sugatan o may sakit na hayop, siguruhing ligtas ang iyong sarili at ang hayop.
  • Ang mga beterinaryo ang nagsusuri at gumagamot sa mga sugatan o may sakit na hayop, at ang mga wildlife carers ang umaalalay sa patuloy na pangangalaga at pag-rehabilitate.
Ang Australia ay tahanan ng pinakakakaiba at kahanga-hangang mga hayop sa buong mundo, kabilang dito ang kangaroos, wallabies, wombats, possums, palaka, ibon, ahas at mga hayop sa dagat.

Depende sa kung saan ka nakatira sa Australia, ang mga uri ng hayop na maaari mong makita ay magkakaiba. Sa kasamaang palad, ang hayop ay maaaring minsan ay magkasakit o masugatan ng mga sasakyan, imprastraktura, o natural na sakuna gaya ng sunog o baha.

Kung makatagpo ka ng nasugatan o may sakit na hayop, mahalagang malaman kung paano ligtas na magbigay ng tulong at kung saan hihingi ng tulong sa eksperto, upang mabigyan ito pagkakataon para sa paggamot, pagbawi at potensyal na paglaya pabalik sa natural nitong kapaligiran.

Wael laef veterinarian Dr Tania Bishop - WIRES.jpg
Wael laef veterinarian Dr Tania Bishop - WIRES.jpg
Ayon kay Tania Bishop isang wildlife veterinarian na nagtatrabaho bilang researcher, para sa programa sa pag-angat ng mga uri ng hayop, at mga ospital para sa wildlife, na tumutugon sa mga aksidente kung saan biktima ang mga hayop sa nakalipas na 24 na taon.

At kasalukuyan din itong nagtatrabaho sa Wildlife Information, Rescue and Education Service o kilalang WIRES – ito ang pinakamalaking organisasyon sa Australia para sa pagresponde, edukasyon ukol sa wildlife, at pananaliksik sa mga hayop sa kalikasan.
Sa panahon ng pagmamaneho sa Australia, karaniwan na makakita ang mga hayop mula sa loob ng kotse lalo na sa mga rural na lugar at lalo na sa pagitan ng madaling-araw at takipsilim kung kailan mas aktibo ang mga wildlife.
Tania Bishop
"Kapag ikaw ay nasa labas at nag-ca-camping o nag-e-explore, may magandang posibilidad na makakita ng mga hayop, at higit pa ang makikita mo kapag ikaw ay nagmamasid ng tahimik," sabi ni Dr. Bishop.
Exploring Stradbroke Island near Brisbane
Stradbroke Island in Queensland, Australia Source: iStockphoto / Kevin LEBRE/Getty Images/iStockphoto

Kung makakita ka ng sugatan o may sakit na hayop makipag-ugnayan sa eksperto.

Maaring nakakapanlumo ang makakita ng sugatang o may sakit na hayop, lalo na ang mga mas malalaking uri tulad ng kangaroo, wombat, o koala. Inirerekomenda ni Dr. Bishop na maghanap agad ng tulong mula sa mga eksperto.

"Ito ay maaaring magsimula sa lokal na beterinaryo o ranger sa local council, hanggang sa telepono ng helpline para sa pangangalaga ng hayop, o mayroon din mga mobile phone app para matunton ang isang organisasyon para sa rescue at magbibigay ng kinakailangang pangangalaga sa mga ito. May mga organisasyon para sa rescue at pangangalaga ng wildlife sa bawat estado at teritoryo sa Australia, kaya maaari kang maghanap online para sa tamang wildlife care helpline base sa kinaroroonan mo."

Mahalaga rin na unahin ang iyong kaligtasan at ang kaligtasan ng iba.

"Lalo na kung makakita ka ng hayop sa tabi ng kalsada, mahalaga na siguruhing ikaw ay nagpa-park sa isang ligtas na lugar kung saan madaling makita, at ikaw ay nasa ligtas na posisyon. Tandaan na ang mga sugatang hayop ay magiging takot at magtatangka silang depensahan ang kanilang sarili kapag sila ay nasugatan," sabi ni Dr. Bishop.

A bettong with a cast and bandage on its fractured leg - WIRES.jpg
Isang bettong na may cast at bandage sa kanyang bali na paa - WIRES.jpg
Mahalaga na lapitan ang anumang hayop nang tahimik at payapa hangga't maaari upang maiwasan ang stress sa kanila. Kung maari mong gawin ito nang ligtas, takpan ang hayop ng may tuwalya o damit, na nagbibigay ng kaunting ginhawa mula sa init at stress ngunit dapat makakahinga din , at agad na tumawag ng tulong.
Tania Bishop
Kapag ikaw ay nakakita ng patay na marsupial, sila anguri ng hayop na nagdadala ng anak o joey sa kanilang pouch - tulad ng kangaroo, wallaby, wombat, at possum, sinasabi ni Dr. Bishop na mahalaga na suriin ang pouch ng hayop para sa isang joey, kung maari mong gawin ito nang ligtas.


"Alisin lamang ang joey mula sa pouch kung ito ay may makikitang balahibo na. Kung wala itong balahibo, ito ay dapat alisin mula sa pouch ng isang specialised carer dahil karaniwan ay nakapalakip ito sa teti sa yugto na iyon at ang pag-aalis nito ay maaaring magdulot ng malubhang pinsala. Mahalagang ilagay ang isang joey sa isang mainit at madilim na kapaligiran at madala sa tagapag-alaga nang agad-agad, sapagkat ang mga joey ay dumadaan sa maraming trauma kapag namatay ang ina at maaring madaling mamatay kung sila ay lalo pang mag-stress."

Magdala ng basic wildlife first aid kit sa iyong sasakyan

Sinabi ni Dr. Bishop na may ilang pangkaraniwang kagamitang pangbahay na madaling magamit na pang first aid para sa hayop.

"Ang wildlife first aid kit ay dapat maglaman ng lumang makapal na tuwalya na walang nakalaylay na mga sinulid na maaring sabitan ng kuko, isang karton o pet-carrier, at makapal na gloves at kung maari, isang unan para sa ulilang joey na iyong maaaring makita."

Dapat masuri ng isang beterinaryo sa lalong madaling panahon. Batay sa batas, tanging mga lisensiyadong at may training bilang wildlife carer at mga beterinaryo lamang ang dapat mag-aalaga sa mga Australian wildlife dahil sa kakaiba ang kanilang pangangailangang pag-aalaga.
A young wallaby under general anaesthetic in a wildlife hospital receiving treatment for a fractured leg - WIRES.jpg
Ang isang batang wallaby na nasa ilalim pa ng general anaesthesia sa isang wildlife hospital, ginagamot ito dahil sa bali sa kanyang paa. WIRES.jpg
"Susuriin ang mga hayop dahil matapos ang rehabilitasyon at pag-aalaga kung may tsansa sila na maibalik sa kagubatan. Pagkatapos na gamutin at ma-stabilisa ng isang beterinaryo ang mga sugatang hayop, sila ay ibabalik sa mga espesyalisadong tagapag-alaga na nag-aalaga sa kanila mula sa ilang linggo hanggang sa isang taon o higit pa para sa ilang uri," paliwanag ni Dr. Bishop.

Si Morgan Philpott ay isang tagapag-alaga ng wildlife sa WIRES na naglaan ng mahigit isang dekada sa pagtulong sa pangangalaga ng mga sugatang at may sakit na wildlife.

"Kaming mga tagapag-alaga ay tatanggap ng mensahe sa aming mga telepono na nagbibigay-alam sa amin na may kailangang i-rescue. At karaniwan, makikipag-ugnayan kami sa miyembro ng publiko upang makakuha ng karagdagang mga detalye at magpapatuloy mula doon. Ang mga hayop na ito ay talagang kailangang marating ang mga beterinaryo nang napakabilis para sa pagsusuri," sabi ni Philpott.


Share