'Parang pamilya kami sa barrio na nagtutulungan sa Newman': Alamin ang buhay ng mga Pinoy sa minahan sa WA

Filipinos in Newman.jpg

The Filipino community in Newman, Western Australia, celebrated Philippine Independence Day in 2023. Credit: The Filipino Association of Newman/Facebook

Ang taunang pagdiriwang tulad ng Pasko, at Araw ng Kalayaan ang tanging panahon na nagsasama-sama ang mga Pinoy. Halos labing tatlong oras ang byahe sa Newman papuntang Perth, subalit bakit nananatiling maraming Pinoy ang naninirahan sa lugar?


Key Points
  • Si Emely Barbato ang kasalukuyang nangunguna sa mga pagdiriwang kasama ng mga Filipino sa Newman at itinataguyod nito ang The Filipino Association of Newman.
  • Welder, mekaniko, driver, at chef ilan lang sa mga in demand na trabaho sa lugar.
  • Para manatiling konektado, gumawa ang mga kababaihan ng chat group, dito rin sila nagbebenta ng mga pagkaing Pinoy at nagbibigay ng update para sa mga pagtitipon.
Ayon kay Emely Barbato ang overseer sa grupong The Filipino Association of Newman, kulang-kulang 300 ang mga Pinoy na naninirahan sa Newman.

Taun-taon nadadagdagan ito lalo't mas lumalaki ang industriya ng minahan sa lugar.

Ayon sa ulat ang Australia ang pinakamalaking producer ng iron ore sa buong mundo na umabot sa 944.1 milyong tonelada noong 2022.

At ang Western Australia ang pangunahing pinagmumulan nito, na nag-aambag ng 98.9% ng kabuuang produksyon ng iron ore, kaya bilyon-bilyong dolyar ang naaambag nito sa kaban ng Australia.
Emely and the truck.JPG
Emely Barbato and the truck used in the mining operations in Newman, Western Australia. Credit: Emely Barbato/Facebook
Emely Barbato in the mining site.JPG
Emely Barbato, together with her relatives, toured several sites in the mining area in Newman. Credit: Emely Barbato/Facebook
Sa pahayag din ng Australian Bureau of Statistics ang pagmimina ang may pinakamataas na sahod sa lahat ng industriya sa Australia—aabot sa 61 porsyento na mas mataas kumpara sa karaniwang kita sa bansa.

"I won't say maraming pera dito, I wont say walang pera dito but it's all about how you handle your money kapag marunong kang maghandle marami kang maipon na pera," kwento ni Emely Barbato ang namumuno ng The Filipino Association of Newman.

Newman celebrating Philippine Independence Day.JPG
Filipinos in Newman are celebrating the Philippine Independence Day. Credit: The Filipino Association of Newman/Facebook
Filipinos in Newman salu-salo sa mga pagdiriwang.JPG
Filipinos in Newman sharing a feast during the celebrations. Credit: The Filipino Association of Newman/Facebook
Newman at Tinikling.JPG
Filipinos are introducing the national dance of the Philippines, called Tinikling, to the younger generation. Credit: The Filipino Association of Newman/ Facebook
Bukod sa taunang salu-salo ng mga kababayan sa lugar, ipinapakilala din ng mga nakakatanda ang ilang larong Pinoy at katutubong sayaw sa mga kabataan.
Newman at Larong Pinoy.JPG
Filipinos are introducing larong Pinoy called chinese garter to the younger generation. Credit: The Filipino Association of Newman/Facebook
Filipinos in Newman sa larong Pinoy.JPG
Filipinos are introducing larong Pinoy called Karera sa Sako to the younger generation. Credit: The Filipino Association of Newman/Faceboo
Filipinos in Newman 4.jpg
Filipinos in Newman sharing a feast during the celebrations. Credit: The Filipino Association of Newman/Facebook
filipinos in Newman 3.jpg
Filipinos in Newman sharing a feast during the celebrations. Credit: The Filipino Association of Newman/Facebook

Share