PH Tourism department Davao region, target ang Australian market sa turismo at pamumuhunan

Samal Island

Davao is a vibrant and diverse destination in the southern Philippines. Credit: Supplied

Mula sa mga kahanga-hangang tanawin hanggang sa mayamang kultura, ang Davao ay isang destinasyon na nangangako ng kakaibang karanasan para sa mga manlalakbay na mahilig sa adventure, pagkain at kultura.


KEY POINTS
  • Ayon kay Tanya Rabat Tan, ang Regional Director ng Department of Tourism XI, kilala ang lungsod sa mga iconic na tanawin at wildlife nito, kaya’t ito ay isang destinasyon na dapat bisitahin ng mga naglalakbay na naghahanap ng parehong pagpapahinga at kasiyahan.
  • Kilalang-kilala ang Davao bilang daan patungong Mt. Apo, ang pinakamataas na bundok sa Pilipinas. Maaaring bisitahin ng mga nature enthusiasts ang UNESCO World Heritage site na Mt. Hamiguitan Range and Wildlife Sanctuary. Kilala rin ang rehiyon bilang tahanan ng Philippine eagle.
  • Ipinagmamalaki ng Davao ang iba't ibang mga kultural na atraksyon. Isa sa mga tampok nito ay ang mga world-class na dive sites, lalo na sa Samal Island, na tahanan ng mahigit 20 dive spots.
  • Madaling marating ang Davao dahil sa mga direktang flight mula sa iba't ibang international hubs.
We are eyeing Australia and want to welcome Australian tourists to our beautiful region because we have many flights that can easily connect Australians to Davao.
Tanya Rabat-Tan (Regional Director of the Department of Tourism XI)
PAKINGGAN ANG PODCAST
davao tourism image

PH Tourism department Davao region, target ang Australian market sa turismo at pamumuhunan

SBS Filipino

16:20

Share