Pinay international student na buntis mula Victoria lumipat sa Tasmania ng mag-isa para sa 'Australian dream'

Cindy Wisco with family.jpg

In 2018, Cindy Wisco arrived in Victoria, Australia, leaving her child behind in the Philippines. After two years of study, she struggled to find a job and decided to pursue further education in Tasmania, unaware that she was pregnant with her second child. In 2023, her family’s permanent residency was finally approved. Supplied

Matapos nang dalawang taong pag-aaral sa estado ng Victoria, lumipat sa Tasmania si Cindy Wisco para mag-aral muli ang hindi niya alam buntis ito sa pangalawang anak. Alamin kung paano pinagsikapan para makuha ang kanilang 'Ausrtalian dream'.


Key Points
  • Taong 2018 dumating sa estado ng Victoria si Cindy Wisco at kanyang asawa bilang international student, naiwan sa Pilipinas ang kanilang nag-iisang anak.
  • Matapos ang dalawang taong pag-aaral nahirapan sa pagkuha ng trabaho si Cindy, nakapagdesisyon itong lumipat sa Tasmania para mag-aral muli ngunit hindi niya alam buntis pala ito sa pangalawa nilang anak.
  • Dahil sa kasagsagan ito ng pandemya, naiwan sa Victoria ang asawa dahil sa trabaho. Maliban sa pagiging support worker, si Cindy ay naging kitchen hand at factory worker bago makapagtrabaho sa ospital bilang enrolled nurse at maging permanent resident sa Tasmania taong 2023.

Cindy Wisco graduation and family bonding photo.jpg
In 2018, Cindy Wisco with her husband arrived in Victoria, Australia, leaving her child behind in the Philippines. After two years of study, she struggled to find a job and decided to pursue further education in Tasmania, unaware that she was pregnant with her second child. In 2023, her family’s permanent residency was finally approved. Credit: Supplied
Nagpapasalamat si Cindy Wisco sa suporta na kanyang nakuha mula sa mga kababayan at kahit sa ibang lahi nang lumipat ito sa Tasmania para mag-aral ng Diploma of Nursing.

2021 nang lumipat ito sa lugar subalit ang hindi niya alam buntis ito sa pangalawa nitong anak, habang ang asawa ay naiwang nagta-trabaho sa Victoria.

Kwento nito ito ang pinakamahirap na kanyang pinagdaanan habang nasa Australia.

"Dahil hindi ako marunong magdrive noon ang dami kong nakilalang mga anghel sa paligid sila yong kusang tumutulong sa aking para maghatid sa eskwelahan at papuntang trabaho hanggang sa pag-uwi.

May mga nurses na mga kababayan na nagpatuloy sa akin sa kanilang bahay, sila yong naging gabay ko habang nag-aaral at nagtatrabaho, talagang laking tulong ang community at church."

Payo nito sa nagbabalak na pumunta sa Australia at kahit sa ibang bansa.

"Train your mind to see the good in eveything. Kailan ang mag-exceed pa sa ini-expect mo especially sa pagtatrabaho na malayo sa pamilya at mga trabaho na hindi mo usually ginawa at dapat mag-research din."

Share