Key Points
- Isang Pinoy ang biktima ng tangay kotse sa suburb ng Berwick, timog silangang bahagi ng Melbourne alas-8 ng umaga habang nagbo-volunteer sa isang simbahan bago magsimula ang church service.
- Iniwan ni Raffy ang sasakyan habang naglalagay ng parking signs sa labas ng simbahan at dahil maikli ang pagitan hindi na nito pinatay ang makina.
- Laman ng SUV ang mga mahahalagang dokumento at mobile phone ni Raffy kaya inulat na niya ito sa pulisya at kaukulang ahensya.
Nakapanayam ng SBS Filipino si Raffy Lindogan at ibinahagi niya ang karanasan na manakawan ng sasakyan at nagpayo sa ibang kababayan na maging maingat.
PAKINGGAN ANG PODCAST:

Pinoy church volunteer, nabiktima ng tangay kotse sa Melbourne
SBS Filipino
17:06

Raffy Lindogan and his family. Credit: Supplied