Key Points
- 2014 unang sinubukan ni Washington Firmeza ang recreational running at taong 2021 itinatag ang Pinoy Park Runners kasunod naman ang Mananakbo Australia
- Umaabot sa higit 100 Filipinos ang kasama sa Pinoy Park Runners simula 2021 sa Queensland
- Perbel Arcenal ay nahikayat na tumakbo dahil sa takot na mamana ang sakit ng pamilya
Taong 2014 unang sinubukan ng aircraft mechanic at dating myembro ng Australian Defense Force sa airforce na si Washington Firmeza ang recreational running tulad ng pagsali sa Park Run sa Brisbane. Pagkatapos ay na-enganyo itong mag-organisa ng sariling grupo na tinawag na Pinoy Park Runners taong 2021 at kasunod nito ang ang Mananakbo Australia.
Kwento niya noong na-enjoy na nito ang pagtakbo, gusto niyang makasama ang tulad nyang may puso sa pagtakbo at higit sa lahat gusto niyang maibahagi ang magandang dulot ng pagtakbo sa mga kababayan.
I want to see more Pinoy’s coming out every Saturday, doing some fitness, and thinking about their health and well-being.Washington Firmeza, Running enthusiast, organiser ng Pinoy Runners at Mananakbo Australia

Isa sa mga araw ng Sabado na nagtipon-tipon ang mga Pinoy Park Runners sa Australia. Credit: Washington Firmeza
Paraan din ito para makita at makakausap ang mga kababayan.
"Park Run has a friendly environment, young and old payat o hindi, pregnant and every size.
You can show up with any shoe clothing because you can walk , because in Park Run everyone finishes everyone will wait for you even if how long it takes, paunawa ni Washington.
Umaabot na sa higit 450 Park Run locations mayroon ang bansa at nasa 320 na dito ang napuntahan ni Washington. Tinatayang nasa higit isang daang mga Pinoy naman ang naka-rehistro sa Pinoy Park Runners Australia.
Dumadayo na din ito sa ibang bansa at sa Pilipinas para sa marathon.
“When you see them improve their health, improve their physique and you know their self-confidence.
It is a proud moment when you see them achieve their goals and progress.Washington Firmeza, Running enthusiast, organiser ng Pinoy Runners at Mananakbo Australia
Pangunahing benepisyo ng pagtakbo:
- Nagpapaganda ng sirkulasyon ng dugo
- Iwas sakit sa puso
- Nagpapababa ng stress level
- Iwas high blood pressure
- Iwas diabetes
- Nagpapatibay ng buto
- Nakakatulong sa mental health
- Mapanatili ang tamang timbang

Perbel Arcenal dumalo sa Gold Coast Marathon (Half Marathon) noong 2-3 ng Hulyo 2022 sa Australia. Credit: Perbel Arcenal
Ayon sa kanya July 2021 nagsimula ang kanyang pagkahilig sa pagtakbo ng panahon ng pandemya kung saan limitado ang galaw ng tao at gusto nitong matuto ng bagong paglilibangan.
Naramdaman din umano nito ang pagbigat ng kanyang timbang. Kaya inaraw-araw nito ang paglalakad sa kanilang lugar sa loob ng 30 minutos.
“Balik-alindog kasi I need to do something enough is enough na-enjoy ko na yong inum with friends aliw-aliw this time. I need to do something for the better tapos yong sa atin yong may diabetes at high blood and my Dad passes away tapos yon ang reason because of a heart attack.”

Perbel Arcenal sa Brisbane Marathon Festival. Credit: Perbel Arcenal
“ At first ang mga Pinoy nagme-meet up sa Park Run, pagkatapos nagsasama-sama para breakfast at kwentuhan. Dun ko na nilo-lookforwad ko na every Saturday na magkikita kami.
Sa ngayong tulad ni Washington naging bahagi na sa buhay ni Perbel ang pagtakbo, sumasali na din siya ng marathon sa ibang bansa. At umayos na din ang kondisyon ng kanyang kalusugan.
Paalala naman ng running enthusiasts na si Washington Firmeza sa lahat na ang pagtakbo ay libre at may malaking benepisyong maibibigay sa tao, lalo na ang pag-iwas sa sakit na sanhi ng sedentary lifestyle.
“Kahit kumakain ako ng nakaparami basta I will run for a few minutes or an hour parang wala akong kinakain it a good way to maintain healthy weight.”